If ever may job offer here from a Scam Agency na napuntahan niyo, please pm me. I will verify and Ill ban them. Salamat.
Please message me if anyone is trying to harass you or hard selling something to you... either from discussion or private message. I received reports that some Scam Agency dare to threaten members via PM. Surely these scammers are desperate.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Best Content of All Time

  • Success Story of a first timer - The Calculated Risk

    July 2017 - Booked a round trip ticket from Manila to Singapore
    February 24 - Manila to Singapore
    March 05 - Email received from recruiter for initial Interview
    March 06 - Technical Interview
    March 07 - Received Call from recruiter for the 2nd round of interview schedule .
    March 09 - In the morning, HR Manager Interview
    March 09 - In the afternoon, received email requesting for the payslips, diploma and character reference (Manager/Supervisor)
    March 15 - Received call that the job offer already approved and waiting for the High level approval. Discussed the JO.
    March 19 - Decided to apply for online Social Visit Pass extension

    https://extend.ica.gov.sg/extend/index.xhtml

    March 20 - Online extension got Approved. Informed HR.
    March 20 - Received for a call from HR for a meeting on March 21st 11 AM.
    March 21 - Signed Job contract and start processing my Work Pass.
    April 02 - Work pass got approved
    April 03 - Undergo a Medical Examination
    April 05 - Received a generated text that my Medical Report is now Available for collection. No Medical Findings, Fit to work. Informed HR and confirmed my start date of work.
    April 09 - Start of Work
    Opening of Bank account, Photo Opt and Finger Print registration from MOM - TBD

    Things I'd bring going to SG

    1. Passport with atleast 10 months validity - for Immigration/Work purposes
    2. Return ticket SG to MNL - for Immigration purposes
    3. Hotel Accomodation - for Immigration purposes
    4. Company ID - for Immigration purposes
    5. Certificate of Employment Letter - for Immigration purposes
    6. Payslip for the past 3 months (Soft Copy) - for employment purposes
    7. 2x2 ID Picture (Soft Copy) - for employment purposes
    8. Diploma (Soft Copy) - for employment purposes
    9. Other Work related certifications or credentials (Soft Copy) - for employment purposes

    Tips:

    1. 2 weeks or earlier mag apply na online bago pumunta sa SG. Much better bago pumunta ay may naka line up ka nang interview.
    2. Mag praktis ng mga Q & A for interviews. kelangan handa sa mga tanong. madami kang ka competition if pumunta ka ng after CNY. Though, base on my experience madami naman opening kaya patas lang.
    3. Mas ok pumunta ng kasama GF/BF/Asawa para hindi paghinlaan ng Immigration Officer na maghahanap ka dito ng Work.
    4. Do your best and plan ahead, hindi biro ang pagod na ilalaan sa paghahanap ng work dito kaya dapat walang masayang na oras.
    5. Mas ok kung ikaw ang tatawag sa mga recruiter kapag may nakita kang Job post para mapansin ka agad. do googling on their company contact number if not posted sa Job advertisement.
    6. Wag magtiwala sa mga agency na hihingan ka ng certain amount keso iidorse ka daw sa client nila at hahanapan ka ng work. Naging target din ako nito dahil minsan ako naging desparate magkawork dito.
    7. Always inform them your visa status and SVP expire date. Ask the recruiter if that accept foreign talents. Kung may Quota sila.
    8. Linkedin, helpful yan sa Job seeker kasi you can contact directly sa recruiter. Update your header profile, stating that your looking for a Job with your SG mobile number, and add more recruiter connections to get noticed.
    9. Use PDF editor such as Nitro editor kaysa mag print ka ng PDF then sign then scan, magastos ang pa print dito. Masakit ang $1 per page print.
    10. Last but not the least, always pray and seek God first. It helped me a lot.

    Disclaimer: Above mentioned are my own experience and some scenario may not be applicable to others.

    @Admin if you find this helpful. please paki pin nalang po para makita agad ng ating mga fellow kababayan na naghahanap ng work at makatulong. Thank you
    PinkPastacarpejemgoblinsbrideVincent17Kebspinoypinoypinoyglaidizonmang_caroytintirintinlorrainegracepand 7 others.
  • My experience here in SG, Stressful but keep on moving no matter what!

