If ever may job offer here from a Scam Agency na napuntahan niyo, please pm me. I will verify and Ill ban them. Salamat.
Please message me if anyone is trying to harass you or hard selling something to you... either from discussion or private message. I received reports that some Scam Agency dare to threaten members via PM. Surely these scammers are desperate.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

S-Pass for Renewal but no quota

Good evening, guys.

My S-pass is due for renewal in 2 months, this is my first renewal since I worked here.
As per HR, wala ng quota company namin to apply for S-pass.
She told me that she will try to apply for an E-pass instead of S-pass.
Naalala ko lang, nung na-hire nila ako na-reject na ung E-pass application para sa akin.
Ngaun ko lang narealize malaki chance hindi ulit ako ma-apporve for E-pass.
Hindi din naman kasi ako na-promote sa work ko kaya prang walang reason para ma-approve ung E-pass.
Nasa IT field ako, pero based sa nababasa ko dito parang kahit IT pahirapan ma-aapprove.
Tingin nyo simulan ko na maghanap ng lilipatang company?

Comments

  • @nomad0430 since wala na kayong quota, wala na sa option ang s-pass. pwede mong gamitin ang SAT para magka-idea ka kung may chance ang e-pass mo. pero kung ako, sasabayan ko na din ng apply para may option ka kung ma-reject ang e-pass mo. good luck
  • worst case hindi ako makakuha ng lilipatan bago mag expire spass ko, hanggang kelan ako pwede mag stay sa SG? Immediate ba pag expire ng spass ko dapat lalabas na din ako ng SG?
  • @nomad0430 after cancellation ng pass, bibigyan ka ng 30 days na visit pass. pero hindi na ito pwedeng extend

    https://mom.gov.sg/passes-and-permits/s-pass/cancel-a-pass
  • @kabo salamat. Buti may 3 months pa pala ako to find a new job if in case.
  • @nomad0430 All the best! yung 3months madali nalang yan, praying for you na makahanap ka agad! God bless you.
  • Ganyan din kaso ko. hanap ka na ng trabaho kasi di sigurado kung magdadagdag sila ng PR o lokal o baka may mag-resign pa. ok na yang 3 months. :smiley:
  • @nomad0430 hanap kana kabayan ng malilipatan. good luck!
  • @nomad0430 may balita po b? @ohaidurr nakahanap n po b keo ng malilipatan?
  • @zhypher33 wala pa result ung e-pass application. Priority ko na lang mag update ng resume and mag apply na. 90% sure kasi ako ma-reject e-pass application ko.
  • @nomad0430 Bago lng din kasi ako s SG, this January lng ako nag start. Spass din po kasi ako, although ang nasabi skin they applied for Epass since lagpas nman ako s minimum ng Epass pero hindi na approve so Spass ako. Ang worry ko kasi although 8 months p lng ako dito is yan din, ung quota. Although marami nman ung Local dito smin as in. May pangamba p din ako, dahil nilagay ako under "services" and since nagbawas n sila ng pass for "services" may konting worry ako. pero aun nga 8 months p lng ako dito. hahaha! salamat s update. Dito kasi ako nakuha ng mga tips kng pano diskarte dito s SG.
  • Guys,

    Wala pa din result epass application ko. Kinausap ako ng boss ko, no need to worry daw kasi ia-apply daw ako ng spass if in case mareject ung epass and no need to worry daw sa quota. Not really sure what he meant or how they will do it.

    Kung palarin at sakaling marenew ako pwede ba ako umalis sa company anytime kahit hindi ko matapos ung 2 years sa new spass/epass?

    Direct hire and permanent role ako sa company at wala din naman ako bond. Sa contract ko, 2 months notice lang din kailangan if magreresign.

