Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected] Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Please message me if anyone is trying to harass you or hard selling something to you... either from discussion or private message. I received reports that some Scam Agency dare to threaten members via PM. Surely these scammers are desperate. Pm me and i'll deal with them.
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Accepted Job Offer and Pending Work Pass Application

Hello mga kabayan. Bago lang po ako dito pero nagbabasa basa na rin po ako ng experiences and tips. Not sure po if tama ba yung category ng post ko hehe.

Nagpunta po ako sa SG (first time) last August 2019 for 20 days as a tourist (solo travel po), wala po ako kamaganak dyan and friends lang po. While vacation po nagtry na rin ako mag apply apply, got a few interviews lang po pero umuwi din ako after 2 weeks (since naka-leave lang ako and may work pa ako sa pinas) and wala pa ako nakuha agad na job offer.. yung ibang interviews/exams ko hindi ako nakapasa, and isa lang yung interview na nakapasa ako then tinuloy ko na lang yung process ng application pag uwi ko ng pinas (yung exam, interview) -- pero after a few months, nung sa final na hindi ako nakapasa dito hehe.

August 25 ako umalis ng SG pauwi ng pinas, but then nung pag balik ko ng pinas may tumawag sakin 2 companies for interview. Nag-try ako makiusap na baka pwedeng video interview na lang pero hindi sila pumayag. So out of desperation na madagdagan naman kahit papano interviews ko, sabi ko sige balik ako SG. So after 3 days, bumalik ako SG. (August 29) Natapanan naman na hindi stict yung IO sa pinas and walang questions ni isa, tatak lang... kaso pag dating ko ng IO sa SG, ang dami tanong, tinanong bat kaaalis ko lang babalik nanaman ako, sa sobrang kaba ko sinabi ko na lang na, "I just want another vacation", hanggang sa dinala na ako sa office.

Hindi ko na alam idadahilan ko nun sa office, sabi ko pupunta ako concert ni Alesso sa Marquee hehehe kaso wala ako ticket, eh hindi na din ako makabili kasi sold out na at ang pwede na lang gawin is mag walk in, sabi ko mag wwalk-in lang ako. Hindi convinced talaga. Tinanong din ano work ko, sabi ko Web Developer ako sa pinas. Then hiningi yung copy ng return ticket ko, eh sobrang hindi ako prepared that time... so pinakita ko yung phone ko (hindi ko naman naisip na hihiramin nila), so kinuha nila para icheck yung return ticket, dun ko na realize na bat nabigay ko phone eh ang dami kong evidence don ng mga job applications, pati screenshot ng interviews (medyo hindi ako prepared hindi ko naisip mga mangyayari sa IO). So nung tinawag na ako, sabi nakita daw nila na may job interview ako kaya ako babalik uli. Ang sabi, "I will let you in if you admit that you're going for an interview"... edi inamin ko na lang, sobrang takot kasi ako ang feeling ko pag nalaman sa SG IO na for job interview ang punta ko, hindi na ako papapasukin. Sa isip ko nun, kapag pinauwi ako, titigil ko na lahat... hindi na ako magaapply. Kaso ayun pinapasok ako. --** kaso may record ako dun, magiging issue pa po ba yun?**

Then nag stay lang ako sa SG for the 2 interviews then uwi na, mga 4 days lang ako dun, weekend lang. Hindi rin ako pinalad dun sa 2 interviews na yun. Pero tuloy na lang ako sa pag-aapply sa pinas at nakikiusap na lang na each time na may papansin, na vid call na lang yung interview. It took me 4 months hanggang makakuha ako ng job offer. I accepted din after a day. Grabeng mga dasal, novena, iyak, halos sumuko na ako at laging tinatanong si Lord if para sakin ba talaga to and if pagpapatuloy ko pa ba. Kaya I'm happy rin pong hindi ako sumuko hehe. Ayun, bago pala ako magkaron ng job offer, na-dissolve yung team namin, so wala na po ako work ngayon.

