I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Usual hatian for a 2+1 HDB unit

Hello, ask ko lang po sana kung magkano ba ang usual na hatian sa isang 2+1 na HDB unit (e.g. 50%-50%? 60%-40%, etc.), at ano po ba ang reasons (if ever meron) bakit ganun ang hatian dapat? Thank you in advance! Note: Rent sa unit lang po yung usapan so di po kasama ang PUB, internet, cable TV, etc.
«1

Comments

  • edited May 2017
    @renvillph depende yan sa sitwasyon..

    kung magkakaibigan kyo pwedi nman 50%-50% or pwedi rin 55%-45%
    (dalawa nman toilet so meron din privacy yung sa common)

    kung hindi nyo kaibigan yung maintenant at rerenta lang kyo sa kanya kahit magkano ibigay nya dun sa isang room wala kyo magagawa dun(ang choice nyo lang is take it or leave it) sya nman magsyo-shoulder ng bayad just incase wala sya mahanap mag rerent dun sa isang room..

    yung percentage ng hatian hindi rin applicable yan lalo na kung marami kyo sa isang room..
  • @renvillph yup depende sa usapan na lang ninyo :) paminsan rin kasi mas malaki ung isa sa pangalawa. pero kung hindi mo kaibigan, para siguro na lang walang masabi 55-45? hehe
  • @renvillph it's always based on your agreement. why not suggest 50/50.
  • @renvillph Sa sitwasyon ko currently is 40%. Share ko lang. 60% sa main tenant kasi kanila masters na mas malaki at me toilet inside. 2 of many reasons yun.
  • 2 rooms - 60/40
    3 rooms - 40/30/30

    ganyan samin dati..
    sa PUB pantay pantay ang hatian.

    kung may issue na ganyan sa bahay nio sa simula palang.. umalis na kayo hehe
    mahirap magkaissue about pera..
  • I see. Currently nasa 3+1 unit kami and bubukod ako together with a couple (na matagal ko nang friends) to look for a 2+1. So if ever: couple = master br, ako = common.

    Tinatanong po kc ako kung anong budget ko if ever. Gusto ko sya i-base sa kung ano yung usual hatian sa isang 2+1 na unit, and if ever may konting adjustment na lang to consider yung status ng mga tenant (isa lang po yung nagwwork dun sa couple).

    I think 55-45 yung itatake ko, with the reason na attached kc yung toilet ng master and shempre mas malaki room nila. Fair enough?

    @Kebs : ano pa yung other reasons for the 60-40 agreement?
  • @renvill sa sitwasyon ko eto yung mga napagusapan kaya 40% lang sken at 60% sa main tenant:

    1. occupy nila masters
    2. mas malaki room nila
    3. toilet inside their room
    4. hindi ko solo yung toilet ko outside my room, they are also using it sometimes
    5. Mas malaki space nila sa refrigerator
    6. Mas malaki space nila sa kitchen area and cabinet for groceries
    7. Mas malaki space nila sa shoe area
    8. 2 days schedule ko sa laundry, kanila yung 5 days.
    9. wala akong binayaran na agent fee, sila me sagot
    10. lahat ng consumables/repairs sa flat sila nag-aasikaso (ex. gas replacement, aircon cleaning/repair etc.)
  • edited June 2017
    liit na bagay..pati space sa shoe area kinukwenta..hehe..
  • @popoy - hehe uu brad, pero ok lang naman kasi mas maganda ng black and white lahat para maayos haha.. asa kontrata yan :smile:
  • hehehe tama ka sir @Kebs

  • sa 2+1 50%-50% maski may T/B sa master bedroom, kasi parang solo niyo na din naman yung common T/B dahil isang room lang ang gagamit nun. Mukha lang malaki MB dahil sa attached T/B pero mallit lang talaga difference lalo na sa 2+1 unit types.

  • @renvill sabihin mo na lang, normal takbuhan is 50-50 but since friend cya , gawin na 55-45 na lang :)
  • 55-45 fair na yun ksi nga nsa loob yung toilet ng master dna sila lalabas pag gabi, yung sa common lalabas pa pag magbabanyo, buti kung walang multo..
  • Hahahahaha multo amp
  • @Admin: Di po kc kaya ng budget ko pag 50-50. Kahit 55-45 sana kaya ko tinanong si @Kebs kung ano yung reasons na mas malaki ang share ni Master Room sa rent.