    Alam ko pangit tong iniisip ko, kaso toxic na din ung work and havent really learned anything new or have taken new responsibilities. I paid na nga lang din sa mga trainings and certifications ko para lang may new skills ako.
  • @nomad0430 as long as ma-fulfill mo yung t&c ng contract mo, pwede kang umalis. ingat lang din sa paglipat kasi syempre pag lumipat ka, hindi mo din alam kung ano mangyayari sayo. pwedeng mas ok pero pwede ding mas malala. good luck
  • @kabo salamat.

    pag ba naapprove ung new pass ko sa existing company, let us say spass pa din, kailangan pa ba ako iaapply ng new spass sa new company? or kailangan ba icancel ng current company ko ung spass ko and kailangan ko na din magresign bago ako maiapply ng new spass ng new company?

    if new pass ang kailangan sa new company, may paraan ba na masecure muna ng new company ung new spass bago ako magresign or at least hindi malaman ng current company ko na iaapply ako ng new spass ng new company? risky kasi, baka mamaya hindi maapprove ung new spass ng new company.
  • @nomad0430 bagong co, kailangan mo ng bagong pass

    ang normal na ginagawa, aantayin mong pumasa ang bagong pass mo sa bagong company bago ka mag-resign sa current company mo

    ang pagkakaalam ko, malalaman ng current company mo pag may nag-apply sayo ng bagong pass. minsan hindi kung hindi naman sila madalas mag-check.

    ang problema mo lang dyan, 2 months ang notice mo. during the interview o bago ka i-apply ng baong pass, papayag ba yung bago mong company na antayin ka ng 2 months o baka sabihin nila na 1 month ka lang nila maaantay at kailangan mong bayaran yung 1 month mo na hindi mase-serve sa old company?
  • @kabo maraming salamat ulit.

    kailangan ko ata pag isipan kung pano ang diskarte ko.

    ibig sabihin, kung malalaman man ng current company ko na may nag aapply ng pass para sa akin magiging questionable lang ung loyalty ko and possible syempre bitawan na din ako.

    Ok lang sana sa akin ung toxic sa work, kasi kahit saan namang company may problema. Kaso ung toxic na tapos 2 more years pa na stagnant ang career at walang growth sa skills parang hindi na maganda para sa long term goals ko.
  • @nomad0430 nasa sayo yan kung sa tingin mo ay kailangan mo ng lumipat. ang prob mo lang ay yung 2 months notice mo. normally, sa linya namin, pag 2 months, napipilitan bayaran yung 1 month para makalipat. pwera na lang kung talagang gusto ka nung bagong company at willing mag-antay

    kung malaman man nila, hindi lang naman ikaw ng gagawa nyan. kahit naman hr nyo nag-apply din sa iba
  • @nomad0430 Desisyon mo yan sir, weight the pro's and con's. Kung pwede ganto sabihin mo s bago mong employer.
    1. 2 months notice period if they are willing to wait
    2. You will start the notice period once approved n ung Spass or Epass mo s knila

    Ang alam ko po kasi pwede nilang apply ung pass mo kahit active k p s current company mo.
    @kabo tama po b?
  • Pwede ka applyan ng pass while you are currently holding a work pass. Hindi lang maiissue yung newly approved pass without cancelling the previous work pass.
  • @zhypher33 @rcpag1103 @nomad0430 tama, pwede kang i-apply ng bagong company ng pass hanggang sa lumabas ang AyPiEy. tapos saka ka lang magpasa ng resignation letter para safe ka
  • @kabo Para sakin yan ang the best n gawin. Malalaman mo kng tlagang sincere ung company sa pag hire seo at kng tlagang mahusay ka makakapaghintay yan. Baka nga sila p magbigay ng pera pambayad s bond. Kesa sa isapalaran mo ung work dito, unless willing k bumalik satin at marami k ng ipon or may work din naghihintay seo s pinas n hindi nalalayo sweldo dito or negosyo satin n self sufficient na. Pwede. :wink:
  • @zhypher33 Baka nga sila p magbigay ng pera pambayad s bond - nangyayari talaga yan. madami na akong kakilalang ganyan at nangyari na din sakin yan. kung gagawin nila yan, mas ok para wala ka ng iisipin pa
Sign In or Register to comment.