To all who are posting for their company Products or Services. Please consolidate it only in 1 Post. I will start deleting multiple discussion thread.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Na offload

Naoffload po ako. Nakakadismaya. Ayaw ko maging pinoy pag mga sitwasyon na to.
mariel89
«13456710

Comments

  • bakit daw ano reason bat na-offload ka?
  • Hala bakit daw? Sabi mo ba tourist ka?
  • Wala daw ako proof of income.
    Gusto rin makita conversation history namin nung friend ko na sabi ko tutuluyan ko sa sg, pero ang totoo meron na ko room na rerentahan.
    Di ko pinakita, sabi ko personal.
    Nakakababa ng pagkatao pinag gagagawa nila sa mga pinoy.
  • yan ang sinasabi ko, san ka mkakakita magtotour magdadala ka proof of income.
    dapat dmo cnabi tutulungan ka ng fren mo.. magtotour ka nga e, so dapat pakita mo meron ka pera at kaya mo kumuha hotel room pagdating sg.
    jrdnprs
  • Not to be negative, a different perspective lang, if you think about it, yung trabaho ng immig ay to detect yung mga nagsisinungaling o yung sinasabi na lalabas ng bansa as tourist pero magta-trabaho sa ibang bansa, in your case the latter. Ibig sabihin magaling yung officer na sumala sayo kasi na detect ka niya.

    Yung option mo since may trabaho ka naman na at IPA, ay yung tamang proseso na gusto ng gobyerno, pumunta ka sa POEA at mag pa register as OFW.

    Or you can always try again na lumabas as tourist and hope na yung officer this time ay hindi kasing galing nung nauna.

    jrdnprs
  • Nahalata ka @remcris, malakas kutob ko na kinabahan ka nung tinatanong ka na. Ganun talaga sila. Malalakas ng umamoy ang mga IO sa Pinas. Naoffload ka ba as in tinatakan yung passport mo? If hindi, sana nagtry ka pumila sa ibang counter. Usually pwede yung ganun if walang tinatak sa passport mo.

    If may tinatak, wala ka ng choice kundi pumunta ng POEA at magparegister as OFW.

    Okay lang yan, may work ka naman at IPA. Kaya lang, sana hindi urgent na urgent yung pangangailangan nung employer

    Stop sourgraping anymore, if I were you, kumpletuhin ko lahat ng requirements today, dumerecho ka sa POEA tomorrow.
  • @admin, pasticky thread din po neto. Thanks po. :)
  • @remcris tingin ko medyo kinabahan ka, dapat stick to the plan ka and kinundisyon mo mindset mo na tourist ka. :( pag solo flight mahirap talaga. another trick is magsama ka ng GF para masabi na holiday talaga kayo. like @jrdnprs check mo kung may tatak ang passport mo. pag wala try mo lumabas as group. pero for peace of mind mag POEA ka na lang. sabihin mo sa employer mo ngyari para mabigyan ka ng time na maprocess ang kailangan mo.
  • @remcris, if hindi ka naman urgently needed nung company, pakiusapan mo na lang employer mo na hintayin ka, then process mo na agad agad mga papers mo. (Maraming mababait na employers dito, promise.)

    In my case kasi, dahil aalis na yung papalitan ko at dahil magtuturn over pa, sinabi sakin na if hindi ako makakapunta ng SG within a week, ibibigay nila sa iba yung position. (Nagexit kasi ako nun sa Malaysia, buti sa Malaysia lang ako nagexit, dahil kung sa Pinas ako nagexit for sure di ako makakabalik dito sa SG dahil 100% na maooffload ako.)

    Advice for all, tama si @Admin, sumama kayo sa groups or isama si gf/bf pag magtravel. Red flag din talaga if mag-isa ka lang lalabas, on your mid 20's, tapos kinakabahan ka, hindi ka prepared mentally and wala kang dalang bala (meaning documents to prove na turista ka lang talaga). Mas okay yung over-prepared ka. If mag-isa ka pupunta dito and turista ka, dapat peg mo turista talaga. Sabihin mo backpacker ka. Prepare EXTRA EXTRA CASH, CREDIT CARD, 2 WAY TICKETS, HOTEL BOOKINGS, ID FROM PREVIOUS COMPANY to avoid circumstances like this. Wag nang sabihin na may friend ka dito unless 1st degree relative mo yung nandito.

