Notice to all: our forum.. same with other social networking sites, there will be scammers lurking around. Please help to report those posts that are not authentic. You may email at [email protected] or click the flag link on the post and state the reason. Thank you in advance for keeping our forum clean.
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Room Rental Dispute

I would like to seek help to you guys about sa ni-rerent namin na room now. Ung Kausap namin(former tenant ng room) kinuha ung bayad namin na supposedly advance namin na bayad sa room, and ginamit nila as bayad nila sa kulang nila na bayad sa Main Tenant. So ngayon, kami ang sinisingil ni main tenant na wala pa kaming advance. Nakausap nanaman namin si main tenant na dapat daw hindi kami sa kanya(former tenant).

Saka lang namin nalaman na naloko na pla kami nung nag chat sya na nag sisingil na sya ng bayad ng month for April kahit hindi namin sya kasama sa house, pero nkapag bayad na kami sa main tenant so lumalabas na wala pa kaming 1 month sa bahay, Halos 4 months na ung babayaran namin. Saka na kami nag tanong sa Main tenant kung hindi ba nya natanggap ung bayad namin nung una. Yun pla ibinayad pero sinabi ni former tenant na sa kulang nila un. Sana po matulungan nyo kami. Thank you.

Comments

  • nagtataka ako bakit people still allow money exchanging hands without documentation. ako kahit walang pangalan ako sa main lease hihingi pa rin ako something written to say what who paid who recieved and what for. Simple.
  • Police report while there is still time.
  • Galing po kami sa Philippines nung nag bayad kami, ang alam namin main tenant sya, nagulat na lang kami di pla namin sya kasama sa bahay at sinisngil na kami nung tunay na main tenant.

    Gusto po ng May-ari ng bahay ipapulis, pero ung main tenant po namin naawa kasi nga po may pamilya din naman po un, ayaw na po sana dumating sa ganun sitwasyon, alam naman po natin ang batas dito sa SG hindi basta basta matatakbuhan. Kaya para makipag kapwa pinoy na lang hindi na po sana ipapulis.
  • Ang sinasabi nya sakin, na ganito daw talaga sa Singapore, na kung sino ung pinalitan mo dun ka mag babayad. Nakakalugkot man po eh kapwa pinoy mo din pla mang loloko sayo dito. Gusto ko na din talaga sana ipapulis kung hindi lang ako naawa.
  • ipa electric chair na yan
  • naku po. :( hays leche talaga yang pinoy na yan :( yan klaseng pinoy nayan ang sumisira sa imahe nating mga pinoy dito sa sg malamang one day may news na sa kanya.
  • Medyo may pagka.... din kayo eh. First place bakit kayo magbabayad without any letter na patunay narcv nya ung pera??
    Secondly kung magbbayad kayo dapat alam ng lahat ng may ari at kung sino pa.
    Lastly and most importantly.... AWA?! Yang awa ba na yan mapapakain ka? Haha. Kung naawa ka edi let it be. Let your money slide. Or Takutin mo sya na ipapulis mo sya na walang takas dito sa sg. Ndi kagaya ng pinas ibahin nya kamo ang sg etc.. sows,matatakot din yan. Hahaha
    Next time isip2 din. Always think first. :D
  • para sakin ang "AWA" yung mga taong minsan lang kumakain sa isang araw at minsan hindi..

    yung mga ganyan dapat nirereport agad sa pulis para mahinto na panloloko nun tao..alam nman nun tao mali ginagawa nya at meron katapat na parusa pagnahuli sya pero ginawa prin it means ready sya kung ano man ang magiging consequence..

    report na yan sa pulis at wala sa lugar AWA nyo! @erics15
  • @erics15 you can lodge a police report, so you, former tenant and main tenant can talk together.
    BTW, are you holding pass or tourist? your weak point is you are not allowed to rent and probably main tenant is in joepardy. Best thing to do is to talk with the former tenant and return your monies.
  • Hahaha. Ang pagkabasa ko nung una monkies.monies pala. Lol
  • @stacey hehehe, sa asal nung former tenant, ibitin ng patiwarik para matuto
  • mga pinoy talaga oh. walang awa sa kapwa pinoy. ituloy mo lang ang nararapat. if hindi madala sa usapan ituloy mo na yang report sa police. mas maawa ka sa sarili mo.
  • Hindi sila naawa sayo, bat ka naman maaawa sa kanila?
  • This week po mlalaman kung approve ung pass ko. Sguro po kasi alam nya na nag jojob hunting kami at mas may edge sya samin kasi may pass na sya kung sakaling dumating sa point na ipapulis sila. Parang lumalabas po kasi na may utang sila dito sa nirent na bahay bago sila umalis, so ung pera na binigay namin, ginamit nila pang bayad nila sa kulang nila dito. Antayin ko po ba muna ma approve ung pass?
  • @erics15 Ireport mo na yan sa pulis, yung mga ganyang klaseng tao at kapwa pinoy pa hindi kinakaawaan.Sila may utang tapos ipapasa sayo? Maling mali yun. SMH!
  • Sa mga nagsabi na mag pulis report. Curious lang ako, ano ang sasabihin ni @erics15 sa poiice officer? ano ang dadalhin nya sa pulis?
    sa nakikita ko walang crime nangyari, so walang action gawin ang mga police.