    Sa sole reason na "parang" solo ko na yung T/B ayon kay @tambay7 kaya dapat 50-50, di ako totally agree. Iba pa rin pag attached yung T/B sa room di po ba? Convenience, privacy (girl po ako and although hindi naman maarte at sensitive, shempre may konting pagbilis pa rin ng lakad pabalik sa room pag halimbawang may ibang bisita tapos kakatapos ko lang maligo hehe), and the thought na "I don't think na pag may bisita sila at mejo marami sila, lahat yun ay ima-make sure nila na sa Master's T/B lang mag-c-CR." ^_^
  • edited June 2017
    Sa case naman ni @Kebs, ang nakikita kong determining factors ng 60-40 ay yung numbers 9 and 10, which is malaking bagay rin.

    Sa case ko since sabay-sabay kaming kukuha nung unit, may share ako sa agent's fee (of course dapat same % as per agreement sa rent) and sarili kong bayad ang consumables ko.

    Worry ko lang is pag gusto nila 50-50 dahil tig-isa na kami ng bathroom at dahil wala namang trabaho yung asawa nya. In that case, i-propose ko na lang cguro mag 3+1 na lang (hanap ng additional housemate), baka mas makamura pa rin kaming lahat di po ba?
  • @renvill hindi talaga pwedi 50-50 unfair dun sa common..pag pinilit nila 50-50 sabihin mo nalang payag ka pero kaw sa master at sila sa common will see kung ano magiging reaction nila hehe
  • edited June 2017
    @renvill iba parin ang master, marami kang magagawa sa MBR na hindi mo magagawa sa common room. hehe

    kung mahilig sa aircon ung maiiwan, lugi ka hehe. pero kung hindi ka naman makwenta.. ayos lang yan..

    +pub cable/tv pa.

    depende kung malaki naman sahod mo :)
  • Share lang po experience ko. Ng dahil dyan sa inde pagkakasundo sa hatian sa rent, napabili ako ng HDB noon at sa ngayon kahit mas malaki share ko sa rent, ok lang kasi tinutulungan naman nila ako sa pangbayad ko sa HDB ko. Win-win situation. hehehe ....
  • Unang house namin sa SG 2+1, pero hatian namin is 50-50, may mga 2bedroom kasi na mas malaki ang cut ng Master , pagusapan nyo na lang. kung pareho naman ang size ng room. 50 50 niyo na lang.
  • madami magugulang sa nag papaupa.....meron dyan lalagay pa na meron wifi, may TFC....nungka di mo naman magamit ang TFC at yung nagpapa upa umuukupa ng buong salas....ikaw na mahihiyang gumamit at wala ka naman mauupuan...madalas pa yung nag papaupa ang nagamit ng TFC....kaya sa mga uupa wag kayo maniniwala na may TFC na kasama at dapat di kayo singilin sa binabayad nila sa TFC ang papakinabangan nyo lang is yung internet......at isa pa paalala sa mga uupa na may gusto ng aircon...tanung nyo at klaruhin nyo hatiaan ng PUB...pati na rin pag bukas ng aircon...madami dyan ang de oras ang aircon........
  • edited June 2017
    @Bert_Logan mukhang dika masaya sa tinitirhan mo ngayon? haha

    sakin iba parin ang MBR, makakalakad ka ng walang suot after maligo... :) (ratedpg)
  • delekado na Cavs ko..tsk tsk
  • @popoy don't give up, learn from last year. #defendtheLand
  • @Bert_Logan haha oo nga naaalala ko tuloy nung unang salta kame dito. halos puro ang gumagamit ng TV, d ka makasingit puro Disney at cartoon network ang pinapanood nila. unless pa extend sa kwarto nyo ng FREE. haha
  • @admin totoo naman madami magugulang na mga pinoy...kesyo mag advertise na may TFC kuno....pero nunka di mo naman magamit...mag aabang ka pa na wala nanonood or makikinood ka ....dapat lagay nila pag nag advertise...meron kami TFC kaso SAMIN lang....kung gusto mo makinood pwede pero antay ka pag libre na at tapos na kami manood.........haist buhay
  • olats nanaman cavs haist buhay
  • @Kebs Cavs in 7 daw sabi ni JR Smith Hehehe
  • pag umabot ng game 7 yan magpapakain ako sa lucky plaza, invited lahat ng makakabasa nito
Sign In or Register to comment.