Notice to all: our forum.. same with other social networking sites, there will be scammers lurking around. Please help to report those posts that are not authentic. You may email at [email protected] or click the flag link on the post and state the reason. Thank you in advance for keeping our forum clean.
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

ex-OFW from Abu Dhabi looking for Clinic Assistant work in SG

Matagal ko na po sinusundan mga threads sa website nyo. Galing po ako sa Abu Dhabi, been there for almost 7 years pero umuwi ako dito sa pnas at medyo nakakapanibago pala pag nasanay ka sa ibang bansa then uuwi ka. Lahat kasi nakasanayan nating pag nasa abroad tayo tapos biglang uuwi ka. Medyo mag-aadjust ka uli sa buhay pnas, been here since September 2016. Plan ko sana mag apply dito sa mga manpower agencies sa pnas as Clinic Assistant papuntang Singapore. Nursing grad po ako at may clinic experience ako sa Abu Dhabi sa mga hospitals doon. Di ba pahirapan ang pag apply sa SG? Given sa mga nababasa ko ngayon tungkol sa ekonomiya ng SG na nagtatanggalan nga sa ibang industries. Sana po masagot nyo nman po query ko, salamat in advance.

Comments

  • Yes pahirap.

    Pero mas mahirap makahanap ng matinong jowa, so just go for it, life is too short.
    maya
  • Hi @jersonramos there are some agencies for nurses in PH easier for u to land a job here.
    Direct hiring here has slim chance
  • Helo @jersonramos . same feeling. galing din ako ng Abu Dhabi for 5 years. Kakaiba nga ang feeling sa sobrang adjustment. Try mo sa workabroad.ph marami dun job posting Nurses for hire sa singapore. Inaabangan ko yun palagi kaso wlang hiring for Accounts.
  • edited June 10
    @Suddenly_Susan: ganun ba? Lol. Good luck po. Sana makita mo na sya.

    @carpejem: oo nga po, prang yun din naobserbahan ko sa mga sinasabi nila. Medyo doble ingat lng ako sa pagpili ng agency bka mapeke, first time ko ksi mg agency. Salamat po sa pagreply.

    @afryl1986: ex abu dhabi ka pla, nandito ka pa ba pnas? Sa workabroad.ph nga po ako nkakahanap pero d nman siguro sablay mga agencies na papunta dyan no? Anong work po hinahanap mo? As accounts exec ba?


    Ano po ang range ng salary as Clinic Assistant sa mga hospital in SG? Any idea po? Salamat
  • @jersonramos helo! Oo sana Accounts Executive. Dito pa ako sa pinas ngayon. balak ko umalis sa July para dun na subukan mg apply. Wla kasi feedback yung applications ko Online for SG. Sa workabroad.ph nkahanap ng work yung kaibigan ko na Engineer ngayon nasa Brunei na sya.
  • For salary range: entry level as Spass= 2. 2K SGD+ bunos n others
  • Pag may alam po kayo na hiring in Accounts sana po eshare nyo... Salamat po mga kabayan.
    carpejem
  • @afryl1986: meron nman cguro sa mga agencies dito opening pra sa accounts exec na positions..

    @carpejem: Salamat po. Di ko lng alam kng depende po ba ang rate sa hospital/ facility na mpapasukan nyo or gnun na ang minimum ng SPass ngayon? sa healthcare industry din po kau nagttrabaho?
  • @jersonramos i heard about sa mga agencies jan yung iba meron pa daw lumpsum amount ang hinihingi talaga. 2 months equivalent salary. para bigyan ka nila ng work.
  • edited June 11
    @afryl1986 di nman piliin mo lng ang mga agencies na kahit salary deduction, kaltas lng pagmagstart ka na work SG. Wag kang mgbbigay ng placement fee if hihingan ka, hanap ka na lng ng ibang agency pag ganun.
  • @jersonramos ask ko lang pag sinabing clinic assistant nurse din ba yun?
    ang alam ko dati sahod ng nurse 800-1200sgd ewan ko lang now baka tumaas na..(mas mataas sahod ng mga nurse sa middle east kaysa dito.)
  • @popoy yung sahod na binanggit mo pang PCA/EN yan. Kung Staff Nurse mas mataas dyan. May mga clinic assistant na SN.
  • Yung housemate namin, na sa 2.3K daw, Raffles Medical sya, pero 6 days work shift sila daw, Sunday ang rest day.
  • @AhKuan hehehe meron ksi kami kaibigan nurse sahod nya 1200sgd..
  • mahirap man isipin pero madami sa mga nurse ntin ditto talagang mababa sahod nila..
  • Kailangan po nila magpa professional certify dito para tumaas sahod nila. May mga kilala din ako na sa ganyan din nagsimula at sa ngayon mahigit pa sa limang libo ang mga sahod.Matagal na nga lang sila dito at ang iba mga Madre(nursing term) na.
  • @jersonramos bihira ako makakita ng lalaki na clinic asst. pero sobrang hirap maghanap ng work na ganyan dito.. pero swertihan lang naman dito..
  • @jersonramos Try mo isearch sa etong mga keywords:

