I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Online job hunting

Hello! Newbie here. Planning to go to SG next month sana to try my luck. Went there before last 2013 pero for tour lang. As of now, puro online application pa lang ako sa job sites (Work experience: BPO for 5 years and Admin Asst. for 3 years.). Nag-backread ako sa previous threads dito about job hunting. From what I understood, talaga bang need nila SG no. and address sa CV? Mukhang malabo ako pansinin since I don't have both. Wala rin ako relative and super close friends sa SG :( Is it better ba talaga to be there to get an SG sim para mapansin ung resume? Thanks in advance!
«1

Comments

  • @krizelle same field tyo ng applyan balak nmin balik SG this july as per my friends mas maganda may SG address and no. para madali ung communications ni employer this is based on some of advises of friends
  • Mron tlga mga company na dpt nsa SG ka kc mbilis ang galaw dito dpt on time ka sa interview. meron din na pde thru skype kpg nsa pinas kpa pero bihira. Nsa pgaayos din ng resume yan dpt mauna yung skills/projects then work experience, certificates related sa previous work then school/awards and personal info, contacts. Nkita ko sa HR nmin na gnyan format ng singaporians.
  • @Abz0626 Ah talaga? Nice! So ngapply ka na rin ba before dun? Mahirap ba? Good luck sa tin :wink:

    @berdugo Thanks for the tip! Mukhang need ko nga din talaga iupdate CV ko. Pang Pinas lang version ko haha di pansinin abroad. Question lang uli, strict ba mga companies dyan when it comes to requirements like COE? Also, slim din ba chance na makapasa sa Call center industry ngayon dyan? Parang karamihan kasi need nila at least bilingual ng Mandarin :(
  • @krizelle di naman kailangan bi-lingual marami ako kakilala mga pinoy nag work sa call center di naman sila marunong mandarin...I believe basta maalam ka mag english
  • @Bert_Logan oh good! Thanks! Napansin ko lang kasi dun sa mga qualifications nila nirerequire madalas un. Btw, may mairerecommend ba kayo na companies na nagdidirect hire ng agents? Puro agencies kasi nakikita ko. Thanks in advance :smiley:
  • Hi im also from bpo kaso 2.5 yrs lang exp ko sa pinas. Pero may ticket nako to sg by sept 1. Mej konti lang exp ko pero di naman ako nawawalan pagasa. Hehe. Goodluck to us!!!
  • @krizelle not necessary, you can put your PH no. (whatsapp able), they can contact u there too.
  • edited June 2017
    @krizelle In my experience may COE ako pero hnd nmn kailangan ska depende prin sa company eh so mgprepare ka lng at better prin wag ka mgresign hnggat wla siguraduhan may malilipatan ka pero gnun tlga take the risk ika nga hehe. Kpg bilingual hinahanap eh mga local/PR eh I'm not sure pero mrami prin gsto mghire ng pinoy kc mgaling tau sa english. Problema kc dito sa SG wlang quota pero mrami nmn gsto mghire ng foreigners kc mssipag tau..apply2 lng :)
  • BPO/Admin Asst din experience ng friend ko. andito bf nya, so di sya gaanong gumagastos ng malaki pag nagjojobhunt sya dito. nakatatlong balik ata sya dito, di pa rin sinwerte until nagdecide na tumuloy nlng sa Dubai. Ayun nagkawork siya dun. diko sure kung nakaisang taon sya dun, bumalik ulit ng SG at nagtry ulit magjobhunt kasi nga andito si bf. and ayaw na nila ng LDR. kaso di pa rin sya pinalad eh. tapos nagtry ulit hanggang sa napagod na ata, ayun si bf na lang uuwi sa Pinas, ikakasal na sila. Anyway, ang point ko lang based sa experience ng friend ko mahirap nga. Kaya paghandaan niyo sakaling di kayo palarin. Although kanya2ng swerte at kapalaran pa rin yan. @berdugo kilala mo yung kinekwento ko haha
  • Hi @qwaszx nagwowork ka pa rin ba sa BPO? Oo nga eh good luck satin :wink:

    @carpejem I see. Sige i-note ko na din lang sa resume ko na they can contact me din thru whatsapp. Thank you! :wink:

    @berdugo thanks! Oo nga eh I know super laking risk talaga nito. Wala kasi assurance pero try ko pa rin. I resigned na actually last month. Freelancer na lang ako now kaya marami na ko time to job hunt hehe.

    Hi @maya Thanks for the heads up. In fairness ang tiyaga din ng friend mo ha hehe. Buti di sya nahaharang ng IO kahit nakailang balik sya sa SG? Supposedly, dapat Dubai plan ko kaso ung dalawang friends ko na andun before parehong nagsiuwian na dito. Retrenchment kasi dun kaya kahit antagal na nila sa company, natanggal pa rin sila. Kaya mgbabakasakali ako kahit SG lang. At least di ganun kalaki pamasahe and di na ko mag-effort pa kumuha ng visit visa hehe.
  • @krizelle naharang naun sa IO ng Pinas, di sya nakahabol sa flight nya. so nagbook ulit sya habang nasa airport, ayun nakalusot naman na. or minsan sinusundo sya ng bf nya. naranasan nya din magexit to JB, tapos dumiretso sa KL, from KL nagbook ng flight pa-SG, tapos pagdating sa immigration ng sg, na-office sya at binigyan lang ng 3days stay. saklaaappp. kahit gano sya kadesidido, di pa din pinalad. so saaaddd :(
  • but anyway, try nyo pa rin basta handang handa kayo emotionally and financially. ako din naman nung nakipagsapalaran dito daming sad stories, pero kung para sayo tlga, ibibigay sayo. tiwala lang.
  • @krizelle try mo monster.sg, gumtree.sg, singapore.job-q.com pnta ka din sa mga company websites at dun ka mgsend ng resume. Habang nsa pinas mgpasa 50+ a day kung kaya hehe @maya dko maalala yan eh haha
  • @maya Thanks Maya! Oo nga eh dapat talaga paghandaan :)

