If ever may job offer here from a Scam Agency na napuntahan niyo, please pm me. I will verify and Ill ban them. Salamat.
Please message me if anyone is trying to harass you or hard selling something to you... either from discussion or private message. I received reports that some Scam Agency dare to threaten members via PM. Surely these scammers are desperate.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

PinkPasta

About

Username
PinkPasta
Joined
Visits
12
Last Active
Roles
Member
Points
262
12
Badges
  • Actively seeking a Job in Singapore

    @gary_garlic

    Actually hindi, haha! Sa Finance Dept ako. Multi-tasking dito samin. Tinuruan lang ako and binigyan guidelines if needed na ako ang mag conduct interview :) Naghahanap ka din ba work? Good Luck!
    buBbles
  • Pass Status Check Online: Pass Type Appears as Employment Pass Pending?

    @kingofalltrades

    Option 1: Process POEA stuffs

    1. Ano pong kelangan ko from the company?
    Contract, job offer and meron pa isa doc na ibibigay sayo sa POEA then you need to send that doc sa employer mo for them to endorse with company seal/stamp. (See attached image)

    2. Should I ask for a copy of the contract kahit wala pang IPA?
    In my case, yung contract was sent of course after ng approval na ng pass. They sent me a scanned copy of the contract pero meron din ako kc dala na job acceptance agreement na signed both ng employer and myself when they confirmed me sa position. I am just not sure if meron ka ganyan.

    3. Can I print a copy of the IPA online if ever it's already approved? Or should this be mailed by the company?
    Yung IPA hindi sya yung same sa kung san ka nagchecheck ng pass wherein makikita mo lang dun is ang result. MOM will send the IPA directly to the agency or company na nag apply. Again, scanned copy yan and you need to print for submission sa POEA.

    NOTE: Ako natapos ko 2 full days processing ng POEA. You need to prepare more or less 10k pesos for the entire processing/fees. Kelangan mo mag take ng medical exam. Meron POEA processing fee and OWWA membership na in USD so basically hindi mo alam magkano exchange rate. Pero sa akin nun basta 5k plus sya. Medical around 2-3k. I can't really remember the exact amount pero around those figures lang. Then I paid for 6 mos na Philhealth and Pag-ibig mga ganun pero I think hindi yan requirement. Meron ka din seminar na they call PDOS (Pre-Departure Orientation Seminar) better check mo na ang sched pra makaattend ka agad and matapos the earliest time possible. Yun lang nakalimutan ko na if pwede mauna yun or kelangan na may na daanan ka muna na ibang process. Of course huwag mo din kalimutan yung passport mo, diploma, TOR. Meron naman nag phopotocopy dun but may pila din so if pwede mag produce kna photocopy ng docs mo. Then meron pa isa naku nakalimutan ko ulit ano na doc un basta pina notarize pa then submit na naman balik sa POEA. Sa tabi ng POEA meron dyan mga law office na nagnonotarize. Sa buiding dyan na una mo makikita is may BDO and convenience store (dko lang alam if iba na ngayon, lol!)


    4. What else do I need from PH para maka balik dito ulit sa SG?
    Once you are done sa POEA and nakuha mo na OEC mo and cert sa seminar, need mo yan dalin. Basta lahat ng nakuha mo dun mga binayaran mo receipts (OEC), cert, contract, passport, IPA dalin mo lahat kc hahanapin ng IO sa atin kc as OFW na labas mo ng bansa.


    Option 2: Balik as Tourist
    1. Ilang araw pa dapat bago ako bumalik?
    May chances ma offload ka kc technically babalik ka din kaagad upon approval but of course case to case. As what I have mentioned sa previous ko na comment eh iba iba talaga pinagdaanan natin. Meron ako kilala na lumabas ng bansa as tourist. She took the risk, nakalusot (Cebu sya dumaan) BUT nakauwi sya bwan na sya nag stay sa atin kc rejected pass nya and she waited kc inappeal ng employer.

    2. Risky ba na bumalik ulit dito knowning na nakatatak na 30 days na ako?
    Yes. Although ang worry mo talaga is IO Pinas. Pag nakalusot ka dun wala na issue kc IPA lang enough na sa immig dito SG.

    GOOD LUCK.
    kingofalltradesz_rj
  • Becareful on some agency

    @Marian.Medrano Think twice girl. Tama si @carpejem kc though they are legit mahirap makuha refund nyan lalo na if you need to exit or uwi na satin :( Sana d naman ganyan kalaki ang upfront. 500 is 500. If you want baka pwd mo rin sila hingan receipt na may clause like refundable in 7 days or something like that na may guarantee ka na babalik tlaga nila pera mo and sympre dapat sana hindi pa gipitan sa number of days na stay mo na lg dito. Pero kc pag plain receipt lang pwede ka nila i delay ng idelay til abutin ka na expiration ng SVP. Though d ako expert sa legality nyan ha? Just a thought lang.. hehe!
    carpejem
  • Office work job hunt in SG. Tips po pls. :)

    Hi @Audrey.Villaflor , tama si maya. This is not to discourage you ha? Kasi I was also one lucky individual na nakakuha ng job sa field ko talaga which is sa finance na madami din locals na kompetensya. Yung mga office jobs kasi eh preferred job yan for many locals. Kung baga based lang sa skill set talaga eh madami locals na kakayanin at hindi naman sya required yung talagang grabeng level of expertise in that field. Actually, totoo rin sabi ni @maya kasi yung locals eh pwede sila lower salary plus the fact na wala na levy ang company every month and other fees. Eh tayong foreigners may minimum tayo and yung minimum at times hindi pa tayo qualified nyan kasi based pa rin talaga sa tinapos and work experience mo. Try mo mag SAT (Self-Assessment Tool) para magka idea ka how much ang salary na papasa ka sa SPASS. EPASS is a different matter. Mas mataas ang salary requirement nun. BUT believer ako na if it's meant for you to work here in SG makakakuha at makakakuha ka talaga. Kelangan mo lang matinding dasal, sipag sa pag pasa applications and tiwala sa kakayahan mo. Highlight mo na lang din skills and strengths mo sa CV mo and kapag nakakuha ka interview.

    Regarding naman sa place to stay, mura na yung S$300 for a bedspace minsan hindi pa kasama ang PUB (utilities) nyan. You really need to be emotionally and financially ready pag sasabak ka dito kasi hindi rin madalian and malaki ang possibility na kelangan mo mag exit kahit na nakahanap ka employer kasi matagal na ang processing ng pass applications ngayon.

    Good Luck sayo and God Bless :)
    RDGdreepotchie07
  • Anyone familiar with One HR Pte. Ltd.?

    @Teddy Don't fall into that kind of trap. Madami sila naloloko kc alam nila most are desperate to land a job here in SG most especially yung mga wala pa rin interviews or those na pa expire na SVP. Anyway, I have a friend na nag agency din. She paid prang 60 for registration/interview but after nun wala na any fee na hiningi sa kanya. When she got hired sa sahod na deduct yung payment nya sa agency. Unti unti prang 3 mos nya un ata binayaran. Better yan I guess. Although better pa rin ung direct hire pra wala babayaran, hehe! Good luck and God bless :)
    Teddy