    "SGH Clinic Assistant" (Sa pagkakaalam ko yung mga polyclinics galing sa kanila)
    "Raffles Clinic Assistant" {Madami rin silang private clinics)
    "Parkway Clinic Assistant" (Madami rin silang private clinics)
    "Clinic assistant in Singapore"

    Madami na lalabas dyan. Good Luck!
  • @popoy i know one friend have starting salary 900 SGD at year 2009 but gradually increasing.
  • @popoy: assistant nurse lng po sa medical office ng doctor. Sa Abu Dhabi po mag 1600 SGD ang equivalent ng pay. Sinusunod ba ng mga companies ngayon sa SG ang minimum na 2,200 SGD? Kung mababa sir popoy sahod sa SG depende din siguro sa hospital/ facility?

    @AhKuan: Patient care assistant po ba yan? kasi meron dito sa pnas na agency enrolled nurse, di pa ako nagstart mag inquire..pero no idea kng magkano starting nun eh. Plan ko din nman kumuha later on ng Singapore Nursing Board exam after a year cguro. Salamat sa keywords pala.

    @Suddenly_Susan: Ano po ang exact position nya sa Raffles Medical?

    @Vincent17: Marami din sir dpende sa specialty clinic. Katulad ng Urology, Nephrology, Neurology, Orthopaedics, etc. Sa Abu Dhabi hindi nman kami masyadong nagkakaproblema kng female ang patients kng iisipin na conservative mostly sa kanila maghubad in front ng lalake during physical exam. Hindii nman po big deal yun, sasabihin lng ng pasyente na ayaw nya ng lalake then that's the time na mgsswap lng muna sa female assistant pra maphysical check up lng.

    @carpejem: ano po ba ang average na salary dyan sa SG matanong lng?





  • @jersonramos usually if Work Permit ($450-2k) Spass (2.3k-3k+ Epass- 3.5k-10K
  • @jersonramos siguro best path if mag-agency ka sa pinas. Pag direct kasi,pahirapan gaya nung friend ko.nakapasok sya sa nursing home,pero work permit ang pass nya,tas mababa sahod.may time din na wala sya permit,nagwowork sya as tourist and kailangan nya magexit every month. Ung about sa SNB exam, di ata pwede na ikaw lang, kailangan sponsored ka ng company. Ung isang friend ko naman, dumaan agency sa pinas,nung nakapasa ng interview, sponsored din ng hospital ung SNB exam nya. Di naman ako sure sa mga cnsb ko,based lang ito sa experiences ng friends kong nagdirect at nag-agency.
  • Ung friend ko pala na nag-agency sa pinas, sa changi gen hospital sya nakapasok. Public hospital pa un. 1800 basic plus housing allowance. Spass. So parang minimim na din kasi may housing allowance.
    carpejem

  • Basta may pang placement fee, mag agency na lang. Kung wala at gusto pa rin pumunta, makipagsapalaran na lang. Desisyon nyo po yan. Good Luck!!!
  • @maya: Salamat sa input, Maya. Ilang years po kaya ang contract usually sa mga hospitals sa SG?

    @AhKuan: Decided na talaga po akong mag-agency. Naranasan ko na kasi mag-tourist dati nung una kong punta ng Abu Dhabi, although pahirapan din talaga sa paghanap ng trabaho dun, nkahanap nman ako after 1.5 months. Gusto ko na lng this time pagdating ko SG, trabaho na lng aasikasuhin ko.
Sign In or Register to comment.