I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Insurance Company Interview - Financial Management Consultant

Hindi ko inapplyan, nakita daw CV ko sa jobscentral. Nagresearch ako bago nagpunta, so ayun, nagaattend pa rin ako ng interview, confirmed magbebenta nga ng insurance yung trabaho. No experience required, trainings will be provided. Dati nako insured under sa company na ito, and gusto ko yung idea na maraming pwedeng matutunan sa trabahong ito kasi maraming trainings. Papatulan ko sana. Kaya lang hindi pala madali yung process. May apat na exam na kailangan ipasa para magka-license as required by MAS. May series of interview pa - initial interview, interview with the Director and another panel interview. Tapos saka pa lang iaapply yung work pass kapag naipasa mo na lahat. May basic salary, pero mas mataas na basic salary, mas mataas din ung quota. Aabutin ng 2-3mos ung process. So naisip ko, parang hindi para sakin ito. Bukod sa kailangan ko na makahanap ng work asap, wala naman akong malawak na network na pwedeng pagbentahan ng insurance para maka-hit ako ng quota. Gusto ko lang i-share, para sa ibang andito. May mga kakilala kasi akong dating engineer, dating IT, tapos naging successful sa career na ito. For those who are interested, baka para sa inyo ito.

Comments

  • Isang drawback dyan is kapag di mo na hit yung quota ng dalawa or tatlong buwan, ikakancel nila pass mo. Mahirap po yan.
  • @AhKuan yup naging honest naman yung naginterview sakin and sinabi nya yan. na under probation for 3mos, pag di nahit ang quota, icacancel ang pass.
  • nung nag apply ako ng job d2 sa sg isa din yan selling of insurance ang offer sa akin. yung masaklap is may quota sila pag d mo na meet talagang icacancel yung pass mo. although malaki yung sahod na offer nila pero hindi assurance ng job naman ang kapalit. =(
  • @maya toxic job and not for everyone
  • Hello @maya and everyone! Salamat sa overview. Kagagaling ko lang sa AIA Tampines kanina. Bale pagpasok ko, nagfill up ng personal info form at behavioral test. May naririnig din akong mga pinoy sa office. Tapos mineet ko na ung boss nila. Medyo mukhang toxic ung boss. hehe. Anyway, straightforward siya sakin. The goal is to sell insurance plans to fellow Filipinos. Exams muna na aabutin ng two weeks. Katulad ng sinabi ni Maya, wala akong malaking network na pwede pagbentahan. Naisip ko rin talaga weakness ko ung pagform ng network at sales, pero willing pa rin naman ako matuto since kelangan ko rin para maextend stay ko dito. Medyo tricky talaga. So, kung may two weeks of exam pa ko plus ave processing time ng work pass, ibig sabihin kukulangan until july 18 para makapagsimula ako?
  • @CD25 Kung maipapasa mo po yung apat na exams in 2 weeks, treat po kita. Isang buwan kasi yung pinakamabilis na alam ko at medyo familiar na din siya sa financial industry dito a sg. Yung iba anim na buwan.

    Good Luck !!!
  • @CD25 wala ba sila quota/target na dapat makuha mo? if meron, pano pag hindi mo nakuha yung target ano gagawin syo?
  • @AhKuan - Oh, so minimum lang pala ung 2 weeks, kung magaling ka talaga? Paano kung di ko pa naipasa ung exam eh mageexpire na visit pass ko, e di wala na?

    @popoy - hindi ko naitanong un eh. alam ko macacancel ung work pass mo. feeling ko nag alangan na rin ung boss sakin kasi until july 18 na lang ako tapos halata naman kasi malayo ang life science skills ko sa insurance. hehe
  • @CD25 Inde po minimum yung 2 weeks. Panu mo maipapasa ng 2 weeks yung apat na exams lalo na kung baguhan ka dito sa sg? Yung exams ay tungkol sa MAS regulations dito. Sa pagkakaalam ko, yung unang take ng exam lang ang sagot nila. Kapag di mo naipasa, kaw na sagot ng retake. Inde rin po madali yung apat na exams.
  • @AhKuan Salamat sa information. Tricky nga kung ganun. Antayin ko na lang siguro ung result nung isang interview ko.
  • @CD25 patient is virtue , wait mo nalang result
  • edited June 2017
    passing the exam is one thing, doing the actual selling is a different story. may mga tao talaga na nag eexcel sa sales, at kung hindi ka nag eexcel sa sales wag niyo na subukan, sayang din kasi yung months na gugugulin mo tapos eventually babalik ka kung saan ka magaling, sales is different, minsan iisipin mo inherent talent ng tao yun, di matutunan. wag na subukan kung ang main goal lang is to get a job, kilala niyo sarili niyo, alam niyo dapat kung kakayanin niyo mag benta at makaka benta kayo to meet the quota, nakaka stress ang pag iiisp ng quota.
    tanungin niyo kung bakit nghi-hire ng pinoy na ang target eh magbenta sa kapwa pinoy, kasi over insured na mga tao dito, kaya foreign workers na ang isa sa mga target, marami din iniisip na factor mga kapwa pinoy bago kumuha ng insurance dito lalo na kung di ka naman PR/Citizen,
  • @carpejem Tama. Sabi nung isang employeer, baka next week ilabas na result. crossing my fingers.

    @tambay7 May nakilala rin akong Singaporean, nagwarn din na wag basta-basta magdecide sa ganung offer. Tingin ko magiging toxic para sakin kasi hindi ako designed for sales talaga. Although highly probable naman talaga na pinoy ang target ko, medyo naoff din ako na feeling ko ipipilit ko sa kapwa ko pinoy ung insurance knowing na marami silang priority over it.
  • @CD25 ang sabi ng naginterview sakin aabutin 3mos ung process. Kasi isang module pa lang, need mo daw 1-2wks review. Eh apat na exams yun. Di lang yun. May interview pa sa kataas taasan. Application of pass pa. So kulang tlga isang buwan. Isipin mo nlng ung mga nakakasalubong mo sa mrt or malls na nanghaharang ng mgavtao tao, ganun daw kpg may roadshow. Haha for me di ko kaya yun.
  • Oh, ang tagal nga. -_- Ang mga taong dating kapatintero ko sa mall ngayon magiging katulad ko na.hehe. Thanks @maya.
  • Tsaka pala nabanggit ng interviewer na ako muna magshoulder ng expenses sa exam. Pag nakapasa nako at nagdecide cla i-hire ako,saka pa lang irereimburse. Pag di nakapasa, sorry nlng.
Sign In or Register to comment.