    Guys approved na s pass ko today lang!!! The wait is over
    geneFlynntambay7popoyKebsVincent17jrdnprstineebopper99madpotatogojiberrieMiss_Philand 1 other.
  • Sapalaran na this coming June

    God is really good. Im hired, starhub. Huhu. Iyak kmi girlfriend ko. Mom nalang. Salamat mga kapatid !
    RDGalarcon69BlahblahbuBblesPrimoalkenMhegz013
  • Sapalaran na this coming June

    To God be the glory!!! Approved nkmi.

    Goodluck sa lahat :)
    RDGVincent17alarcon69z_rjrichard0806
  • Success Story of a first timer - The Calculated Risk

    Nag Pray ako na sana bigyan ako ni Lord ng Wisdom at lakas ng loob para harapin ang lungkot at ang worried ko ni lifted up ko talaga sa kanya. Halos naiiyak na kasi ako nun, tinaas ko sa kanya ang desire ko na sana makahanap ako dito ng work, gabayan nya ang mga mahal ko sa buhay lalo na ang Misis ko dahil malayo kami sa isa't isa, natapos ang Mass nang magaan ang pakiramdam ko. Eto na naman ang Monday, same routine - gising nang maaga pray, binabasa ko yung personal prayers na bigay ni misis, then apply thru online walang oras na kelangan sayangin. But this time mas ininprove ko ang strategy ko, nag invest ako sa pag top up ng load, ako na mismo natawag sa mga company na inaaply ko kapag nakikita ko na may career opportunity na fit sa skills ko. Sa linkedin, nag update din ako ng header profile ko, nilagay ko "Actively seeking a in Singapore - tapos inaadd ko lahat ng mga technical recruiter na masearch ko para in case ma view nila profile ko makikita nila and kung mag post man sila for Job opening makikita ko. Dumadating talaga yung panahon na sobrang inip ka na kakaantay ng tawag sa phone mo. Nung lunes ding yon nakareceived na ako ng email at tawag sa isang company at na schedule ako for face to face interview. During our technical interview, dalawa sila na nakaharap ko, isang pinoy (akala ko chineese kasi singkit) at isang Indiano. Medyo sablay mga sagot ko at palagi ako ni ccut ng Indiano kapag nag eexplain na ako, hindi ko inaasahan na makakalusot ako sa technical interview na to kaya hindi ko na lang inexpect na mag proceed ako sa nex step pero nandun parin ang hope ko na sana makalusot. Bago matulog nag dasal ako na sana paggising ko bukas matawagan ako ulit ng recruiter kung pass o failed ako sa interview. Next Morning, natawagan nga ako at sinabi na for HR Manager na daw ang interview ko and if makalusot ako dun job offer na daw, nag conflict yung schedule kasi may kasabay na initial interview yung para dun sa HR Manager Interview ko, pero nag go pa din ako, pinariotized ko yung may HR Manager interview at nag request dun sa isang company na resched nlang. After talaga ng pagsimba ko dun sa Our Lady Queen of Peace, nag sunod sunod mga interview ko sa ibang company, halos naka 10 face to face ako na interview pero ito lang nakapag bigay ng job offer agad kaya grab ko agad opportunity, hindi na ako naging choosy kasi sabi ko sa sarili ko bago na lang ako lumipat pa experience nalang muna kung hindi maganda e di lipat n lang. May nakasama ako sa tinitirhan ko na appartment, same din kami naghahanap din sya ng work, nauna lang ako ng isang linggo, minsan napapaiyak na siya habang kausap ang asawa nya sa facebook, nakita ko sarili ko sa kanya during my first week. Kapag nakakaramdam ako ng lungkot sinasabi ko na lang sa sarili ko na pumunta ako dito ng prepared ako, financial and mind. Nag mind set kasi ako ng mga scenario na pwede mangyari sakin dito lalo na't malayo sa pamilya. Yung kasama ko hindi siya pinalad, kaya nung pauwi na siya hinatid ko na lang siya sa airport. Buti naka 1 month leave siya sa company at may babalikan pa siyang trabaho. The night before my HR Manager interview, Pray ulit