To all who are posting for their company Products or Services. Please consolidate it only in 1 Post. I will start deleting multiple discussion thread.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Wag mawalan ng pag-asa sa SG citizen application

update lang guys about Singapore citizenship application....
last saturday nag attend ako ng Citizenship ceremony ni misis sa Marine parade. this ceremoney pala ay para lang dun sa mga naaprove ang Singapore citizenship applications.
anyway, i was happy to see that aside sa aking misis meron pa akong nakita na 2 filipino families na naging Singapore citizen na rin.
take note sa marine parade lang to at sa isang session, on that day there was 3 sessions.

kaya para dun sa gustong mag apply, may pag-asa pa rin.
Admintagabantay
«13

Comments

  • Wow congrats ekme!!!! magiiba na ang kulay ng passport mo. Can you share po ang experience nyo para ma encourage naman ung iba :) hehe
  • Congrats and welcome po as a sinkie.
  • si misis ang tumanggap ng certificate on that day. nag attend lang ako bilang spouse.
    naging SG citizen ako noon pang 2008 so di ko na matandaan ang experience ko at i think iba ang dinaanan ko noon kesa ngayon. dati madali lang mag approve kasi they need the population.

    kay misis naman wala masyadong documents na kailangan kasi sponsored ko sya.

    pero natuwa lang ako dahil kahit marami akong narinig na mga rejection ngayon, meron pa din palang na approve.
    Adminederlmsardines
  • wow congrats @ekme musta ang experience mo bilang citizen dito? ang hirap maapprove ng citizen lately. mga chruch mates kong nag apply rejected. 10yrs na sila dito sa sg, may bahay at maganda ang work.
  • Congrats po sa misis nyo @ekme , ang galing sana makapunta na ako SG to work soon and maging Citizen din ng SG kagaya ninyo mga senpai...
  • @sg_pr maraming benefits pag naging SG citizen ka, eto mga nataggap ko so far:
    1. may housing grant pag bumili ka ng bahay (40K sa time ko)
    2. mura tuition fee ng mga bata
    $6 sa primary at $20 sa high school
    anak ko panganay, since nag Poly sya, wala ako nabayaran dahil 100% subsidy
    3. discounted conservancy fees sa bahay.
    4. GST voucher every year
    5. PUB discounts every quarter
    6. pag nagka anak ka (SG citizen by birth) may $20K na ilaan ang goverment pang offset sa tax, at pwede mo gamitin yan pambayad sa TAX hanggang maubos.
    7. baby bonus (depende kung pang ilan ang baby)
    8. may mga EDUSAVE ang mga bata, magagamit sa mga bayaran sa school.
    9. may grant sa skills upgrade
    10. libre tutor sa mga bata (depende sa GRC)
    11. Community Health Assist Scheme (CHAS)
    12. Pula na ang passport mo, able to go so many countries without visa :wink:

    yan lang naalala ko so far.
    Adminsardinestagabantay

  • Pwede bumili ng bagong HDB, DBSS at EC.
    Housing loan through HDB
    6 Days child care leave sa may mga anak na below 7 yrs old.
  • @ekme kakatanggap lang namin ng letter of approval (in principle) 2wks ago. Family of 6 (4kids, age range 4-12y/o).
    We have 60days to complete the SC Journey. Tanong ko lang po, after ba matapos ang SC Journey, ilang bwan pa before makuha ang passport at new IC? Flight booking kase namin sa Dec, Filipino citizen ung nakalagay.
  • @RyanLee congrats!!!! ganu kabilis ang approval nyo? from the time ng submission ng documents?
  • @RyanLee congrats!
    kapag tapos ka na sa SG journey ay mag "I swear" or manumpa sa ICA sa loob ng isang room kung nasan yung parang judge. kailangan mong kumanta ng "majulah singapura" para ma finalize ang pagiging Singaporean mo.
    right there and then, pag applayin ka kaagad ng passport. ang passport ay sandali lang 2 weeks lang yata.

    ang IC ay by right makuha mo pag nag Citizenship ceremony ka na. pero sa case ni misis ay nag submit kami ng letter of appeal na kung saan pwede namin makuha ang IC earlier kasi primary school registration ng anak namin. pumayag naman ang ICA na ibigay ng maaga.

    i'm not sure kung pwede nyo makuha ang lahat ng IC nyo ng maaga kung walang valid reason, pero pwede nyo i-try.



    alam ko kinabahan ka sa sinabi ko sa taas na pakantahin kayo ng "majulah singapura", joke lang po yan @RyanLee. gumanti lang ako kasi, sinabihan din ako nyan ng isang kaibigan... :D :D
    pag meron kang kakilala in the future, banatan mo rin ng "you must know how to sing Majulah Singapura" (with poker face)... :D
    nauna akong naging singaporean kay misis. muntik na akong patayin nung sinabi ko yung totoo na joke lang kung kumanta ng "majulah singapura"... biruin mo ilang weeks nag praktis.. :D :D :D

    again congrats!
    RyanLee
  • Hehe! Memorize nmn ng mga bata. Kabisado ko nmn ang tono :D salamat po. Mukhang by end Aug pla mapapalitan na passport nmin. E ung ph passport renunciation, ilang araw po ba processing?

