To all who are posting for their company Products or Services. Please consolidate it only in 1 Post. I will start deleting multiple discussion thread.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

S-Pass Approved

Hello PinoySG,

May question lang ako, may pass was approved ngayon lang, but my SVP will expire on Oct. 8 (Sunday) at may flight na kami ng girlfriend ko pabalik ng PH mamayang gabi. I called my employer and they advised me na just go back daw sa SG ng Oc.16 at feeling ko hindi nila alam na mahirap lumabas ng PH since 2 months na kami dito sa SG at baka hindi kami palabasin ng PH.

How can I process OEC sa Philippines? Matagal po ba yun?
or Pwede akong lumabas ng PH as tourist again, although this is risky?

Needed advices thanks and god Bless.

Comments

  • edited October 6
    Congrats @rayspire

    Kung ngayon lang naapprove meaning IPA pa lang ang meron ka at wala pang mismong card.Tama ba? Sa pagaapply ng OEC required ang mismong pass at dapat member ka na ng OWWA.

    Bakit ka pa uuwi ng Pinas? Meron ka na namang IPA meaning di mo na need mag exit kung maipply ka na agad ng pass bago maexpire ang SVP mo.
  • Hi @ezzy wala pa kasi ako IPA na nakukuha from employer, kakakita lang namin sa online na approved yung pass ko. Does it mean I dont need to exit SG anymore?
  • edited October 6
    Better call your employer now habang may time ka pa. Yung sa akin kasi noon, yung time na pagkakita ko na approve na online, after few minutes sinend na sa akin ng HR yung IPA. Sa pagkakaalam ko, once approve na online may IPA na yan.

    Gahol na pala sa oras kasi dapat ma issue na agad yung pass mo.It will take atleast a week para makuha mo yung mismong card mo. This sunday na pala expiration ng SVP mo hindi ko agad napansin so I think need mo pa rin mag exit.
  • Hello, nung inapply ba online yung pass nyo, nakita nyo na agad yung record online Na pending?

    Nag email kasi si employer ng Tuesday. Iaapply na daw nya Ako ng Pass. Pero til ngayon wala pa. So nag email na Ako kahapon. Ask ko if naapply na ba at gano katagal yung result. Gusto ko talaga malaman is Kung na-isubmit na, nag add lang ako ng ibang tanong para sounds interested talaga.

    Pero nung nagreply, di naman sinagot if naapply na. Ang sinagot lang is yung it will take about 3 weeks daw (which is alam ko na naman to T_T)

    Possible ba na Manual Application ginawa kaya wala pa yung record online?

    Thanks.
  • @iampinay usually the day after (24hrs) pa lalabas online yung status for online application, pero kung manual application hindi masasabi kung kelan lalabas status online. Unfortunately, yung paghihintay talaga ang kalaban diyan, yup nakaka paranoid pero it's out of your hands, ang magagawa lang talaga is to wait. Non sense na i-pattern
    at i-compare sa bilis/tagal ng processing ng iba yung sayo, kasi case to case basis talaga, may mga application na ng within the day may result kung approve or reject, may mga cases naman na inaabot ng weeks to months.

  • @rayspire si GF nalang muna pauwiin mo. then punta ka muna sa TH or HK.

    or kung uuwi ka, sa KL ka dumiretso then KL to SG. mahirap lumabas ng pinas uli pag SG ka papunta.

    Congrats and GBU
  • @tambay7 thank you ha. Talagang nakaka praning maghintay. Pero I'm hoping at praying na naiapply na talaga ni employer yung pass.
  • @rayspire sa ngalan ng pagibig, maiintindihan naman siguro ni mahal pag sya nalang umuwi. Better wait for ur pass , mag-adjust nalang ang baway isa
Sign In or Register to comment.