I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Racism in SG ?

May nakaranas na ba nito sa inyo? Or any negative treatment dahil pinoy ka? Paano nyo dineal? Paano ba dapat ideal ang ganitong bagay. Meron bang government office na pwede pagreportan nito? Di naman ako papaapekto ng bonggang bongga if ever, pero maige na ang handa sakaling makaranas ako, lalo at nakakabasa ako ng similar situations online. Maraming salamat sa sasagot!
«1

Comments

  • Kahit saan po may ganyan na nangyayari di lang po dito. Wag po masyadong magpapaapekto kung sakaling makaranas ng ganyang situation. Kung sa trabaho naman mangyari, kung kailangan talagang ireport, magsumbong sa HR.

    Kung sa kalye naman mangyari, bidyuhan mo si mokong at i Stomp mo na lang.
  • tama si @AhKuan hindi lang ditto nangyayari. Basta meron minority sila palagi na may tendency ma a-api.

    guilty din tayo dyan, lalo na sa manila, pag tinatawanan ang mga taga bisaya or taga probinsya, oh diba?
  • @Suddenly_Susan baka po discrimination nman yung sinasabi mo hehehe..
  • yeah pero the same psychology is in play there...
  • if you are racist against blacks for example, and you genuinely want to change, you should try and live in Africa for a little while and immerse yourself.
  • edited June 2017
    " Di naman ako papaapekto ng bonggang bongga if ever, pero maige na ang handa sakaling makaranas ako,"

    weird lang na pinapangunahan mo na or ine-expect mo na, hindi yan common actually, in my experience mas majority pa din ang may respeto dito sa kapwa regardless of race, may mga exceptions yes kaya lang nagmumukhang marami kasi syempre binabalita dahil nga exceptions siya, pero yung norm na mutual respect ng bawat isa kahit anong lahi pa di naman binabalita hindi ba.

    mutual respect lang dito, hindi yan pinaghahandaan na kailangan alam mo agad saan mag susumbong, if you show mutual repect sa lahat they will reciprocate or at least mahihiyang tratuhin ka na inferior, again my exceptions pero not as concerning as you expect it to be.

    at gaya nga ng sabi nila Susan at AhKuan, hindi lang dito ngyayari yang exceptions na yan, I'm sure sa Pinas maski ikaw may mga prejudice sa ibang kababayan, like kunwari yung iba sa atin mababa tingin sa mahihirap, or sa mga bisaya, or sa mga kapampangan, or s amga ilonggo, or sa mga ilocano, or sa mga taga mindanao. Happens everywhere, pero kung ikaw mismo mina-manifest mo ang mutual respect sa kapwa you will invite the same respect.

    " pero maige na ang handa sakaling makaranas ako, lalo at nakakabasa ako ng similar situations online."

    wag ka pa apekto sa mga nababasa mo, most of the time yung fear na dulot ng mga negative na nababasa mo eh mag re-result na magiging iwas ka sa ibang lahi o lokal dahil sa takot ka na ma trato as mababa or maging sudject ng racist treatment, dito kung nakiki interact ka,at nag paparticipate ka sa racial harmony and integration you will not invite that treatment, you will invite respect, at mas magiging masaya at remarkable pa ang stay mo dito sa Sg.
  • Racism is discrimination based purely on race. Discrimination is the ability to make distinctions.
  • basta it's better na lang to embrace diversity. The world would be so boring kung pare pareho lahat mga tao.

    para lang yan buhok sa kilikili ng mga gwapo.. minsan manipis, minsan magubat, just enjoy it all!

    May everyone have a blessed day (happy vibes kakabalik ko from pinas eh :-) )
  • hehehe @Suddenly_Susan wala bang tuyo at longanisa jan..
  • meron @popoy vigan at lucban longa! yung extra garlicky....
  • "sorry subscriber cannot be reached, please try again later" haha
  • hahaha @Suddenly_Susan kaloka yung 'buhok sa kilikili ng mga gwapo...'
  • pero kung ikaw mismo mina-manifest mo ang mutual respect sa kapwa you will invite the same respect.

