If ever may job offer here from a Scam Agency na napuntahan niyo, please pm me. I will verify and Ill ban them. Salamat.
Please message me if anyone is trying to harass you or hard selling something to you... either from discussion or private message. I received reports that some Scam Agency dare to threaten members via PM. Surely these scammers are desperate.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

JB exit

hello po,

malapit na po ma expire yung 30 days ko kaya nag exit ako ng JB last friday, pag balik ko ng SG na hold ako sa immigration. pina check yung return ticket ko at dun nila na kita na may pending S-pass application ako, sabi ng officer they won't allow me to go in SG. yun lang ang sinabi na reason.
tanong ko lang po mga ka-PinoySG, nandito po ako ngayon sa JB waiting for may s-pass approval.
1. hindi po ba mka apekto yun sa approval ng pass ko kasi na hold ako sa immigration? wala nman pong tatak yung passport ko.
2. nka 25 days lang po ako sa SG, nag exit ako bat po ako hindi binigayan ng another 30 days?

Salamat po sa sasagot.

Comments

  • bat kasi bumalik ka agad na wala ipa? mahohold ka tlg. wait for IPA bago bumalik. di nmn un makakaapekto sa approval.
    jayzie
  • @jayzie return here (SG) pag meron na yung IPA.
    wala naman bearing yung pagka hold mo, kaya be patient!
    God bless your plans
    jayzie
  • hindi naman un makakaapekto di naman sila ganun mag process eh ang sa kanila lang di ka nila papapasukin kc nalaman nila nag hahanap ka ng work, pag ka pinilit mo baka ma a to a ka sa pinas kapa pauwiin antayin mo nlng ipa mo bago ka pumasok ulet. goodluck
    jayzie
  • @jayzie antayin mo nln ang pass approval mo at print out mo un IPA para maipakita sa SG IO. Good luck!
    jayzie
  • @maya malapit na kasi ma expire ang 30 days ko.
    @carpejem @geneFlynn maraming salamat sa sagot ninyo.
    ang problema ko ngayon rejected yung resulta ng S-pass ko. pero tinawagan ko yung HR sabi nila e re-apply daw ulit. hintay muna ako dito sa JB
  • @jayzie bad news yan. My take is you cannot re-enter SG without that IPA. So, prepare yourself na umuwi muna sa Pinas, since 30 days lang din ata allowed sa Malaysia. I also don't know budget wise if ok pa ang pisi mo. Appeal result can be anywhere within 3 weeks again. And ano ba reason ng rejection? Meron ba ginawa ang company to address the issue?
    jayzie
  • @RDG yun nga yung plano ko na uuwi muna ako sa Pinas at dun lang mag hintay ng result. Sa salary na dineclare kaya siguro hindi na approved.
  • ok. Ingat pauwi kabayan! Dapat kinorek nila if salary ang problem, then tsaka mag appeal. Pero kung quota ang issue, mas mahirap makalusot.
    jayzie
  • @RDG parang quota yata yung issue ng company :disappointed: kasi $2,800 naman yung salaray dineclare
  • pasok ba sa salary required sa qualifications mo? Nag check ka sa SAT?
  • ok naman po yung Result
    Based on the information you have provided, the individual is likely to qualify for both Employment Pass (EP) and S Pass.

    @RDG na re-appeal na ng HR yung application mga ilang weeks kaya yung result?
  • @jayzie baka quota issue yan? may current Spass holder na ba sila? have u know many employee?
    jayzie
  • @jayzie , appeal will still take within 3 weeks. So prepare ka pa din sa ganung timeline. However, if pasado ka both sa EP and SPass, sana nai-apply nlang sa EP. Are they considering SPass or EP only ang nakalagay sa application kaya na reject at hnd na auto downgrade sa SPass. Daming scenario dyan sa rejection, kaya mapapaisip k nlng. Hehe.
    jayzie
  • @carpejem sabi ng HR meron sila 1 SPass n available, dalawa kaming Filipino halos sabay inapply tapos pareho kami na reject, yung sa kanya hindi na appeal kasi umuwi n cya ng Pinas.
    @RDG SPass yung nakalagay sa application. worry lang ako baka hindi pa lumabas ng 3 weeks, ma expire na naman 30 days dito sa Malaysia. :disappointed:
  • @jayzie pwedeng maging blessing in disguise yung pagkakauwi ng isang Pinoy. Baka ang reason kaya na reject is 2 ang ina-apply nilang Spass pero 1 lang ang quota. Now, ikaw nlng ang inappeal, barring any salary / technical issue, malaki chance mo na ma-approve since sayo na mabibigay ung isang slot na Spass. Dasal lang kabayan and mag ikot ikot ka din dyan sa JB, pra de-stress. :)
    jayzie
  • @RDG salamat sa inspiring message mo bro :smile: hoping & praying n approved na pass ko
    carpejem
  • Sa lahat ng lalabas ng JB na naghahanap ng matutuluyan pm me po. May kilala po ako malapit lang sa city at landed house po. Thanks you.
Sign In or Register to comment.