I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

pagbabalik sa Singapore

edited August 2017 in Working and Job hunting
Hello guys

Isa po ako sa mga nagtangkang maghanap ng trabaho sa SG pero di ako pinalad sa unang try ko kasi na reject yun pass ko.Dahil doon bumalik ako ng Pilipinas. Pero yun company na pinasukan ko balak nilang i-reapply yun pass ko .Ang tanong ko po ano po kayang magandang gawin para di ako paghinalaan sa immigration natin?..kung sakaling magkaIPA ako ..

Comments

  • 1. Maging confident po sa pagharap sa IO satin at wag pahalata na may iba kang plano sa pagalis bukod sa pag tour. Tourist mode dapat palagi kapag humaharap sa IO.

    2. Pwede din mag divert ka muna sa ibang bansa bago sa sg subalit magastos nga lang.

    3. Dumaan sa legal na paraan at magparehistro as dokumented OFW.

  • pano po ba yun legal way kung direct hire?? ano po yun step by step process?? salamat
  • edited August 2017
    you can call or go down to poea and ask for the process. sila ang makakapagadvise sayo ng process.
  • May nkapag try nba nito ...mag apply muna sa pinas ng OWWA.Pag direct hire ka?
  • "The requirements are the following: passport, work visa or work permit, employment contract verified or authenticated by the Philippine embassy or Philippine consulate in the country of your destination. You are also required to undergo a medical examination by a DOH-accredited clinic or hospital and a pre-departure orientation seminar (PDOS)"

    Yung employment contract dapat yung terms ay approved ng Phil embassy. tawag ka sa embassy kung ano yung terms. and then ask your company if they are willing to draft a contract for you with those terms.
    KKLK
  • edited August 2017
    Hi @jd123, medyo pareho po tayo ng naging sitwasyon. Pwede po ba magtanong kung ano naging update sa pagbabalik nyo ng SG? Paano po kayo ulit nakabalik ng SG (if nakabalik na kayo)? Salamat po sa advise. God bless
  • ako 2 years na nag work dito bago ako finally nagpa register sa POEA lol. ayun nga kung hindi ka registered keylangan mo mag bayad ng terminal fee at travel tax at keylangan marunong mag chika sa IO para di ka harangin (eh hindi na man ako palagi umu uwi satin so keber lang ako)

    if I recall yung steps etoh yung ginawa ko.

    1. nag sign up ng account sa bmonline website. dun mismo ako nakapagset ng appointment sa POEA (dun the harap ng Robinsons Galeria sa EDSA) ginawa ko to while I was on vacation.
    2. punta ko sa POEA, binigayan ako ng form, kung meron ka na appointment diretcho pasok sa loob sa time allocation mo. kung wala kang application I think hintay ka sa labas with the crowd.
    3. Mabilis lang pag pasok. naka batch na kayo, so tayo na lang pag tinawag na number mo. 10 minutes lang siguro ako nag hintay.
    4. ang hiningi sakin: Passport, actual employment pass ng SG,actual contract (original version from 2 years ago ha! pero photocopy lang meron ako so no choice sila tinangap din photocopy) and company ID
    5. after nun, they will give u a slip para pumunta ako sa window sa labas para mag bayad ng OWWA insurance/membership plus OEC (pero ngayon wala na yung OEC)

    and that's it. 5 years na ao ditto at di na ako bumalik pa sa POEA ever. tapos ngayon yung OEC exemption na lang sa bmonline
  • @_taratitat_ hindi pa ko nakakabalik eh antay pa ipa
Sign In or Register to comment.