    Kakalungkot. Sana lang talaga maprocess agad papers mo.

    P.S. BEST WAY PA RIN IS LEGAL NA UMALIS SA PINAS. Yung advise ko is if sobrang unavoidable lang talaga at kailangang kailangan ka na ng employer mo. (Or else, ibibigay nila sa iba yung position mo.)
    reeaahh
  • @reyven, nakakapikon man, kailangan ko punta POEA soon.
  • @tambay7, isang tanong isang sagot lang naman ako kanina. Pero talagang ayaw.
    Ang di ko matanggap ay yung gusto basahin fb message history namin ng friend ko. Masyado ng nag iintrude ng privacy.
  • @remcris, normal process yun sa Immigration. Tinitingnan nila email mo, facebook conversation, pati lahat ng documents na dala mo. Si GF, naoffice nung papasok dito ng SG (kaso from Malaysia nga lang), binulatlat gamit nya, cellphone nya, enail nya, fb nya, pati nga daw undies nya nailabas sa maleta. Good thing, nilinis namin lahat ng conversation, sent messages kaya wala nakita yung IO. Kaso, nafollow the ticket pa din sya. Ganyan talaga kahirap. :(
  • @jrdnprs, di natatakan passport ko.
    Wala rin chance na punta ako sa ibang booth ng io, kc walang nakapilang passengers eh. Nakikita ng ibang io yung nangyayari sa kin. Lam nila na under investigation ako.
    POEA ako bukas. Extra gastos......Pero sigurado na makakalabas na ng pinas.
    jrdnprs
  • @remcris, sayang pala hindi ka natapat sa rush time ng mga umaalis na pasahero. Pero anyways, walang tatak passport mo. Usually may binibigay silang card kung saan nakalagay checklist ng kailangan mong isubmit. Meron ba binigay sayo? I know, super traumatic ng experience na yan, sayang pera, panahon, pero once na nadito ka na, barya na lang yan at worth it ang lahat ng hirap mo.
  • @Admin, kasabay ko grade school friend ko kanina. At tinuro ko pa nga sa io na siya kasama ko nang tinanong ako kung meron ako kasama.
    Wala tatak passport ko.
  • @remcris, do you mind to share your experience as in yung medyo detailed para mainform din yung ibang nagbabalak lumabas ng Pinas? Yung friend mo naoffload din?
  • @jrdnprs, nung sunod-sunod na pala mga tanong ni io kanina, di ako makapaniwala na pinagdaraanan din ng ibang pinoy yun.Nakaka offend. Maayos naman.magtanong si io,
    SOP nila alam ko, pero di ko maiwasan itanong sa sarili ko na pano kung foreigner ako from 1st world country? Di ko sana dinanas yun.

    Meron binigay na checklist na nasa piece of paper.
    jrdnprskapre-korn
  • @remcris ser nakakadismaya nga yan sobra. Hindi ako na-offload pero medyo nakakarelate ako sa IO experience mo. Nung paalis ako ng Pinas, madami din tinanong sa kin si IO. Nautal p nga ako sa ibang sagot ko kasi medyo kabado din ako. Solo flight din ako gaya mo pero ang nagyari naman sa kin eh sa Changi ako na-hold hehe (ibang storya naman yun pero IO encounter din) pero nakapasok ako at nakapagstay for a month. Wala pa akong nakuha, kaya bumalik muna ako...pero susubok ulit. Ang maganda nga sa yo sir, may employer ka na bago ka umalis. May trabaho ka na pagpunta dun. Kaya tama si @Admin na bawing-bawi mo din yang abala at pagprocess mo pagdating mo sa Sg. Good luck!
  • hi.. bigla lang din ako napaisip sa case ko, 4yrs ago yung unang labas ko dati sa immig ng ph as ofw, nag-agency ako nun kaya may mga pinakita ako papers na patunay na nagdaan ako poea, pdos etc.. kaso yun nga hindi ko tinuloy ung work umuwi agad ako ng ph, nagaral. Makikitanong lang din ako, makakalabas kaya agad ako sa immig ng ph sa pangalawang pagkakataon na ang sasabihin ko ngayon skanla na magttourist lang ako sa sg? baka makita nila records ko dati at magtaka sila. balak ko kasi uli magapply work sa sg pero direct or tru online na bago pa ako pumunta dun. Thanks! =)
  • @remcris goodluck din sayo. im sure makakalabas kana nyan sa immig ng ph. ang mahalaga may IPA kana. =)
    Admin
  • @kim, feeling ko naman di ka magkakaproblema palabas ng bansa dahil sa ginawa mo 4 years ago. And also, that was 4 years ago. Every labas mo ng bansa iaassess ka on its own merit. If this time, magtotour ka, dapat prepared ka and tourist talaga ang peg mo. No need to worry so much.
  • wag ka lang magsuot ng revealing at too sexy, may pagka discriminatory yung ibang IO sa mga ganung suot. chill and relax aura lang, casual tourist clothes.

