To all who are posting for their company Products or Services. Please consolidate it only in 1 Post. I will start deleting multiple discussion thread.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected]m . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Global International Recruitment Agency Fees

Hello po. Natanggap na po ako sa work and approved na spass ko. Global International Recruitment Agency name ng agency ko. Ang sabi sa akin, kailngan ko pa mag byad ng $5k bago ako makasimula sa trabaho. Okay lang sakin yun kasi agency naman at kailngan talaga mag bayad ng agent fee. Ang pinagtataka ko lang po, bakit kailngan ko pa mag byad ng $180 pra mgpa appointment sa MOM? Ganun din po sa sa inyo na nakatry na mag agency? Baka kasi pineperahan lang kami. Ang alam po kasi namin wlang bayad mgpa appointment sa MOM.

Pangalawa, sa medical po ba, may kailngan pang bayaran? Magkano din po?

Lastly, maeexpire na po 30 days ko ngayong 26 pero approved na po spass ko. Kailngan ko parin bang mag exit o pwde nang hintayin ko nalang dito sa sg matapos ang spass ko?

Thank you mga kabayan!

Comments

  • edited April 23
    @sary1203 normally binabayaran ng Employer mo yan, not unless nag agree ka sa Agency mo na babayaran mo lahat. btw yung 5k ang laki na yan, dipa nila absorb?
  • sure ba yung company na papasukan mo...meron kasi iba...kasabwat nila ung company aapplyan ka ng pass tapos sisingilin ka ng malaki halaga...in the end pala bogus yung work...tapos di ka magiging regular employee...

    good bye na sa pera na binayad mo...sabihin syo ng agency...wala na sila magagawa at nasa syo kung ma regular ka or hindi.....

    Haissst hirap talaga maghanap ng work.....
  • sa aljunied yan tb? check mo muna reviews nila alam ko madaming bad comments yan agency about scam. ingat po
  • @sary1203 Based sa kakilala ko na nag agency wala na sya binayaran for MOM appointment and medical. Pero dko sure ano arrangement nyo ng agency na yan but I think they are charging too much. Yung sa kakilala ko 2 mos salary which is the usual and standard charging din dito pero installment and salary deduction. Normally sa medical employer nagbabayad nyan. Ask for the copy of your IPA. Since your pass is approved, d mo na need mag exit.
  • Hello po sa inyo. Nkuha ko na ngayon ang IPA ko. Nkapagpa medical na rin po ako yung agency na nag byad.. Natakot po ako nung nabasa kong baka mgka sabwat sila ng employer huhuhu
  • edited April 23
    @sary1203 save mo lang lahat ng convo nio at mga receipt para atleast meron kang backup just in case lang naman mahirap kasi talga mag tiwala sa mga agency dito eh.
  • Kay sir jack po ba ito sa aljunied pm nio po ako ng naging experience ko dito... nsa akin pa ung papek ko jan ng key in nya di ko makakalimutan ginawa sakin ng agent na yan puro pag eedit ng cv auto key in kaya reject goodbye $500 epass.
  • @pandawong25 opo yan po yung kay jack. Pinabayad po ako ng $400 pra sa processing fee ng spass ko tapos after 1 week na approve na po ako. Ngayon po ngpa medical na ako. Wla pa naman pong problema. Natakot lang ako na baka magkasabwat sila tapos iterminate agad ako sa work :(
  • @Bert_Logan yun na nga po kinakatakot ko.. baka kasabwat sila tapos tanggalin agad ako sa trabaho :( :(
  • @sary1203 Wala ka ba contract? Like job offer na pinirmahan nyo na makikita ang basis mo for regularization or termination for that matter? Para at least ba may reference and hawak ka in case magkaipitan nga at after ilang bwan eh tanggalin ka for no reason at all.
  • edited April 23
    anong work at saang company ka idedeploy? PM nlng kung hind pwede sabihin dito
  • yan ung sinasabi ko kasi meron din ako kakilala na dale ng ganyan naapplyan ka nga ng SPASS wala ka naman trabaho talaga.....ayun ginawa ng kakilala ko nag part time nalang...pra lang mabawi yung binayad nya sa pag proseso ng SPASS nya..madaming talipands na tao dto....mapagsamantala......lahat ng pangungulang ginagawa para lang makapanlamang sa kapwa........ang masama kapwa pa natin pilipino....haissssttttt......

