To all who are posting for their company Products or Services. Please consolidate it only in 1 Post. I will start deleting multiple discussion thread.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Highly Paid Job $$$$ Vs Low Paid Job $$

Ano mas magandang situation.. a highly paid person pero you're always 1 step away from redundancy (because you're overvalued) or you don't have much to do, or a lowly paid job, super busgy na piga ka, pero steady ka lang kasi cheap ka.....

Comments

  • @JuanDeLaCruz napakahirap naman ng choice mo hehehe. either way hahanap ako ng middle. ung stable job at nasa medium range salary :) pero take note , wala sa panahon ngyon ang stable job hehehe. kahit mga malalaking company nag cocost cut. kahit sa maliit na company cost cut parin.
  • Tama si admin wala na stable job, lalo sa IT. Ang choice ko yung high salary haha para kung ma redundant (wag naman), mas malaki ang chance na may naipon.
  • There's always a middle ground, I think there are space and opportunity be in the middle of those two.
    You can be in average/median pay range or way above the low range but slightly lower than the high range sa salary for that position and at the same time you are secured and valued for the quality of work that you deliver.
    My mantra is no one is irreplaceable the moment you think na hindi ka matatanggal dahil cheap ka or dahil too important ang role mo, is the moment I become replaceable.

    There's no need to be in the extreme cases kung pwede naman to be in the middle.
    Admin
  • edited September 27
    Ako kase contractor ako, so given na always one step away from ma tsugi hehe. Pero ngayon sa company na pinapasukan ko, meron silang mga restructuring na nagyayari dun sa mga perms.. At na notice ko lang....

    1. Yung mga MD an D's [email protected] wala talagang ginagawa masyado, happy happy lang pasok (minsan nga hindi papasok andun lang sa bar pag hapon na) pero ngayon sila ang takot na super paranoid kase super high yung risk na matatangal.
    2. Yung mga Analysts/Assoc level.. walang pake kase company cannot afford to let them go... why? sila ang mga leg workers.. super busy grabe, pigang piga talaga walang time for lunch, puro OT na wala na man extra pay, TY na lang.

    so yeah mas maganda siguro nga na sa middle ground AVP or VP, may trabaho na keylangan gawin at hindi leg worker.

    k thx bye.
  • Maganda ang topic mo sir. parang may pag kakahawig sa katayuan ko ngayun..

    Background :
    Archi grad ako.. 5 years ako nag work sa isang Arch company. May say ako sa mga project na involve ako.
    Ang Downside lang di ako nakakauwi ng maaga, pumapasok ako kahit weekend. Take note walang bayad ang OT.
    Maliit lang ang sinasahod ko, Pero masaya at nag enjoy naman sa ginagawa ko. Until nag complain na si mister.
    So after 5 years, kahit ayoko sana, nag try ako mag apply ng ibang work. Sabi ko sa sarili ko, dapat ang 5 points
    na ito ay makamit ko as a sign para mag try ako sa ibang company..

    1. Puti ang amo. Naniniwala kasi ako na pag puti si amo mas considerate sila lalo na sa mga mothers.
    2. Makauwi ng maaga para mag ka time ako sa aking mga little monsters pati kay mister.
    3. No need na mag OT at walang pasok pag weekend.
    4. Ayoko ng masyadong mag involve sa isang project, gusto ko maging sunud sunuran na lang ako sa mga nakakataas sa akin
    5. Malapit lang ang office na aking papasukan from bahay para madaling makauwi.

    Makalipas ang ilang bwan ng pag hahanap, naka tisod din ako ng company accdg sa mga wish list ko..

    1. yes, Kano si amo.. tama ako sa hinala ko.. madaling mag paalam ng leave. kahit pa 2 weeks, at 1 day lang
    notice ko.
    2 & 3. 8:30am to 5:30pm working hours,Monday to Friday.
    4. draftsman role ko, di ko need magdecide pag may aberya sa site. ang lead ko ang nasagot ng mga queries.
    5. 1 station away sa bahay + feeder bus.

    Now, 3 years na ako dito sa company.naging lead na ang role ko, pero i dont need to work late, OT is prohibited dito sa company. Family first ang motto. of course, may mga issue din ako sa mga kasama ko dito sa office, working attitude nila, pasaway, mayabang and all, pero dedma lang ako. May nakasagutan at naaway na din ako dito.. at ako lang ang nag iisang pinoy.

    eto ngayun ang issue ko..

    This past few months (say 7 months na) wala na incoming project. so wala ng ginagawa ang grupo ko. although alam ni amo, nako konsensya ako na wala ako ginagawa. sa buong maghapon naka tunganga lang ako, bored! nabasa ko na ata lahat ng issue dito sa pinoysg, at mga news sa tin...

    kung iisipin, ok na ok ang katayuan ko ngayun.. walang ginagawa, sumasahod, nakakauwi ng maaga, pero bothered ako.

    gusto ko mag resign ulit.. mag hanap ng bagong work.. ano ba nga ang maganda? mag stay sa company, na ito ang situation ko, or kumuha ng mas mababang rank again, maging busy nga pero maliit naman sahod..
    jacksicat
  • @Liwayway hanap ka na ng job.. kung di ka busy then it's only a matter of time..

    pero yun nga diba.. mas safer talaga and mga lower ranks sila talaga gumagawa ng 'real' work hehe.
    Admin
  • Hi po mam Liwayway, may hiring po kayo? :smile:
  • @Liwayway seems that you have a good working environment and a company that practice work life balance. Actually, same tayo ganyan din ako pero mga 3 months lng na tambay at nagpapanggap na may ginagawa haha pero pag may work, work talaga.

    Cguro better stay ka muna or tamang research din kung may ibang business strategy plan ung company nyo or nagkataon lng for the past months wala talagang business. If wala lng tlagang business, wait and stay ka lng muna at if ever naman magkaron for sure magiging busy ka na ulit ng konti. hehe
Sign In or Register to comment.