    I understand na marami galit sa BI sa pinas dahil diyan sa offloading issue at corruption, pero huwag niyo maliitin yang mga officer na yan, mga trained professional din yang mga yan, at may intelligence report din ang mga yan, alam nila mga raket o modus ng mga pinoy na lumalabas ng bansa, lalo na sa mga babae dahil isa ang sg sa mga puntahan ng ibang kababayan na nag to-tour pero ang totoo mo-moonlight as "service" providers.

    Good example tong case ni remcris, nakakainis kung turista ka talaga at na offload ka, pero kung hindi ka naman talaga turista at nabuko ka ng magaling na IO mas nakakainis, pero if you think objectively, damn that IO was good.
    jrdnprsburubumreeaahheybeebabes
  • pwede po ba paindicate ditto in detail ano question ng IO? paalis din kasi ako dis October 17 and mag-isa lang ako so malamang maging mas tedious investigation sakin ng IO. anong oras po ba ang rush hour nila? 130pm po flight ko eh.
  • @tineebopper99 may kana pagdating sg? buti kpa. hehe direct ka din? anyway ako nung first time k umalis 3hrs bago ung flight nsa airport na ako. ang alam ko gnun dw mga time dpat andun kna para di maiwanan. hehe goodluck sau. =)
  • i mean kung may work kna pagdating sg? hehe
  • @tineebopper99 based sa recent experience ko, ang mga questions ay: anong purpose ng pag-alis mo, ilang araw ka doon, saan ka nagtatrabaho at position mo (you will be asked to present your company ID), sino at paano ka nagbook ng flight ticket (sa kaso ko, I used my credit card. I was also asked to present it.) saan ka tutuloy - sa kaso ko sabi ko sa pinsan ko. Tinanong ang name nya at kung paano kami naging magpinsan. Ang alam ko kung sa hotel ka, syempre hihingin nila yung booking details/confirmation mo.

  • HI @kim wala pa akong work, maghahanap pa lang. nasa Sg ka ba ngayon or papunta pa lang? I was hoping na may kasabay sana kasi mag-isa lang din ako aalis.
    @burubum thank you sa inputs, actually sa friend ako magsstay, may invitation din sia snend sakin, palagay mo ba hihingan pako proof na friend ko talaga to? pictures kaya since college pwede na? hehehe..kidding aside, ano po kaya magandang gawin? thank you!
  • @tineebopper99 hindi ako sure kung merong mga hinihingan ng proof pag sa friend ka tutuloy. Hindi nangyari sa akin at wala pa akong nabasa/nabalitaan na ganyan pero mas maganda na din na na-anticipate mo. I suggest oo magdala ka ng proof. Wala naman mawawala. Just in case lang naman di ba. Saka sa palagay ko aabot lang kayo sa ganyang tanong kung hindi satisfied yung IO sa isasagot mo. Make sure na lang na you have your friend's address and contact number to present din. Yung invitation dalhin mo pero ilabas mo na lang pag hiningan ka.
    tineebopper99
Sign In or Register to comment.