ako na sana maging OK ang lahat, si Lord ang mauna sa akin. Dumating ang araw ng interview ko with HR Manager, during our conversation, sinabi nya na gusto daw ako ng technical team i-hire kaya medyo nawala ang kaba ko, naging comfortable ako sa interview namin. Ininformed ko siya about my Visa status. On Afternoon, nag email na si HR Manager (naka leave kasi yung HR kaya siya na nag email) ng mga documents i.e payslip, diploma, etc. Sobrang pasasalamat ko ulit kay Lord dahil nararamdaman ko na na ito na yun, magkakatrabaho na ako. Dumaan ang mga araw, same routine parin ako, hindi ako nakampante hanggat wala Job offer at Work Pass. May mga interview ako sa ibang company pero kadalasan hanggang initial lang, duon ko napatunayan kung gaano ka tindi ang competition dito sa SG. Palapit na nang palapit ang expiration ng Visa ko at wala pa ako na pipirmahan na Job Contract kaya bumalik na naman ang kaba ko at hindi na naman mapakali, lungkot at takot na naman. Simba ulit ako para mawala ang negativity sakin. Hindi ko na kasi alam kung mag eexit ba ako sa malaysia kahit wala ako napirmahan na contract o mag bbook na ako ng ticket pabalik ng pinas. Napapatingin ako sa cellphone ko na sana mag ring at tapos makita ko name ng recruiter ko. Bandang hapon, nag ring ang phone ko at nakita ko name ng recruiter kaya napa thank you Lord agad ako ito na yun. Nakausap ko ang recruiter ko about sa Job offer, hindi na ako nakipag negotiate dahil ok naman ang binigay nila, kumpleto ang benifits at alam ko direct ako sa company kahit naka contractual ng isang taon. Kaya lang need pa daw ng higher level approval kaya hindi ko pa mapirmahan. Isang linggo na lang at expire na SVP ko, inisip ko na mag apply ng online kahit nandun ang doubt na kapag ma rejected ako e alam ko na nasa mata na ako ng MOM dahil may record na ako sa kanila. Inisip ko na lang na gawin ang lahat ng possible way bago lumabas ng SG atleast masabi ko sa sarili ko na I did my best. Salamat parin kay Lord dahil hindi niya ako pinabayaan mag exit dahil na approved ang extension ko kaya medyo nakaluwag ako. Ilang oras matapos makita ang magandang balita sa MOM naka received naman ako ng tawag sa HR about meeting tomorrow. Alam ko Job offer signing na ito kaya nagtatatalon ang puso ko sa tuwa, todo pasasalamat ako talaga sa panginoon kasi siya lang talaga nalalapitan ko. Binalita ko sa Misis ko at tuwang tuwa din siya dahil may nakuha na ako employer. Kinabukasan, nag signed na ako ng contract at start na daw process ang Work Pass application ko. Tuloy parin ako sa pag apply at accomodate ng interview sa ibang company, hindi ako pwede makampante hanggat wala akong IPA. May naging experience din ako na ma interview ng COO (Chief Operations Officer) at Infrastructure Lead, ibang level din pala pag higher management ang kausap, sinasabi ko sa agency na wala pa ako Job offer kahit meron na para tuloy padin pag process ng application ko sa ibang company. Hindi ko na naantay ang feedback sa interview ko with that COO kasi on that same day sinabi ko na na may offer na ako, but in reality na approved na ang Work Pass ko, sinend na ni HR IPA ko at schedule na for medical agad. Medyo Urgent ata tong position n napasukan ko dahil gusto agad ako pag umpisahin mag trabaho. After 2 days nakuha ko agad medical report ko at ininformed si HR kaya todo pasasalamat ako ulit kay Lord dahil hindi niya ako pinabayaan. Hindi ko naranasan ulit mangamba na mag exit ng SG habang nag aantay ng IPA sa labas. Kaya wag kayo mwalan ng pag asa dahil nandyan si Lord. Keep on Praying lang at tiwala sa kanya. God bless us all!
    pinoypinoypinoyYoroshiiz_rjjen707nidalgoJb2018fsenorinkleincanonioDyl
  • Finding a job in 2017. Is it harder?