May isa pa po akong company na inapplyan na nag final interview na ako, and wala pa offer til now, pero back up ko na lang po siguro if all else fails sa work pass ko (pero sana naman hindi na).

Inapply po yung work pass ko nung December 30. Sa mga nabasa ko dito 4 days - 3 weeks ang process, tama po ba? Waiting pa po til now. Sana approved.

Ang worry ko po now is ever since bumalik ako from SG to PH, un na po yung last na labas ko ng bansa. So ang last travel ko is SG. Kaya pag aalis na po ako ng pinas, sa mga nabasa ko dito, as tourist muna. Based po dun sa nakwento ko na experience ko with IO sa SG, sobrang may fear of IO na po ako ngayon. So since last travel ko po is SG, baka magtaka IO dito sa pinas bat SG nanaman ako pupunta. So naisip ko po, labas po muna ako ng other country. Mas ok po ba yun? Ang choices ko po is:

  1. PH > HK > SG (eto po top choice ko kasi mura flights and hotels, plus malayo na sa sg kaya baka hindi na maging suspicious IO sa pinas hehe kaso ang worry ko po is yung protests, since solo female traveler po ako, baka po maging marami tanong? or hindi naman po kaya?) (nakapag HK na rin po ako last year Feb 2019)
  2. PH > BKK > SG (eto po naisip ko din, di naman ganun kamahal din flights, kaso if ever first time ko dito...)
  3. PH > Vietnam > SG (medyo mahal lang flights plus first time ko din if ever)

Balak ko po is to buy RT sa country na magvvacation muna ako (whether HK/BKK/Vietnam) then book na din ng hotels, activities, para talagang convincing.

Then questions na din po:
1. Qquestionin pa kaya ako ng IO dito sa pinas if medyo matagal naging stay ko sa SG nung August 2019 and nung bumalik pa ako then ang interval is few days lang?
2. As mentioned above po, wala na ako work so wala na po ako ID. If asked by PH IO, sasabihin ko na lang po ba dati kong work? Pano po pag humingi ID? May picture naman po ako ng ID sa previous company dito sa phone ko.
3. Dun sa country na pupuntahan ko (HK/BKK or vietnam)... pag nag exit ba ako then sa SG na ang next destination ko, qquestionin pa kaya nila yun if let's say may IPA na ako by that time (kasi plan ko is aalis lang ako once approved na ang work pass and may confirmed start date na ako sa company)
4. Hindi naman po nagiging issue sa IO na madami akong dala like kunwari nag HK 5 day trip ako tas nakamalaking maleta ako na halos 30kg na plus handcarry? hehe

Sorry po dami tanong and mukhang sobrang paranoid ako sa mga IO, sobrang natrauma kasi ako sa past experience ko. May mga tatak na rin naman na po ako kahit papano sa passport, naka 6 na travels na po ako then kita naman po dun na bumabalik ako sa pinas and no overstay record naman po. Salamat po sa sasagot! :)

Comments

  • @darthvader I heard HK is now okay, parang ala na nababalita na rally. But I heard from my colleague na meron na naman daw bago sakit parang SARS daw ata galing tsina..so ingat ingat din po..pero much better na po yung plan mo na pumasok galing ibang bansa kesa sa pinas....sabi mo nga nakapag travel ka na 6times i think di na problema basta wag ka lang kakabahan

    Pwede ka naman via KL or JB na pwede mag bus lang papasok dto sg, kung meron ka nakilala while andto ka sa SG dti pede ka pasundo from JB at sabay na kayo pumasok dto

  • ayan galing sa isa discussion

    eto link https://pinoysg.net/discussion/30777/malaysia-to-singapore-vs#latest

    ladytm02ladytm02December 2019 Flag
    may nabibili pong tickets ng Malaysia to Sg sa website na ito:
    https://www.busonlineticket.com/

    Dyan ako bumili nong pumunta ako SG via KL. medyo matagal nga lang ang byahe, sabi nila 6 hrs daw pero bat ako non, 8 hrs.. from KLIA 1 to Golden Mile (Beach Road, Singapore)

