To all who are posting for their company Products or Services. Please consolidate it only in 1 Post. I will start deleting multiple discussion thread.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Any info (Dependant pass of S pass)

Currently Dependant pass of Spass po ako. Before nagwork po ako dito sa Sg under work permit linked to my Dependant pass. Totoo po ba na hindi na po pwede ngayon or hindi na po eligible ang pinoy sa quota ng work permit(not Spass or LOC) sa FNB industry? Ang pwede na lang daw po sa WP eh malaysian and from North asian countries like taiwan, south korea, HK and macau. Meron po ba kayo idea kung totoo po ito? Salamat po

Comments

  • edited June 4
    @almaB Unfortunately, on Epass dependants can work. Those Dependants of S Pass holders will need to apply for a Work Permit, S Pass or Employment Pass instead.
  • @carpejem, thanks po sir sa reply. nakita ko na po sa MOM website yung policy nila regarding sa work permit. nakalagay nga po doon na hindi na eligible ang filipino sa work permit sa service sector at manufacturing pero sa construction eh pwede pa po. bali ang pwede na lang po sa service sector which is my field eh mag S pass ako at igive up ang dependant pass ko kasi nga po for malaysians and north asian countries na lang ang eligible for WP. anyway thanks @carpejem . Godbless
  • @almaB God bless you more! All the best!
  • edited June 8
    May question lang po ako. Ung gf ko kasi na soon to be wife ko eh Spass holder. Possible ba nya ako makuha jan for dependant pass after marriage? Nasa 2500 ang basic salary nya at working sa government hospital. Or dapat tlaga eh 6000 pataas ang salary? Salamat @carpejem
  • edited June 8
    kailangan 6k pataas. kht dka ma-dp, may reason kna bumalik balik ng sg kung may asawa ka. and mas tipid kasi may tutuluyan ka. hanap ka lang ng work para magkapass ka din.
  • Hi emzified kahit 6K kung Spass parin di parin allowed mag work ang DP. Only Epass DP applies
  • @maya @carpejem salamat mga boss. Pero kung ganun ba eh mas malaki chansa na iconsider ako ng company if aapply ako for work? Mukhang hirap kasi ng online eh. D napapansin. Production at logistics kasi ang experience ko. Feeling ko for locals ang line of work na un.
  • hi emzified. Tama si carpejem, only DP of EP can work under sa LOC. Tama din si maya, so you have all the right na makabalik-balik sa sg, and apply for ur own work. Legal kna mag stay dito for a minimum of 1 month since andito asawa mo, dont forget to get copy of her OEC pra my discount ka as dependent pag paalis ka from Pinas, and copy of her IC pag papasok ka sa SG, pra hindi ka maharang sa SG IO. I know this kasi prehas tayo ng sitwasyon. #LabanLang
  • @RDG copy boss. Kaso nakakalungkot pa rin pala talaga. Hirap tlga pg mgkalayo. Sana makapaghanap tayo ng work. Applying ka rin ba sa sg boss?
  • Meron napo work @emzified . Its a combination of timing and prayers. Lahat naman siguro tayo ay merong skills, pero ung timing, dapat merong hiring and merong quota (if S Pass) ung company. Always pray, eventually si Lord ang nkakaalam ng puso mo na makasama ung mahal mo sa buhay dito sa SG. He will give the desires of your heart. Keep praying and God bless sa job hunt bro!
  • @RDG anong field mo bro? Pansin ko kasi eh parang puro sa IT lng mga nakakachamba ng work jan sa SG. Hirap eh. Wlang wala tlga ang field ko jan. Parang pang locals lng tlga
  • @emzified , Im on Healthcare Engineering. Honestly, nag tighten up na ang MOM sa pass approval, di tulad dati. Unless meron ka talaga advantage sa locals, then they will prefer you. Not to mention ung quota. Always try to be positive, but also as a lot of people mentioned here, handa ka din kung ano ang kalalabasan ng pag apply sa SG. Nobody said it would be easy, but hey, if ur fighting because u want to be with ur wife, then go for it bro. God bless!
  • @RDG So sa hospital ka ngwowork boss? Baka pwede mo naman ako refer jan for logistics department.
  • hi @emzified , hindi bro, Im at Field Servicing, so more like equipment supplier sa mga hospitals. Medyo magkalayo tayo ng field. I strongly suggest, pakasalan mo na si GF pra mas mahaba ka makapag stay dito sa SG. hehe. Apply lang sa DP, and see bka makalusot. Even if shes not earning 6k and working on an S-pass, pwde ka pa din ma approve ng DP. Hindi ka nga lang pwede mag work under LOC, the company still need you to apply for S-pass or EP. But the fact na pwede ka mag stay unlimited dito sa sg is more than enough for you to land a job. Maliit chance ma approve ang DP dahil sa salary constraints, but I got friends na na approve. Realy depends sa mood ng ICA. hehe. dasal lang bro!
Sign In or Register to comment.