If ever may job offer here from a Scam Agency na napuntahan niyo, please pm me. I will verify and Ill ban them. Salamat.
Please message me if anyone is trying to harass you or hard selling something to you... either from discussion or private message. I received reports that some Scam Agency dare to threaten members via PM. Surely these scammers are desperate.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Married to local with a singaporean daughter

Wayback 2010 (21yrs old pa ako) kinasal ako sa SG, lokal. Nagka anak kami 2011. Kaso, lage ako sinasaktan kahit walang dahilan. Di welcome parents ko, relatives, Filipino friends. Nasa bahay lang ako. Nag apply ng LTVP 2012, wala pang result eh lumayas ako at bumalik ng Pinas. June12, 2012. Until now never ko na nakita nakausap or kahit news man lang ng anak at exCon ko na husband. Plano ko bumisita ulit at the same time mag work sa SG. Wala akong plan na kunin ang bata gusto ko lang makita makumusta ano na situation nung bata 8yrs old na daughter nko. Wala akong pakialam kung my ka live in na cya. (Sa Pinas single parin ako. Pero my anak na rin my pamilya pero di kasal-nkaka.trauma). Speaking of trauma, nagka PTSD ako sa ginawa ng exCon husband ko.

Since ok na ako ngayon. Ready na humarap sa kanila.

Tanong ko lang. Pag nag apply ako ng work (meron na po akong FIN kasi OJT ako dati) 1. married status ba ilagay ko? (Meron kasi akong friend dito sa Pinas na ni recommend nya friend nya sa SG na owner ng business.) 2. May possibility ba na ma reject application sa MOM? 3. Pwede ko ba makuha rights ko para sa daughter ko? 4. Sa IO tourist lang ba e declare ko kahit meron akong anak na andun? (nasa akin original marriage cert namin at photocopy ng birth cert ng anak ko).

Yan lang po muna. Marami kasi akong tanong. Pero sana may makasagot po. SALAMAT PO NG MARAMI.

Comments

  • @qldm1989 sagutin ko lang sa abot ng kaalaman ko.

    Pag nag apply ako ng work (meron na po akong FIN kasi OJT ako dati) 1. married status ba ilagay ko?
    - kung hindi ka pa divorce dito, ibig sabihin married pa din status mo

    2. May possibility ba na ma reject application sa MOM? - laging dalawa yan pagdating sa pass; pwedeng pasado o pwedeng hindi. regardless kung ano ang status mo. so sa tanong mo na kung pwedeng ma-reject, Pwede. pero syempre, unless may kaso ka dito, may pag-asa din pumasa

    3. Pwede ko ba makuha rights ko para sa daughter ko? - suggest na pagpunta mo dito, magtanong ka sa Phil Emb o sa mga lawyer dito, kasi hindi natin alam ang batas dito

    4. Sa IO tourist lang ba e declare ko kahit meron akong anak na andun? (nasa akin original marriage cert namin at photocopy ng birth cert ng anak ko) - kung wala kang pass tulad ng long term atbp... tourist ka pa din

    good luck
  • Salamat sa reply. Meron po ako ibang tanong.
    5. Kelangan ko ba e mention ky IO na meron akong anak at (exCon) husband? - - mga 12days kasi ako mag stay.

    Nung lumayas ako, hinanap nila ako at nag tag ng MISSING ako. Pero tinawagan ko sila na nasa Pinas na ako. Pero di parin cla naniwala. At nag file ng THEFT daw sa akin kasi my kinuha daw ako sa kanila. Which is wala nman. - - nalaman ko yan sa kapitbahay ko na Pinoy rin.
    6. Pano ko po malalaman na yun talaga ginawa nila?
    7. Meron po bang free consultation sa family court/lawyer sa phil emb?
  • @qldm1989 kung may ganyang issue, dapat malinawan mo muna yan bago ka pumunta dito. dahil kung totoong may kaso ka, baka magka-problema ka pagdating mo dito. mas mainam siguro na tumawag ka ng direkta sa (1) pulis dito at (2) kumonsulta na sa lawyer sa Pinas. medyo mahirap yang kalagayan mo
  • @qldm1989 kung nag file sila ng Theft baka may record ka na? baka pagdating mo palang sa Airport may naghihintay na sayo, You may contact Police Records Office at: Tel : +65 6557 5700 or pwede mong icheck online kung may existing Singpass ka https://eservices.police.gov.sg/content/policehubhome/homepage/enquiry.html
  • double check mo muna, bago ka pumunta d2, tama cla, bka sa airport palang madampot ka, delikado.
  • edited July 11
    @carpehem wala po ako singpass. Meron lang ako FIN.
    Try ko tumawag sa # na yan. Tatanong ko lang kung meron ba akong record? Yun lang po ba e a ask ko? Baka magtanong bakit ko tinatanong. Or pwde ba sa kaibigan ko na nasa SG ang magtanong?