    Good luck kabayan. Sympre kung gusto mo mabilis, 1 hr - mag-eroplano ka. hehe

  • @Bert_Logan Sige po pwede ko din consider na mag KL, salamat po sa advice. :)

  • @darthvader oo siguro mag alot ka nalang isang araw para sa travel mo from KL papasok dto

  • ang haba ng experinece mo ehhe..

    pero sa madaling pag babasa, ang masasabi ko lang..

    kung babalik ka lang ng SG ng may sure na work na.. di kana tatanungin or haharangin pa ng SG IO.. ipakita mo lang ung IPA mo, wala ng tanong tanong.. pasok na agad, tatatakan na agad ung passport mo at itabi mo lang ung Disembarkation card (kelangan to sa pag apply nung employment pass ID)

    regarding naman sa questions mo
    1) kung papunta ka sa ibang bansa (other than SG), wala silang pake dun sa record mo sa SG kasi di naman nila alam na dun ang final destination mo
    2) kung nag hanap ng ID, sabihin mo di mo dala kasi bat mo dadalin e mag babakasyon ka.. tapos gawan mo nalang ng kwento na, ito may picture pala dito sa phone to ng ID ko
    3) walang pake sayo ung mga IO dun, kung lalabas ka sa bansa nila.. mas gusto nila yun
    4) pag harap mo sa IO, di naman nya alam kung gano kabigat ung maleta mo na hand carry.. assuming na isang maliit na maleta (ung pang cabin lang) pero siksik ung laman ang dala mo.. kung meron ka namang check in, i checheck in mo un bago ka pa humarap sa IO sa pinas kaya di mo na dala un by that time

  • Salamat po @Playfish @Bert_Logan hehe sige sundin ko po yan. :)

    Hopefully ma-approve na din ang work pass, pending pa din as of now.. :D

    carpejem
  • @darthvader wait ka lang pasasaan ba ma approve yan...pag na approve pa kape ka lol

  • Ako ung isa ring malakas ang loob, babaeng nag-KL mag-isa at walang kakilala para makaiwas sa AyO. Kaya mo yan kabayan. yung tiket mo sa bus na KL to SG, lagay mo sa checked baggage para kahit silipin ang fone mo, wala sila makita sayo. okaya isave mo sa Google Drive/Dropbox lahat ng important docs mo. Make sure may roaming load ka para maretrieve mo kahit nasan ka pa. Wipe your phone para di na maulit experience mo.

    Meron din akong hotel and tour bookings sa KL, luckily di tinanong ng AyO. That time eh lumipad ako ng Feb 2017 (MNL-SG-MNL) for tour, Nov 2017 for final interview (MNL-SG-MNL).. bumalik ng Jan 2018 (MNL-KL-SG, with KL-MNL return tix and AirBnB booking; 30kg checked baggage - this answers your question about baggage) pra magstart ng work. Kaya kahit dikit dikit ang labas mo ng pinas, OK lang yan. Basta huwag ka papahalata na kinakabahan ka, at magresearch ka. May sagot ka sa possible itanong sayo:

    1) kababakasyon mo lang ah, magbabakasyon ka na ulit?
    2) bakit wala kang trabaho tapos magbabakasyon ka, maghahanap ka ng trabaho ano?
    3) bakit ang dami mong dala (30kg)?
    4) Credit card mo ba ang pinagbayad mo sa tiket mo, patingin nga?
    5) San ka mamamasyal sa KL? San ka tutuloy?

