If ever may job offer here from a Scam Agency na napuntahan niyo, please pm me. I will verify and Ill ban them. Salamat.
Please message me if anyone is trying to harass you or hard selling something to you... either from discussion or private message. I received reports that some Scam Agency dare to threaten members via PM. Surely these scammers are desperate.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Reconsideration for re~entry

Hello everyone! tanong ko lang po kung may naka experience na neto scenario ko? na xxxx po kase ako nung nag exit ako sa JB dati June 2013 so that's more than 3yrs na po. Ngayon po malapit na mag expire passport ko mag eexpire po sya sept. 2017. meron na po ako reconsideration to entry sumulat po ako sa ICA at napprove naman po ako na makapasok ulit sa Singapore. ang question ko po pano po yun? ano po passport gagamitin ko? kase di ba mag eexpire na po passport ko? so mag rerenew na po ako, balak ko na po agad mag renew kahit hindi pa sept. 2017 un po kase expire eh. ang question ko po ito, pag papasok po ba ako sa Singapore ok lang po ba na yung bago passport ko na gagamitin ko? tapos dadalhin ko na lang po luma ko passport tsaka yung approval nung reconsideration to entry? just incase lang po na hanapin nila? ganun po ba yun? ayos lang po kaya yun? baka kase sabihin nila bakit nag renew na kagad ako ng passport eh hindi pa naman sept. 2017? tulungan nyo naman po ako sa mga naka experience na neto sitwasyon ko.. salamat po!

Comments

  • Dalhin mo ung luma mo incase mainterrogate ka. sa pinas naman iba na ung passport number mo pag nag renew ka. so baka d rin madetect sa system na ikaw ung same na xxxx :)
  • Ndi naman big issue yan. Kung mag renew ka na agad ng passport mo. Ako nung pumasok ako dito bagong renew passport ko. Wag nyo nlng kasi gawing big deal ang mga simpleng bagay. Kaya marami ang nadedenied na pinoy papunta dito kasi masyadong paobvious agad kahit ndi hingiin ibbigay agad. Isang tanong isang sagot lang dapat. Be confident! Dedma lang sa mga sagot. Sus... haha
    Admin
  • ang inaalala ko lang kase talaga eh baka mamaya eh hindi na ako makapasok pa ulit sa Singapore kase nga gawa nung xxxx ko nung june 2013 pero sabi naman nila saken tapos na daw yun kase lagpas 3 yrs na. tsaka ang reason ko daw naman eh dahil dun sa pag exit ko lang kaya ako na xxxx. tapos may nabasa din ako sa thread dito na 2yrs nga daw yun which is lagpas na 3 years nman so. ok na siguro makapasok ulit ako sa Singapore.
  • @zec hindi nman criminal offense ang case mo wag ka matakot.
  • salamat @reyven oo hindi naman ako nag nakaw or nabilanggo or nagkaron ng kaso. yun lang nga nahuli ako nag exit sa JB nun kaya ako na xxxx
  • if I wer u, dko nalang dadalhin yung lumang passport para wala nalang sila Makita reason para tanungin ka.
    bka ksi mkita pa nila bakit dalawa passport mo.
  • @reyven ok lang kaya yun pag hindi ko na dinala? so bale yung approval na lang ng ICA sa reconsideration to entry yung dadalhin ko atleast may mapapakita ako kung sakali? pwede ba yun?
  • yes okay lang yun, wala nman sila concern dun sa luma mong passport.
    unlike if ngwowork ka sa middle east meron tatak mga passport nila (working visa) kaya pag nagreniew ng passport
    dapat nka attached prin yung luma ksi andun yung visa mo.
  • ah oks gets ko na @reyven. salamat.
  • @zec. Ano pong xxxx yung tinatak sa passport nyo? Kasi nag-exit din po ako sa JB netong August lang kaso nafollow the ticket. Permitted to enter and remain in SG until Aug 14 po tinatak sa akin.
  • xxxx stamp means banned from entering sg, x = 60mos banned, 4x = 2years banned
  • @ladyfame hindi follow ticket yung saken. xxxx meaning banned to entry in sg for 2 years, that was June-2013. ayun kaya gusto ko sana na matanong sa mga may alam kung pwede na ulit ako makapasok kase total 2016 na na naman ngayon di ba?

    @tambay7 ah ok. pero natatakot pa din ako mag try bumalik kase baka may record na ako at baka hindi na ako makapasok ulit forever?
  • @zec hindi mo rin naman malalaman kung papasukin ka o hindi, kung hindi mo susubukan.
    malalaman mo lang yan kapag nasa harap ka na ng immigration officer dito.
  • @zec hello nakabalik na po ba kayo Sg? same case for my sister but 2012, gusto ko sana sha ibook ulit. Thanks
  • Hello po, nkapasok ka po ba ng SG? @zec. Na refuse to entry din po yung friend ko eh so she needs to write a letter to ICA din, pwede po bang pahingi ng email? tapos naka indicate sa website dapat daw may sponsor na local? what if po wala..tapos mag babakasyon lang tlaga anu po ba pwede gawin..pa help naman po.
  • If you don’t mind @dortty . ask ko lang po why na refused to entry friend niyo
Sign In or Register to comment.