    @Admin almost 1.5yrs din ang hinintay after submission ng docs.
  • Pag punta mo ng ph embassy may form kang fill up. Tapos kunin nila passport mo and ask you to come back within 2-3 days. Pag balik mo, isoli nila ang iyong passport pero may butas na.
    RyanLee
  • @RyanLee ouch!!! kami naman submission on August! d ko alam sana maging ok.
  • @RyanLee , Congrats.

    Eto yung link for SG JOURNEY

    Book nyo na mga kailangan doon sa sgjourney. Mabilis lang naman ang problema lang yung slots. Yung sa passports, mabilis na lang ngayon. Within one week makukuha mo na. Kagaya nung sinabi ni @ekme pagkatapos ng sumpa at kanta, pwede ng kumuha ng passport.

    Yung sa renounciation, kailangan mo din dalhin yung letter from ICA kasi yung ang hihingin sa PH embassy.
    RyanLee
  • edited July 1
    @ekme @AhKuan salamt mga bossing. Nkpgregister na kme dun sa 2 (both Aug slots na) then ejourney na lng (self paced nmn un) :)

    @Admin good luck po! Habang tumatagal ang pghhintay, lumalakas ang chance. 3 families kme ngsubmit on the same day (family friends). 3months after, nareceive ang rejection letter nung isa. the other one on the 5th month, rejected dn. panganay pa nmn nya kakatapos lng magNS. Tsk..
    Naswertehan lng siguro namin. Wala kase pattern e.
  • @RyanLee Malaki consideration dyan yung industriya na pinagtatrabahuhan nyo at yung skillsets.Enjoy nyo lang yung Tour at makan. hehehe .....
  • @RyanLee, aba oo nga. grabe nakapagtapos ng NS ung isang family yet reject? omg. hays, feeling ko depende talaga sa officer. baka subjective na siguro talaga ang pag aapprove.
    RyanLee
  • @Admin Isa din sa mga tinitingnan nila yung length of service nyo sa isang kumpanya. Sinabihan yung kaibigan ko nung nag submit sila.
  • edited July 3
    Congrats @RyanLee, matanong ko lang po, saan field po kayo nagwowork?
  • @bobong petrochemical industry po. 13yrs in the same company. Wife not working since 2004. I'm 36y/o.
    1st application in 2012 (only for myself, family not included) got rejected :)
    This time, lahat kme, after 1.5yrs got approved last June :)
  • @AhKuan aray ko po. job hopper ako. malamang reject na. balitaan ko kayo.
  • @RyanLee same company ka pa rin ba? mukha nga length of service ang tinitignan. hays. d ko alam pero, kung mag aantay ako sa isang company. malamang d na umusad ang sweldo ko. hehehe.
  • @Admin isa pang tinitingnan nila yung professional certs mo dito sa sg. Isama mo rin mga yun sa pag submit.
    RyanLee
  • may koneksyon kaya posisyon sa company, baka mga bossing lng kinukuha nila..hehehe..nagpasa rin ako last March..matagal n rin ako s company ko..9+ na taon..kaso isang beses lng ako napromote..nadagdagan ng senior sa job title..may pagasa kaya..
  • Eto ang mga sinasaalang alang nila kung bibigyan ka ng citizenship:
    1. Profession
    2. Salary
    3. At least 10 Years PR
    4. If may HDB Flat
    5. Nag aral dito sa SG
  • Lahat ng ng-aapply may pagasa. Pag di ka nagapply, wala tlgang pagasa. :) Wala kc nakakaalam ng exact criteria nila. Kaya malamang nkadepende sa approving officer kung approve or reject. Since 2011 nagbabasa na ko ng mga posts ng nkapasa at nareject, wala tlga akong mkitang pattern.
  • @Admin yes, same company hanggang ngayon. Malamang dito na ko til the day i retire. Unless ayaw na nila sa kin. :)
  • @kornik38 Wala po sa posisyon yan. Tulad ko isa lang hampas lupa na sunod sunoran lang sa mga utos ng mga amo nabibigyan ng approval, yung iba pa kaya. Wala din yan sa taas ng sahod mo. Ang importante kailangan ka talaga nila sa kahit ano man yun na dahilan.
  • sa kalagayan namin ngyon basta pasa lang. sana maaprove. nag ttry na rin kame mag apply sa ibang bansa ng PR. dapat talaga isafe guard and kinabukasan ng mga bata.
  • @AhKuan sana nga po ganon nga..
    @RyanLee sabagay nga po, hirap talaga alamin basehan nila.
Sign In or Register to comment.