    Thank you sa lahat ng advices mga kabayan. Na-turn down ko na po kasi yung offer bago ko pa nabasa mga replies nyo. Akala ko po kasi madali lang naman maghanap ng work kasi nakakuha ako agad ng interview on my 1st week. Hindi pala.

    On my 2nd week, as in Monday to Sunday, wala talaga. Zero interview, zero calls. Nagtry pa nga kami mag walk-in sa orchard and all, wala talaga. Ginulo gulo ko na mga tito and friends ko dito, wala talaga. Si bf? wala din. Umiiyak na ako nun gabi gabi kasi sobrang nagsisisi talaga ako sa tinurn down ko yung unang offer kasi WP siya. Bakit ko tinurn down? Akala ko kasi madali lang makahanap ng iba.

    And then suddenly I got a phone call sa AIA Singapore, nakita daw nila resume ko sa JobsCentral, and wants to interview me sa financial services consultant post. Sa sobrang pagkadesperada - kahit wala akong ka-alam alam sa financial financial na yan, papatulan ko na lang. Magkatrabaho lang. Pero buti nalang nakita ko sa one of the threads here na hindi pala maganda dun, insurance sales pala sya sa kapwa mo pinoy. Hindi ko nalang tinuloy interview ko.

    After nun, just 3 days ago, may tumawag nanaman sa akin. I thought eto na talaga yung employer for me. Pero ang weird kasi freelance job daw sya na ang sahod ko daw ay 2.6 million pesos every WEEK! Tapos gusto pa ako sunduin ng employer sa Choa Chu kang at mag uber daw kami together papunta sa interview location. Hindi ako pinapunta ni bf. At syempre ayoko din. Nakakatakot kaya.

    And then ayun, tuloy tuloy ang malas, iyak lang ako ng iyak. Nanghihingi na nga ako sa lola ko ng pang agency. Ayoko na kasi talaga. Parang nawalan na ako ng self-confidence. Nagbook nalang kami ng ticket to Bangkok for exit. And try another month nalang. Tinanggap ko na lang na wala na talaga.

    Pero sabi nga nila good things happen when you least expect it. I received a phone call yesterday for an interview earlier sa Newton. Interview went well. Ang babait ng bosses. Panel interview kasi. I received an offer for s pass, customer service assistant post, okay naman sahod, 6 days work week pero at least 8 hours lang. Good reviews naman sa company tapos contract signing tomorrow. God is really good.

    Si bf din, nawawalan na pagasa. Mahina daw talaga nursing jobs dito kasi healthy daw mga tao dito which is nakikita nga namin, sobrang active nila sa exercises. Sumuko nalang din sya at uuwi nalang daw sya sa pinas. Then suddenly nakita namin sa dyaryo na may opening for Illustrator. Childhood habbit nya talaga magdrawing. Nanghingi sa kanya ng samples ng drawings nya tapos sa saturday may final interview na sya sa boss at kailangan nya patunayan na sya talaga nagdrawing ng mga sinend nya haha. Hopefully makuha na din sya. Please pray for my boyfriend mga kabayan! Please!

    Pero to sum it up, thank you thank you sa lahat ng nagreply sa thread na to. It has been a journey talaga. Kapag binabalikan ko una kong post sobrang nakakatawa nalang kasi wala talaga akong alam at all. And now here I am. All thanks to this thread I am now on my way to make my SG dreams come true. I know it's too early to celebrate kasi di pa natin sure kung ma-approve ng MOM pero I am just supper happy and blessed.

    Prayers lang talaga. Yun lang naman kasi talaga dala ko lagi eh. Tambay nga ako lagi sa St. Joseph church sa Bukit Timah e. Hehe.
    jrdnprsezzycarpejembuBblesAdminalexandria15
  • Na offload

    Share ko lang mga kabayan experience ko, paumanhin sa mahabang post:

    Nasimulan ko nang magtanong dito sa forum from another topic tungkol sa paghahanap ko ng work as Software QA/Tester. Bale nag-comment ako habang nagrerender ako ng 30-day notice sa previous company na pinagtatrabahuhan ko sa Pilipinas, tapos nabanggit ni @Admin na mahirap talaga yung competition kasi "Sa sg hindi lang mga pinoy kalaban natin sa paghahanp ng work. Pati ibang lahi, even mga puti. But dont lose hope". So after ng last day ko sa previous company ko sa Pilipinas, nagpahinga lang ako ng 1 week tapos tsaka ako umalis at pumunta dito sa SG (last week of January) Tinapat kong Chinese New Year kasi may ilan-ilan na nakapagsabi sakin na mas marami nang konti yung opportunities after nun. Pero habang nasa Pilipinas pa ako nagsa-submit na ako ng mga applications online. Tapos binura ko na lang lahat sa mga dala kong gadgets yung lahat ng related sa paghahanap ng trabaho para if ever buksan nila, wala silang makikita.