    - Natumbok ni Boss Tmabay. #LawofAttraction
  • ung lumalayo sa mababahong.. alam nio na.. racist ba tawag ka doon? :)
  • you just have to adjust your tolerance in higher lever. Unfortunately, racism is everywhere, you just need to hold it.
  • Tama, baka halos lahat if not all of us ay may prejudices sa katawan...I am trying to overcome my own. Di ko pa lang naranasan na maging subject ng possible racism lalo at I have never been an OFW. Baka kasi mas mahirap ang epekto pag nasa ibang bansa at working ka, where you might be left with little options but take it in. Sa mga pinuntahan kong bansa di pa ako naging subject thankfully pero dapat talaga makiinteract with respect. I will make sure to exhibit mutual respect, and high level of tolerance lalo at wala ako sa sarili kong bansa. I will take note of all your words mga kabayayan ko. @Suddenly_Susan salamat pero I will go for manipis or shaved haha.... Maraming salamat sa mga wise input at sharing. I love learning from you all. @ekme @AhKuan @popoy @tambay7 @alingnena @Kebs @carpejem @Vincent17 Maligayang araw ng kalayaan. Freeeedoooom!
  • @reeaahh Ipagdiwang ang Kasarinlan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tunay na diwa ng isang Pilipino- Resiliency!
  • yes! ipagdiwang..champion na GSW..
  • edited June 2017
    stigma ng mga locals sa pinoy dito. meron ako kakilala na local at mga local friends nya esp naglalaro ng mobile legends game kapag pinoy = put tank in mall (put*ng in* mo). yung iba maka pag stare sayo parang may utang ka sa kanila. kaya sa mrt at bus hindi ako nag sasalita lol. meron naman iba hindi nag gegeneralize.
  • feeling ko mas kawawa mga anaps kesa sa pinoy ditto...

    @reeaahh try mo yung mabuhok, mas kumakapit yung musky smell nakakakilig :-)
  • Sabi ni KD re Curry, "he's a big dog... Gotta start respecting him...."
  • Discrimination is treating a particular group of people unfairly because of the category they are in. Unfortunately, there are many different categories people use as the basis for discrimination. The most common ones are:

    Sex/ Gender – Discrimination based on gender is called sexism. A sexist person believes that a particular gender is superior to the other.
    Age – Discrimination based on age is called ageism. An ageist person believes that a particular age group is superior to the others.
    Race – Discrimination based on race is called racism. A racist person believes that a particular race is superior to others.
  • sa pinas mas malakas ang discrimination, in terms of physical appearance. Kapag pango ilong mo, kapag pandak, kapag kulot buhok, kapag maitim kawawa ka. Mas mainam pa dito sa SG wala kahit pangit ka ok lang.. :p
  • Super agree @bobong ang lakas ng bias nating pinoy.
  • @bobong yan ang malaking differentiator talaga ng SG over PH, sa Pinas kapag pumalo ka ng 40 hirap ka na makahanap ng work, tapos kapag pandak ka, maitim, hindi maganda, hindi payat/fit/sexy, naku mas lalo pang mas mahirap. Dito matanda, pango, ngongo, obese, payatot, maitim, may tsansa makapag trabaho.

    Sa Pinas ultimo saleslady/salesman sa mall at promodizer kailangan nakatapak ng kolehiyo, di pa regular sa trabaho, bukod pa yun sa requirement na kailangan fuckable ang itsura at hubog ng katawan mo.



  • Kahit san at kahit anong race nadidiscriminate. Nasa tao talaga kung stereotype or hindi. :) yah satin din mga pinoy mahilig mag discriminate. Pansin ko ung iba pag d taga manila na titira ang pag katao. Pero sa totoo lang maraming mga hindi taga manila akong nakilala dito sa sg. Bawasan rin natin ang pagiging balat sibuyas. Guilty ako sa pagiging balat sibuyas. Onti d maapreciate dati , tampororot nako. Or paminsan pag hindi maganda sa pandinig ang lumabas sa bibig ng ibang lahi. Tampo na agad. Haha. Iba talaga training ng mga pinoy dito sa sg.
Sign In or Register to comment.