To all who are posting for their company Products or Services. Please consolidate it only in 1 Post. I will start deleting multiple discussion thread.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Free Labor- Modus?

Hello mga kabayan! I think it's just proper to share my experience in jobhunting recently here in SG.
Long Read but you'll learn from my experience (hopefully). First time ko mag jobhunt dito sa SG. Pure online lang. Then one time, may interview ako (I received an email from them). After ng exam and interview, sabi tatawagan ng Friday. Hindi pa tumatawag kaya ako na nagfollow up. Then may another email nanaman, actually another 2 from them, kasi nag-apply ulit ako sa other positions available na hiring sa same company na yun. So nag-email ako kung pupunta pa ba ako for that interview kasi nainterview na nga ako at naghihintay ng positive or negative response from them nalang. I also opened up my situation about my pass that is about to expire,blah blah blah. Then umaga tumawag. Tinatanong experience ko, kung CPA ba ko, anong year ako pinanganak so sinagot ko, which is already asked during our interview. So sabi, hindi daw ako pasado kasi di ako CPA and 31 na nga ko which sabi nya is tagilid daw sa MOM yung pasahod nila for me. Eh di fine na. Negative na. Come next na Friday morning, tumawag nanaman, clarify ulit sya kung may experience ako sa Accounting/ Audit Firm and handles full sets and clients? Sabi ko oo, syempre lumukso nanaman puso ko kasi icoconsider ako. Sabi oofferen daw nya ko 1500+358 allow. Oo nalang kako para lang hindi talaga mapauwi. Pinapapunta ko 11 or 12 same day. Edi aligaga na ko, kasi umaga tumawag. Minutes later hindi na raw at next day nalang, Saturday. Edi bawi nanaman. Maya-maya tawag nanaman! Hindi ko nasagot kasi binawi na nga nya. Bigla nagtext- NO REPLY FROM YOU I ARRANGE OTHER CANDIDATE.
What the heck? Anung klase tong kausap ko? Nagkakaintindihan ba kami? Fickleminded.. Mukhang kakaibang boss ito ah.. Bottom line, pinapunta nya ko, for Training daw and see if I should go to the next interview. 12:00 nasa office nako. I thought I would just be trained, but I am actually doing the real job na. Habang tinuturuan ako, nagmamasid yung boss, sabi nya mahalaga daw ang SPEED sakanila kaya bilisan ko daw! Makapagdemand akala empleyado na nila ko. Although, modesty aside, napakadali lang naman nung pinapagawa. 12-6pm yun, halfday na. Sabi nung nagtuturo sakin balik daw ulit ako next day, tapusin ko yung ginagawa ko. Nangyari yun ng hindi man lang clear kung anu papel ko. Pag-uwi ko, kinwento ko sa sister ko na ganun nga nangyari. Sabi nya mukhang ginagamit lang daw ako. I don't get it. Pero inexplain nya na may ganun nga. Gagamitin ka, pagtatrabahuhin ka for 1 day sasabihin inapply na pass mo, hindi pala. And bawal pala na mag-start ng work unless may pass ka na. Oh, now I know. Kinagabihan, tinext ko sya, tinanong ko about sa pass ko kung inapply ba ako, or kung anu ba status ko, kung hired na ba ako at hindi naman training yung ginawa ko kundi actual na trabaho na nila. Next day, ganun uli. Gusto ko kausapin yung may-ari pero late dumating at nag-interview pa ng marami. 1PM na hindi man lang ako sinasabihang lunch na, or dapat nga uwian na. Grabe. Kaya kinausap ko na yung boss nila, sabi YOU CAN GO NOW. I DON'T THINK YOU FIT THE JOB. I DON'T GET FEEDBACK FROM YOU. YOU'RE WORK IS GOOD, BLAH BLAH BLAH.
As expected. Ginamit nga lang ako. Di na ko nakipag-argue na dapat I am compensated or at least have an allowance for the service that I have done. Dahil nagugutom na ko at gusto ko narin umuwi dahil sa nangyari. Nalungkot ako ng very very light kasi paasa sila. Kinuha na nila passport ko and etc, pinagwork na ko tapos ganun lang. Pero okay narin.
Parang ganun na nga yata kalakaran nila kasi may pinapacheck sakin, gawa daw nung huling may hawak nun, which nakita ko yung initials, isang araw lang nagwork. At isa pa, nairefer ko pa yang accounting firm na yan na applyan ng housemate ko. So andun sya, iniinterview, habang ako, nasa training kuno. Ang sabi nya daw dun sa housemate ko na may mga foreigners daw na 2 days PA LANG training, hinahanap na ang pass. RUDE daw para sakanya yon, kaloka. At ayaw nya pa dun sa housemate ko na yun, CPA with experience na, galing pa sa prestigious companies, irrelevant daw yung work experiences, kaloka! Pero later on gusto sya pabalikin ng Monday, at magwork daw ng 8am-8pm. Gusto nanaman humanap ng another applicant victim. :(

Anyone na naka-experience ng ganito?