    i-correct nyo na lang ako kung mali ang opinion ko.
  • @ekme baka meron naman chat history etc..
  • malinaw na fraud ito
  • kwento ko lang nangyari sa amin ni misis 6 years ago.
    meron kami dati maliit na business dito, nag rent kami na pwesto. kaso, na-enblock ang building at nag silipatan na ang mga tenants. so kami ay nagpaalam din sa landlord kung maari tigil na namin ang rental kasi wala ng business sa lugar. ayaw ng lanlord na ibigay ang deposit namin at sabi i-consume na lang daw. so for 2 months di kami nagbayad ng rent. then suddenly pinad-lock ng landlord ang pwesto namin at sabi nya di ibibigay ang merchandise namin kung di kami magbayad ng rent.
    tini-twist nila ang kanilang sinabi sa amin na "i-consume ang deposit". wala daw "kasulatan" na ganun ang agreement. and by that reason, forfeit na rin nila ang aming deposit.
    nag try ako mag file ng police report at rental dispute ay hindi saklaw ng kanilang jurisdiction. so walang action ginawa ang police.
    i was thinking sa mag file ng dispute sa small claims tribunal ngunit kung lalaban ang landlord. sigurado lamang sila kasi "verbal agreement" lang kami meron na i-consume ang deposit.

    sa madaling salita, dumeritso na ako sa abogado na expert sa mga disputes, kinasuhan ko ang landlord. nagpadala ng demand letter ang abugado. at ang demand ay:
    1. magbayad kami ng 2 months rental at isoli nila ang deposit namin at i-release ang aming merchandise
    2. or i-release na kaagad ang merchandise at considered consume na ang deposit.
    kung hindi sila mag comply, my lawyer will file a case sa court.
    sabi ng abogado, walang talo ang case ko kaya interesado si lawyer kasi, dun niya i-charge ang lahat ng lawyer fees sa landlord.

    nung natanggap ang demand letter from my lawyer, wala pang kalahating araw tinawagan agad ako ng landlord at sinabi kunin ko na ang aming mga merchandise. end of dispute.

    @erics15, try to file a police report at balitaan mo kami.

    pero ang best advice ko, kung alam mo kung saan nag trabaho ang nang loko sayo. dun mo sya habulin. kausapin mo ang HR kung maari.
    Samantha1
  • dala ko po ung deposit slip nung nag bayad ako at may mga print screen po ako nung Convo namin sa facebook. Opo, inaantay ko na lang po ung pass ko pag okay na po mag file na po ako ng police report, ung sa work nya po malapit lang po dito samin. Ayoko na po sana umabot sa ganun pero kung mag mamatigas talaga sila eh pasensyahan na lang. Salamat po sa inyong lahat.
  • @erics15 kelan mo sila huling nakausap? kinausap moba sila about sa binayad mo? hindi ba sila willing ibalik?
  • @erics15 wag mna patagalin yan maawa ka sa sarili mo at sayang ang pera.ireklamo na yan..kung ako lang yan kahapon pko nkapila sa pulis.
  • @popoy Yes, he can lodge police report. Pero anung laban nya kung wala pa naman pass? Tourist are not allowed to sublet.Subletting for short-term stay to tourists is not allowed as per URA regulations. Pasanin nya yan pero kelangan habulin nya.
    Samantha1
  • haissst bakit kasi may mga taong ganun mapang gulang...sila na may trabaho pa dto nanlalamang pa ng kapwa....bakit kaya sila dumadami dto MGA MANDO....MASAHISTA....hehehe
  • @carpejem actually ang maintenant ang mananagot jan ksi bakit sya tumangap ng magrerent sa room ng walang valid pass..pagdating nman sa victim wala nman pinipili ang pulis turista man or hindi..
  • inaantay na lang po ung pass ko po mag rereport na kami. nakausap ko na din po ung main tenant sasamahan na lang daw po nya ako. bali po nakausap po namin ung owner, cnlaim na lang po nung maintenant na pinsan ako kaya pinayagan po kami ng owner. hehe
  • @popoy ah, panu yan pinsan pala yung MT.
  • Bali ang Cnlaim lang po as Pinsan para po pumayag po ung owner na mag stay kami. Bali po last time ko nakausap un is 3 weeks ago po sir Vincent
  • ah okay, understand your situation now. any chance to contact the culprit?
Sign In or Register to comment.