I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Returning to Singapore after Cancelled Pass

Hi,

This is not for me po. May pinsan po kasi ako nag resign sya sa work nya, and kinancel ng company nya yung pass nya and was given 30-day SVP.. so naghanap po sya ng malilipatan, knowingly, na mataas yung chance na makakuha sya, pero unfortunately hindi sya nakakuha..

Nung 14 September umuwi po sya since expired na yung visit pass nya on that day, we tried to apply for extension pero na reject po sya.. wala naman po naging problema pag labas nya ng singapore.. Ngayon po may tumawag na company requesting for an interview sa 26..

Ang tanong ko po, sana matulungan nyo kami.. Kung babalik ba sya dito sa Singapore as tourist on the 24th, papayagan kaya sya ng Singapore Immigration na lumabas ng airport? Balak namin, mag-hotel accomodation pa rin sya, tapos yung forward ticket nya pa vietnam, para hindi po ma question na mag babakasyon lang talaga sya and onward destination nya is Vietnam.. Effective po kaya yun?

Thanks for those who will answer.

Comments

  • medyo mahirap yung case nya ksi araw lang ang pgitan tas papasok ulit sg buti sana if meron na sya Letter of Employment or Offer. if incase decided na sya at willing sya mag take risk minsan mas mapapaganda pa if magsasabi nalang siya ng totoo.
    kung makakahingi sana sya invitation letter from the company gsto mag hire sa kanya or kahit print nalang niya yung email galing sa knila. atlis meron sya pe-present sa immigration dito.

    ang magiging problem mo lang is yung papalabas sa pinas, maganda nga cguro if from pinas to Vietnam then to sg.
  • Hard to tell po. Walang nakakaalam kung panu nagsususpetsa ang Immigration Officer. Kung 8yrs back walang kaso. Pero lately dami kong nakikita sa ibang thread na pahirapan na pala talaga. Kung may hotel cya sigruo naman ok lang.
  • Thanks for you answer.

    Meron syang letter an hawak from the company na gusto mag hire sa kanya, pero di po kaya kwestyunin sya lalo nun kasi talagang intention nya is work.. ang alam ko po hindi na acceptable yung may letter for interview ka eh..

    Nahaharang po pala sa airport sa atin yung ganun?
  • Thanks Admin, sabi nya willing to take the risk naman daw sya.. sana lang talaga makalusot sya papasok dito..
  • Bat inde na lang mag request siya ng online interview (e.g. Skype, Hangout, facetime etc.) para mas sigurado siya at kapag may ipa na, saka na lang siya bumalik ulit dito.
  • @bienbullicer, ok din yung suggestion ni @AhKuan na kung puwede naman siguro magrequest siya ng interview sa employer tru phone, viber or skype. as i have experienced, may naging 2 interviews ako from sg sila mismo ang nagsabi sakin na tru tawagan at magskype daw kami. it was 4yrs ago pero tulad din ng sa pinsan mo, pinacancel ko yung pass ko dun sa isa kong employer na natanggap ako, pero nandito pa ko sa pinas nun.
  • nag try na kami mag sabi sa company pero ayaw nila, mas gusto nila yung personal interview.. may practical test kasi sa pag drawing.. kaya mahirap din talaga position nya.. anyway, naka book na sya for this saturday, sana lang walang maging problema.. balitaan ko na lang kayo.. ang ginawa nya nag book sya ng onward ticket to macau tapos to pinas.. may hotel booking din sya dito sa sg if ever.. magastos, pero sayang yung interview sa monday kung mamimiss nya.. risk na lang talaga.
Sign In or Register to comment.