If ever may job offer here from a Scam Agency na napuntahan niyo, please pm me. I will verify and Ill ban them. Salamat.
Please message me if anyone is trying to harass you or hard selling something to you... either from discussion or private message. I received reports that some Scam Agency dare to threaten members via PM. Surely these scammers are desperate.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Agency offered 2000 salary and ask 4550

Hi, hingi lang sana ako ng advice.

May nilapitan kasi ako na agency at nagbakasakali kung nay work na pwdeng applyan. May inoffer sila na web developer raw, pero ung nature ng work is kind of all around, kasi hind hinde raw ako gagawa ng web application, so ayun, 2000 ang offer pero magbabayad ako ng 4550 sa agency..


Any thought of advice?

Thank you

Comments

  • @Cheeno upfront yung bayad? kung buo agad ang bayad, medyo mahirap yan. kung kalahati tapos yung balanse ay monthly ibabawas, pwede pa

    at kailangan din may kontrata na 2 taon akong hindi pwedeng tanggalin sa trabaho o kung tanggalin man ako ay babayaran ako ng equivalent ng kontrata na hindi natapos

    at tandaan din na kung 2k ang sweldo, ibig sabihin nyan ay iba ang ilalagay na sweldo para makakuha ka ng pass dahil below spass yang sweldo

    at base sa mga nababasa ko dito at sa mga kakilala ko, mababa ang 2k para sa nature ng trabaho na papasukan mo

    ingat at good luck
  • 2k? NO. mrami ka mahahanap na direct na mas mataas pa jan at wala ka babayaran.
  • @cheeno 2K not even fixed monthly salary for Spass. okay lang sana kung Monthly salary mo 4K pwede kang sumugal. Think well, if you can still apply direct, better and pay nothing.
  • edited June 12
    Luge kabayan, saka kung ganyang ang sahod ibig sabihin dadayain nila at pag nahuli kayo ng gov. mas malaking problema. Dito samen ang web developer mga nasa 4k to 6k sahod.

    Apply apply lang, makaka hanap ka din. Mas okay direct. Kumpleto pa benefits.
  • Sa huling usap namin, sabi nila, pag na aapprove na raw ako sa Em Oh Em babarayan ko sila ng 2000 then kung and kung ibibigay na ung IC tsaka ko ibigay ung another 2000 a total of 4000, hinde ko pa nabanggit ung 550.

    Ung 550 naman is ung 500 para sa pagprocess raw nila sa Em Oh Em, kung na disapprove raw ay isasauli nila ung 200 or 300, tapos ung 50 para raw un sa registration fee and fee raw un para dadalhin ako dun sa employer.

    Kung iniisip ko sobrang redflag talaga ung agency na un kasi 2000 lang ung salary and nasa 2400-2600 ang minimun ng SPass, so magkakaroon ng magic dun at inisip ko rin na baka ung agency na un kikita pa rin sa employer, para bang part ng sahod ko ay bayaran sa agency kaya naging 2000 yung salary, and another thing sa processing sa Em Oh Em, ang alam ko 75 lang ata bayad sa online application kasi nakita ko nun inapply ako nung isang company nung nag screen share sila habang nagaapply sila for me(kaso na reject). and sa ganung set up, magtetake ng 3-4 months para mabawi ko ung amount na need ko bayaran, so ganun kahaba ng panahon ang kailangan para magsilmula ako kumita.. waste of time un...

    Pinost ko to dito kasi sa totoo lng nawawalan na ako ng pagasa na makakahanap ng work sa SG, kaya naisip ko ulit ang agency na un kahit masaklap isipin..




  • sir, mukhang red flag yan. wag nyo na pasukan bukod sa sobrang baba ng offer, lahat ng kabig sa kanila. no! no! dapat.
  • Modus na yan dun palang sa "kung na disapprove raw ay isasauli nila ung 200 or 300" paano kung sinabe na pprocess pa nila eh kaylangan mo na umuwi ng pinas hindi mo na mababawi pera
  • @Cheeno based sa additional info mo, kung ako, hindi ko itutuloy
  • @Cheeno Nag-agency ka sir? Hindi ako natuloy eh umuwi muna ko pinas.
  • @drummerjigz ui, hinde ako natuloy sa agency
  • Hi po, may alam po ba sila ng room for rent near paya lebar?

    Salamat po sa magtitip

    Ngpost na rin ako sa accomodation diacussion
  • @cheeno good move, huwag mag papaloko sa mga hinayupak na yan. walang agency na maniningil sayo as talent sa larangan ng IT web. unless hokus pokus. Sira ulo yang agency na yan. go to hell kamo. hina high blood ako sa mga ganyang ahensya at may ari nyan. PM mo sakin agency name.
  • @Cheeno last resort na yan agency mo if gusto ka talaga maka work dito sa sg. IT field mo in demand yan ngayon subalit mataas competencya. nabasa ko dito pero accountant naman yon. na hired sya sa isang agency tapos salary below s pass. yung placement fee 3k. pero payable in 3 mos. kasi wala siya mahanap na work kaya inaccept nya yung offer ng agency. nagsimula na cya sa work 6days a week pa tapos palagi nag OOT ewan ko lang ba if binabayaran ng tama. yung iba masaklap sitwasyon.
  • @Admin hahaha ilang beses na kita piniem pero dedma ka hahhaha
  • @Cheeno musta bro, nakakuha kana work?
  • @leong, yes po. Naapprove na
  • @Cheeno anong agency po yan or na direct hire ka?
Sign In or Register to comment.