Comments

  • edited March 6
    Hi i heard the same story, kaso hindi sa accounting. But just a regular job na sales. D ko namahagilap ang thread. May nag post ng job opening dito sa pinoysg then may kumagat. Masaklap pa e pinoy ung nag recommend or poster dito. Pinag work cya for training daw or something but hindi binigyan ng compensation. Sinubukan kong kontakin ung pster. Ayun d na sumasagot. Konting ingat kabayan sa mga mapagsamantala. Kahit anu pa ang lahi may mga mandurugas.
  • lots of them , any way you shouldn't start working w/o a work pass.
  • daming gumagawa niyan kasi daming uto-uto na pumapayag.
    kung susundin niyo lang ang regulation na bawal mag trabaho ng walang pass eh hindi dapat kayo nabibiktima.

  • sarap pagtatadyakan ng mga nang-aabusong employers.
  • Hi guys I just wanted to share my experience. Nka 10 interviews ata ako since nung dumating ako nung Feb. 11.

    1.Nung una may magaaply na ng pass ko for Accounts/Admin assistant kaso nakita may rejected pass ako last 2015 so nag back out takot silang magastusan siguro I don't know anong reason basta sinabi nlng na may gagamit ng quota para sa higher position.

    2-3. May dalawa naman accounting firm (accounts executive) yung isang upon checking sa MOM wala na pala syang quota at yung isa naman EPass iaaply sken pero di tama ipapasahod kaya di ko kinuha.

    4. isa naman landscaping business (payroll assistant) 1700 lang sahod parang lugi naman ako sa laki ng expenses dito eh s pass yun kaya di ko kinuha. (sorry pero di naman sa maarte alam naman nten lahat kaya tayo andito para kumita ng maayos para sa pamilya)

    5. Tapos isa naman duty free supplier (Accounts/Sales Assistant) same din di sila nakakuha ng quota sa mom kaya di na tinuloy application ko.

    6. Then eto naman I got hired again for accounts assistant position from my interview last week. During my interview sinabi na nila sken na marami silang backlog specially sa AR at AP. Ako naman go ako sa challenges kasi more than 4 years yan ang hinawakan ko sa pinas. They called me yesterday that I need to render a training today until Friday to make sure daw that I can handle the task. The fact na accountant ako sa pinas need pa talaga nila i-assess yung performance ko about handling accounting works. They suggested pa na by friday if okay ang work ko magexit daw muna ako ng JB kasi iaaply nila pass ko by Monday dun nlng daw ako maghintay (alam kasi nila until sunday nlng visa ko). Syempre nanghingi ako ng mga advice sa ibang may experience dito at sa kakilala ko. And yes tama nga may 3-6 months probation period ang isang emplyado to assess if fit sila sa job. And why kelangan ng training na 8-6pm within 4 days para maassess? Para tapusin ko backlog nila? working for free? Porket malapit na maexpire visa ko akala nila kakapit ako sa ganung set up.

    7. Today someone called me na naaply na daw ako ng pass wait ako ng results based sa MOM pinakamatagal na daw yung March 19 sa result. First interview ko to last Feb. 13 (monday) , saturday ako dumating Feb. 11 at ngayon last week ko na sila ngparamdam. God is Good still may pagasa pa. May problem is kung wala pa results until friday kelangan ko ng lumabas ng SG at di ko pa alam ano gagawin ko :(

    Wag mawalan ng pagasa! God Bless everyone!
    tambay7
  • Congrats @DETH016 !!! So happy for you ;)
  • Hello po.
    I am planning to seek opportunities dn po sa sg dis coming September. I have almost 2 years experience po. 1 year in audit firm. I'd like to know kung may marerefer po ba kau na hiring or any tips regarding sa pagaapply.
    Salamat.!
  • @[email protected] online job portals in Singapore may give you help. go check now.
  • @chrysanthiana share mo naman anong company ito para maiwasan. Hi @blessed @fearless anong kwento nyo sa Wan? May bad experience din kasi kami ng friend ko sa company na to.
Sign In or Register to comment.