    Kung medyo maluwag naman ang budget, tama si @Bert_Logan, mag-erplen ka na lang ^_^

    darthvader
  • @darthvader louie louie tama si @ladytm02 mo land lakasan lang ng loob at konting gastos...lol

    darthvader
  • Salamat po sa mga advice hehe, approved na po S Pass kakacheck ko lang po kanina :)

    Nag-update ako kaagad sa employer and waiting na lang sa official start date then ipplan ko na po ung pag alis ko at yung "vacation" hehe sana hindi magkaproblema sa IO, salamat po uli sa mga advice <3

    ladytm02
  • congrats!!! New Year New Job hehe.. magandang start ng taon para sayo :)

    dumiretso ka nalang dito sa sg, basta wag halatang may ibang balak hahaha..
    isa pa palang tip, medyo agahan mo punta sa ph airport.. napakatagal ng pila sa immigration dun.. mga 2hrs i allot mo sa pila sa immig haha para sure

  • Thank you po @Playfish :) Kinakabahan po talaga ako dumiretso ng sg hehehe siguro gawa na rin nung previous experience ko na na office dati haha

    Feb 3 pa po pala yung start date ko :)

  • @darthvader sa kwento mo, ang nag ka problema ka ay sa SG IO.. hinde sa PH IO..

    kung ang takot mo ay ma principals opis ka ulit ng SG IO, malabong mangyari un.. kasi pag sinubukan nila.. ilabas mo lang ung IPA mo, wala ng tanong tanong.. pasok ka agad hehe..

    pero ikaw bahala.. kung san ka comportable.. good luck

  • Hello po uli hehe, MNL>KUL>MNL po yung nabili ko roundtrip, mas mura kasi kesa sa direct to sg and para may onting tour na din ako...

    Question po, sa KL po sasabihin ko rin pong tourist ako pag pasok? Pag labas po ng Malaysia (mag bus ako from KL to SG), may mga tanong po ba sa immigration? Kung sakali man, ok lang po ba na sabihin sa immigration sa malaysia na may IPA na ako (ung pa-exit ng malaysia)?

    Then sa Pinas IO, ano po kaya mas ok sabihin... yung dati kong work or sabihin ko na freelancer ako (kaso baka matanong pa pano nagbabayad tax,etc?)

    Bukas po ng gabi alis ko :)

  • Hi ask ko lang po.. Nasa JB ako waiting for my spass approval. eh balak ko na bumalik sa SG next week (KL manggaling)... Magkaka prob kaya ako?
    I have been working sa sg for 7 years na before pero nagresign ako then mag 1 month nko sa SG na wala pa worlk and nagtry ako visa extension pero di naaproved so nasa JB ako almost 2 weeks na. Balak ko na sana bumalik kahit wala pa pass ko kasi... Please patulong :(

  • edited February 2020

    @iam.joyce sabi daw nila makikita sa ica ang employment records mo. dadaan ka sa immigration pabalik dito malalaman ng ica na wala ka ng work at bakit babalik ka pa ng sg, unless yung return ticket mo is from sg to ph?

  • @Samantha1 wala ako current application or pending application sa MOM.
    Balak ko balik po sa SG after 2 weeks ko magstay sa JB. Pero babalik ako via KL to SG. (OFW ako sa sg ng almost 8 years tapos naghahanap ako current job ngayon) So bali after macancel ng pass ko, di ako umuwi pinas, nagexit ako sa JB. Magkakaproblema ba ako nun? Solo kasi ako. Pero nagwowork partner ko sa SG. PWede ko kaya ireason out na kkunin ko mga gamit ko, then uwi nko pinas. ANd need some time kay gF? THANKS

  • @iam.joyce kahit ala ka po application sa em oh em sa AY SEE EY ka naman po makikita. pagka cancel ng card mo sa ay see ey na ang mag implement ng pagbabantay ng pag stay mo sa esgi. so lumabas ka ng ng esgi pag pasok mo makikita nila sa kanilang libro na ikaw ay nanggaling na rine...... sabay nalang kyo ni jowa mo pumasok at sabihin mo na kunin mo na mga bagahe mo sa kanya pero dapat meron ka pabalik na tiket sa pinas

  • @Bert_Logan yes babalik kami SG magkasama kmi ni GF KL to SG kami. May return ticket na rin ako sa Pinas. 1 week pako stay sa sg mga ganun, sabihin ko nalang its kinda difficult to leave someone behind. LOL. kinakabahan ako. LOL

Sign In or Register to comment.