    Noong kinakausap ko na yung IO sa Pinas, ang unang tanong sakin, kung sino yung bibisitahin ko sa SG. Kumbaga nag-assume na sya na may bibisitahin ako. Mabuti na lang na-set ko na sa isip ko na papasok ako as tourist so ang sagot ko lang "Ay wala naman". Tapos pinakita ko yung mga documents ko (Passport, Flight Itinerary, Hostel Reservation, Tour Itinerary, at Company ID). Then ito yung mga sumunod na tinanong sakin:
    1. Ano position mo sa office?
    2. Ano'ng business na ginagawa ng office na pinagtatrabahuhan mo?
    3. Ano'ng course mo noong college?
    4. Ano'ng nature ng work mo mismo?
    5. Ano mismong ginagawa mo?

    Kada tanong nya nagpo-pause yung IO na parang iniisip pa kung ano pang mga dapat itanong. Habang sinasagot ko yung mga tanong nya, tina-type nya yung mga sagot ko. Tapos sa huli kinunan ako ng litrato tapos ok na pinayagan na ako umalis. Mabuti na lang at nakalusot. Medyo nahalata kong nagdududa yung IO sakin kahit na yung porma ko pang turista talaga.

    Ngayon ika-2nd week ko na dito sa SG, pending na yung status ko sa Ministry of Manpower. Sana swertehin na ma-approve at direcho nang makapag work hehe. Uulitin ko lang yung sinabi ni @Admin, na kahit aware tayo na mahirap ang pagdadaanan "dont lose hope"
    batang25nicohAdminmonsyreeaahhz_rj
  • ICA entry appeal with ipa

    To God be the glory!!

    Just an update, I successfully entered SG, they just verified the IPA and that’s it.
    buBblescarpejemRDGQueeniezhypher33
  • JOB-Hunting Websites

    Madami jobs jan pero pag tinatawagan ko na lagi no quota. Wag kayo umasa at umupo lang sa bahay at magsend online. Need nyo mag walk in walk in sa lahat ng establishment dito. At pag may nakita na kayo na hiring tanungin nyo if applicable ba un sa foreigners. Trust me. Effective pa din sya. Kahit madami nagsasabi na ndi na nag aacept ng walk in. Tiwala lang kayo sa sarili nyo. Tiwala lang na magkaka work din kayo dito na magging ok ang lahat na ndi masasayang lahat ng efforts nyo na may nakalaan na trabaho sa inyo dito. At syempre pinaka importante mag pray kayo. Mag set kayo ng isang time everyday at mag pray kayo. Wag kayong titigil at magsasawa. Hehe
    iWillhaveaJobtinmcapreSGpinoymicajoshabbyGrace19miragezeniemiaraccaThina22
  • Na offload

    Mag-ko-contribute po ako sa thread. Nakatulong sa akin ng malaki tong forum.

    -kakadating ko lang yesterday. Sobrang nakatulong po ang pag-over prepare ko kasi tourist ang entry ko. Tapos sa friend's house ko pa ang tutuluyan ko. Pinapunta agad ako ng officer sa window dun sa section ng interogation. Natanong po ang proof of employment, web accessible email at payslip, credit card, online connected bank acct, friend's personal details at kung may work na nag-iintay sa akin sa SG. Mostly may prepared answer na ako. Pero nakaka-sindak pa din yung mga questions. Ang panghuli na hinanap sa akin ay communication history ko sa friend ko. Buti na lang at nagprepare kami ng ganun.

    Guys thanks sa forum na to. At sa mga papunta hopefully makatulong inputs ko.
    jrdnprsarvs0zAdminreeaahhz_rj