    Kahit matagal na yun? Like 8yrs nah.
  • @qldm1989 with your previous FIN, you can call them. Just tell them your story. Tell them you want to go back in SG, kung case-free ka. Paano pag may pending case ka, magiging vurnerable yung kaibigan mo, unless willing naman.
  • edited July 11
    @qldm1989 suggest na since ikaw ang wala dito, ikaw na ang tumawag. kasi kung kaibigan mo, siguradong matatanong siya at baka may negative na maidulot sa kanya.

    kahit matagal na yun, kung merong reklamo, meron pa din yan kung totoong nag-pasa ng reklamo laban sayo

    buti na sigurado kesa pagdating mo dito saka ka magka-problema
  • @kabo ako na mismo tumawag, ang sabi lang sa akin pag tawag ko there is no problem. you can come to SG as long as you have a valid passport.

    nakakatakot namn baka bigla akong damputin sa airport. T_T
  • edited July 11
    hindi natin masasagot yang takot mo na yan. kasi mapapatunayan mo lang yan kung pupunta ka na dito

    ang magandang gawin ay kausapin mo na ang dati mo at makipag-ayos. para na din sa katahimikan nyo at para sa anak mo. at malalaman mo na din kung talaga bang may kaso ka dito

    o baka pwede mong subukan yung link sa message ni @carpejem subukan mong gamitin ang pasaporte mo or FIN mo
  • @kabo @carpejem kakatawag ko lang sa +65 6557 5700 and they dont disclose info. How will they know daw nga ako talaga. Advised me to call ICA which un ung una ko na ginawa. Same advise cla. Pumunta ako ng sg with a valid passport. Yun lang. I tried to explain my situation but wala eh. Ganun rin advise nila. Pupunta nlng ko na risky bahala nah.

    Meron ba akong rights sa anak ko? Pwde ko ba makuha kaya yun??

    At sa sagot na makipag ayos ky exCon... NEVER ko po gagawin yun. Nagka PTSD ako ng dahil sa kanya. Battered wife ako umuwi ako ang pinas na puro pasa mukha at braso ko. Sinurrender ko application ko sa LTVP at tumakas pabalik ng pinas. Cla pa nag keep ng passport ko at para makuha ko, kelangan ko pa tawirin ang next window sa kabilang kwrto namin na room ng in laws ko para makuha yun. Imagine 6th floor kami nkatira. Wala akong record sa bruises ko kasi tinakot ako. Pinagbawalan ako magsumbong sa phil embassy or else di ko makikita ung bata. I was forced to marry him. And no choice ako wala kasi akong gabay ng magulang at tinakot na di na mkakabalik ulit doon at mag fi.file sa aken kasi prostitute daw ako. Pano ako naging prostitute sa pagpatol sa kanya? Ok naman treatment saken sa una. Rason nya Para ma banned ako sa sg. Kahit masakit saken magpakasal sa takot ko ma banned kasi nga firts timer ako bata pa walang alam masyado sa ibang bansa walang alinlangan nagpakasal ako. At un na nga kahit buntis ako eh sinasaktan ako. My witness ako sa nangyari saken sa sg. Parents ko tumulong saken para makalayas ako. Di na kaya ng konsencya ko ginawa nung lalaki. At di ko rin habol sa kanya ang LTVP or PR. Habol ko lang ay makita at makilala ako nung bata na nag e. Exist pa ako.

    Salamat sa mga nag reply.
  • @qldm1989 kung ganyan po ang current situation, suggest na dumaan ka na sa right authorities. dfa siguro ang makakatulong sayo. kuha ka ng lawyer na gagabay sayo kung ano ang mga dapat mong gawin para maayos mo ang situation mo

    kasi kung basta ka lang pupunta ng EsGi, tapos ay may kaso ka pala. hindi mo rin makikita ang anak mo

    God Bless
  • @kabo salamat po sa reply. Magabayan sana ako ng Panginoon sa mga decision ko sa buhay.
  • @qldm1989 sana maayos mo yang problem mo ngayon. ingat lang kung anuman ang desisyon mo
  • @qldm1989 ito na yata pinakacomplicated na tanong dito sa forum. Unfortunate to hear your story, kabayan.

    Pa-raffy tulfo mo kaya. Matindi ang support nila sa OFWs. Action agad yan.

    sana makita mo daughter mo soon. dasal lang.
Sign In or Register to comment.