If ever may job offer here from a Scam Agency na napuntahan niyo, please pm me. I will verify and Ill ban them. Salamat.
Please message me if anyone is trying to harass you or hard selling something to you... either from discussion or private message. I received reports that some Scam Agency dare to threaten members via PM. Surely these scammers are desperate.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Job Scam

Magandang araw po sa lahat...


Dati po kasi ako nag work dyan kaso nung nalaman ko na yung agency ko ay False / Fraud documents ang pinasa sa MOM.. umuwi ako para sa kaligtasan ko...

Gusto ko lamang po malaman kung may chance pa ba ako makabalik ng SG at makapagtrabaho ulit kahit na nakapag pasa na ng credentials ko sa MOM? may paraan ba na malinis ko ang pangalan ko dun at makapag simula ulet?

Aasahan ko po ang inyong sagot.

Salamat po.


Pauro

Comments

  • anong klaseng false docs ang ipinasa?
  • @pauro check nyo po itong link sa website ng MOM to report a 'false declaration of foreign worker's qualification'.

    http://www.mom.gov.sg/eservices/services/report-an-infringement
  • anong documents na peke ang pinasa? diploma? hindi nakakapag peke ng PH diploma mga agency dito.
  • Kung sa pilipinas po hindi uubra ang fake documents like diploma or marriage certificate what more pa dito sa singapore. Mas advanced at hightech pamamalakad nila dito. Nabasa ko, $20000 fine pag nahuli ka namemeke and 2 years imprisonment. Nakaka inis mga agency na nagawa ng ganyan.
  • edited June 18
    Employment and Educ Docs... ang nakakapagtaka lang.. pinasa ko ng tama ang docs ko sa Agency sa Pinas.. pero pag dating ko dyan sa SG iba na ang hawak ng agency dyan... nakapag stay pa ako sa work ng 6 months.. pero nung time na mainet na lahat ng Fraud that was 2013.. i decided umuwi na lang at sa ibang bansa magwork...

    Binalikan ko ang agency dito sa pinas at ni-report sa OWWA... Agency to Agency kasi ang sistema nila..

    Maayos ako nakalabas ng SG.. pero di ko alam kung makakabalik pa ako para mag-work ulet since iba ang record sa MOM.
  • @pauro ang nakikita kong maaaring maging problema mo pag balak mo na ulit mag-work sa SG ay ang approval ng PASS. kasi yung records mo and yung ipapasa mo for your new PASS, magiging inconsistent na maaaring maging dahilan ng rejection ng pass application mo
  • @kabo, oo nga yan rin ang balita ko.. kung tour lang raw ako sa SG walang problema..pero kung mag work ulet ako..baka maging dahilan pa raw ng kapahamakan ko yun... nanghihinayang ako sa oppurtunidad... sinayang ng agency ang pagkakataon ko mag-trabaho ng maayos dyan. Marami ng complaint ang agency na yun sa SG... kaso hindi ko alam bakit parang walang nangyayari...nakakalungkot.
  • edited June 19
    online lang naman application of pass, and usually scanned copy of diploma lang naman sinusubmit. kung may tunay na diploma, bakit fake pa ginamit? pano mo nalaman na fake ang pinasa ng agency? paanong fake?
    Michaeltan
  • Ganun talaga, demons of our past will eventually haunt us.
    Hopefully you've learn your lesson at hindi mo na maisipan to cheat the system.
    Kung wala ka naman kaso dito, pwede ka naman pumunta, try apply, then hintay result ng first pass application, kung rejected eh malamng dahil doon yun at the best thing to do ay hanap na lng ibang country.

  • Sorry, hindi ko Lang maintindahan paano nafake yon. To think Diba po need mo din ipakita ang docs sa mom? Wala Lang naisip ko Lang po hehehe..
  • Once na me copy kna ng IPA mo, makkita mo na dun un mga false declaration na gnawa ng agency. May mga pagkakataong alam din ng prospective employee kasi sila mismo ang mgdadala ng docs sa MOM for verification. Hindi din ntn alam kc nung me nkita din akong kabayan ntn na grad daw sa isa sa mamahaling schools sa pinas, pagkakita ko plng ng pinasa nyang proof of educ cert me mali na, Yun pala peke un cert nya, Ang excuse nya, napilitan ln daw xa dahil sa agent. Ending, hindi na namin hinire.
  • Usual cases talaga may go signal ng applicant yung pag peke or pagbibigay ng false declaration/information, risky kasi sa agency na gawin yun on their own kaya most of the time kino convince nila yung applicant at napipilitan na lang yung applicant na pumayag. Para may lusot ang agency if nagka hulihan, kasi lalabas sa applicant pa din galing yung fake na credentials or false declarations sa resume.
Sign In or Register to comment.