    try mo tanong kay Kungfu @pandawong25 ang naging karanasan nya...baka sakalin hanggat maaga pwede nyo pa mahabol ung pera binayad mo at ma reklamo sa MOM yang mga ganyan nanloloko ng tao....
  • Kay sir jack lakas nila maningil pag s pass 5k tapos sahod 1400 lang na reject e pass ko dito then inalam ko sa mom bakit ang sabi wala quota un company auto key in ginawa nya eh dahil wala ko pinang hahawakan na receipt acknowledgement paper lng di ko na refund half ng 500 kc reject e pass. Pucha lakas nila mkadali biruin mo $60 lng apply ng pass mkailan tao sila apply tapos wala quota so may $440 na cla kada tao. Be sure n lng na may quota papasukan mo saka un company kc si sir jack kilala nya lahat un company na pag dedeployan maari after 2-3 months ma terminate kau isure mo n lng sis na dapat may sign ka 1yr contract 2 yrs ganyan kaso ako under investigation p rin kaso ko sa mom nov 2016 pa un take note then un kay mr jack sept 2017 naman. Wag pipirma agad2 basahin mo muna ha saka ung ipa dapat same sa sahod mo.
  • muntik na ako madali rin ng ganyan ng bago ako dto sa Singapore ang sama pa kapwa pinoy mo pa manloloko syo...pinipilit akong apply na Epass...kesyo approve na daw tapos sahod lang nasa 1,500....sya pa galit ksi dko kinagat offer nya....nagalit sya kesyo na apply na daw sa MOM....takte sabi ko pag iisipan ko pa eh ini aaply ba naman agad ako sa MOM...sabi ko cancell nyo at di pa naman ako umuoo at nag sign ng contract...
  • @Bert_Logan Wow, tapang! :) Pero totoo. It's so sad na kapwa pinoy ang nanloloko and take advantage sayo when in fact, alam nila ang stuggle ng nakikipagsapalaran pumunta dito to find a job. Hay naku! Kung struggle is real para sa mga job seekers, Karma is real din para sa mga nanggogoyo kapwa.
    pandawong25
  • @sary1203 ingat kabayan grabe hinihingi sayong pera.
  • Ingat kay Mr. JACK ng global intl rec sinira nya cv ko pag key in sa mom.
  • @PinkPasta mania....talaga naman ganun magpakatotoo ka hindi porket nauna sila dto sa Singapore papaloko ka agad...isip isip din...kahit desperado ako...di rin ako basta kumakagat....takteng yan...eh yung offer nya sweldo ko na sa pinas....eh di sana di nlang ako nag abroad....


  • @Bert_Logan Ako na ang winner sa madaming dugtong sa pangalan ata. PastaMania PastaNgIpen PastaSpaghetti, LOL! :) Nice one. Anyway, yeah totoo yun. Reality yan na madami talaga kumakagat in desperation na makapag work dito sa SG. Kaya nakakaawa din na nag invest ka, gumastos kc pagpunta mo dito tambay ka muna habang hanap work labas lang lahat pera tapos ending mo magogoyo ka pa ng kapwa pinoy. Hay naku naku!!!! Db banking industry ka sa Pinas dati?
  • Oo @PinkPasta noodles...dati akong Internal Auditor ng isa sa malaking bank sa pinas.....

    Mga wala kasing kunsensya ung mga nanloloko ng mga pinoy di nila alam na yung mga naloloko nila eh mga wala rin..nagbabakasakali makahanap sila work dto para naman umasenso kahit paano....

    Dapat sa mga nanloloko na pinoy sa kapwa pinoy ipa tulfo nyo....pra mabigyan ng aksyon agad...

    Wala kasi naglalakas ng loob mag pa tulfo
Sign In or Register to comment.