    Thank you @berdugo haha oo kakayanin ko siguro. Effort-an ko lang talaga paghanap. Kaso bakit pala ganun ung ibang opening like admin, ang offer na nkalagay is $1800 lang. Diba dapat $2200 minimum for s pass? Medyo naconfuse lang ako dun.
  • Yes po sa Convergys po ako august pa ako magreresign. Balak ko lang po talaga lumipat ng center dito sa pinas kaso tatry ko muna mag SG. If pinalad, thanks to God. If not, continue sa plan sa paglipat ng center dito sa pinas. Haha.

    Prayers lang talaga kakampi ko. At lakas ng loob. Kasi experience wise, 3 years lang overall work experience ko from hotel at bpo. Sabi ng SAT, kaya naman mag SPass. So ayun. Goodluck to us! Kung para sa atin yan, it will com hehe.
  • @krizelle ngtry lang ako ng market ntin nung ngvisit kmi ng 6days jan last may kasama na rin pasyal nmin kung baga para matest lang so far nman may tumawag sa akin sa insurance kaso nging malabo kc kulang tlga ung days nmin tpos 4rounds of interview pa kaya try ulit nmin pro mas longer stay kmi para maexplore possibilities goodluck tlga sa atin kc mdyo mahirap field ntin pero kakayanin tiwala lang and dasal para di masayang ung effort
  • @krizelle baka offer sa local ung nakita mo. and ung ibang company dito, idedeclare sa MOM sahod kunwari 2500 para maapprove,pero may secret agreement kayo ng employer na 1800 lang sahod mo kaya isosoli mo 700. Mahirap yun, nagrarandom check ang MOM, pag nahuli, patay. ganyan ung first offer sakin. Diko tinanggap, tsaka angliit ng 1800. Di ka makakabuhay ng pamilya nun.
  • @qwaszx I see. Oo nga eh. Try na rin diba ;) Good luck to us!
    @Abz0626 Ah really. Sayang naman. Ano un nagwalk in ka? Or online application? Mukha ngang mahirap tlga sa industry natin, marami ka-compete pero try na rin natin. Malay mo palarin diba :)
    @maya Mukha ngang for local. Marami ako nakitang ganun sa stjobs saka monster kaya di ko pinapasahan. Ang baba kasi plus yun nga alam ko mas mataas talaga dapat offer pag Spass. Would you know kung yung mga mobile companies like Singtel and Starhub ngaaccept ng application online? Saka ung mga companies sa linkedin?
  • @krizelle admin assistant kadalasan sa mga local na work yan. medyo mahirap lang maghanap ng mga ganyang work dito..

    @maya marami dito na below 1800 lalo na sa mga fnb, pero nabubuhay parin pamily nila :)
  • @Vincent17 ah ganun ba? Baka sa customer service na lang talaga ako magfocus apply. Since mas matagal naman experience ko sa BPO. Hopefully makahanap :) Thanks Vincent!
  • @krizelle pwede mo applyan pareho.. swertihan lang..

    sobrang hirap maghanap ng work dito. handa dapat ang loob nio, kung hindi man kayo makahanap ng work.
    dapat minimum 50x online application. :)
  • @Vincent17 haha yun nga eh. Nagiisip na ko ng plan B kung di man swertihin sa SG. Plan ko rin magcheck sa Malaysia, though i'm not sure kung okay na option yun. Also, yang minimum 50x online application,di ko pa nagagawa haha. Konti pa lang naaapplyan ko. Need ko talaga karirin yan :smiley:
  • Kaya yan.. tsaga lang.. pag nandito kana mararanasan mo yan..

    GL and GBU
  • PTP. admin.

    Ask ko lang po kung effective pa dni ba ang walk in applicant.
  • @krizelle yup online diskarte nmin ni misis kc mdyo mahirap daw ang walk in eh. pero syempre try pa rin ntin di rin natin masasabi if ever kita tyo dun same din tyo ng diskarte if ever ngccheck din ako sa Malaysia kc andun daw mga BPO ngyon kso di rin ako sure ng mga diskarte dun
  • @Abz0626 sige balitaan mo ko ha. Good luck sa tin :)

    Salamat! @Vincent17 :smiley:
  • @krizelle Be positive lang palagi.Swertihan lang din talaga makakuha ng work dito.
  • @Jareed yung kaibigan ko nagtry mag walk in dati kaso di sya nakakuha kasi puro lokal at PR lang daw ang hinahanap.
  • Effective pa ba ngayon ang walk in interview? meron kasi nag walk in sa office na pinoy. ask niya "any job vacany, any position?" after she left, sabi ng boss ko why are you pinoy always do like this. smile nalang ako.
  • Thank you @ezzy
    Btw, question lang uli, since andito pa ko sa pinas,pwde ba ilagay sa cover letter ko na i'm still here in the philippines but will be in singapore next month. Tapos for now, they can reach me thru whatsapp or viber?Or email? Okay lang ba un? Salamat!

    Hello @Samantha1 saang industry ka pala?
Sign In or Register to comment.