I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Duplicate Pass Application

Guys,

Sorry, pero alam ko duplicate na tong topic. Naalala ko nabasa ko na tong scenario na to kaso hindi ko lang makita ung thread.
Ito ung case ko ngaun.

I was interviewed by 2 employers, (I'll call them Employer 1 and 2).

Employer 1 interviewed me (Aug. 10) I am under a recruiter. And nung Aug. 15 the recruiter asked me to run SAT (self assessment tool) and input the salary based on what we discussed during interview. Then asked me send them the screen shot of the form and results, result sa SAT is possible daw S-Pass lang ako. Hindi naman nila sinabi na i-aapply na nila ako sa MOM, hindi din kinuha mga docs ko (COE, TOR, Diploma, etc.). Medyo mahirap ung coordination, via recruiter kasi ako kay Employer 1 at medyo tamad magreply si recruiter kahit everyday ako halos nagpafollow-up regarding status.

Then the following day (Aug. 17), nainterview ako ni Employer 2, on that same day kinuha nila ung documents ko then the next day (which is today, Aug. 18) i-apply daw nila ko for Pass.

Ang problem ko ngaun, nagfollow-up ulit ako ngaun kay recruiter for Employer 1 and sabi nag pass na sila ng application sa MOM nung Aug. 15 pa. Pero wala sila binibigay sa akin na FIN or reference number para ma-check ko. Then ang sabi pa, nag adjust daw sila ng salary ko pra lang sa application, as is pa din ung initial na napag-usapan namin sa salary. (Parag mas nagduda ako kung dapat pa ba ako tumuloy sa kanila)

Ang prefer ko kasi sana na company ung Employer 2. Tapos madali sila kausap, direct, and permanent din kasi sa kanila.
And gusto ko ung role nabigay nila.

Ano best na gawin?
Kausapin ko ba si Employer 1 to cancel para maprocess ni Employer 2 ung pass ko? Ang alam ko hindi pwede 2 applications for the same person.
Or may way para mapacancel ko application ni Employer 1? Although nanghihinayang ako kasi alam ko mahirap kumuha ng work.
«1

Comments

  • @nomad0430 At that, did Emp1 applied your pass already? actually both Emp1 & Emp2 can apply your pass. If ever Emp1 approved first, you need to ask them for cancellation. Pag di naman na approved, then wait for Emp2.
  • edited August 2017
    @carpejem
    Salamat sa bilis ng response mo ha... :)

    Oo, as per recruiter, Employer 1 has already filed for Pass since Aug. 15 pa. And they made adjustments pa nga daw sa salary since hindi pwede sa E-Pass ung offer nila. Pero wala naman binibigay sa akin na kahit anong information about the application.

    Allowed pala ung 2 applications from 2 employers for the same employee?
    Since nauna si Employer 1 magpasa sa MOM at kung hindi na-approve, automatic pala ikoconsider ni MOM si ung application ni Employer 2 naman? At kung ma-approve naman, ipacancel ko na lng...

    Pwede pala wait and see ako, then act base on the outcome?
    Kaso 11 days na lang ako dito. :(
  • @nomad0430 sensya na busy eh kaya mabilis response.
    Minsan, pag dika pwede sa Spass, talagang Epass ka ipapasok, pero ibang usapan na naman yan, need to increase your declared salary.
    Allowed naman, pero once na na-approved or under process yung isa, ma-pending naman yung isa,
    Just wait nalang. You can actually wait Pass online
  • @carpejem
    Ah, common work around pala ng employer ung adjustment ng salary.Medyo kinabahan ako eh, halos abot kamay na kasi baka mamaya dahil dun pa ako madali.

    Tiningnan ko kasi sa MOM site, kailangan ng FIN. Hingin ko na lang kay recruiter para mamonitor ko agad and ma-pacancel ko if in case ma-approve?
    * NRIC No / FIN / Malaysian New IC No
  • Subukan mong iLagay passport number mo. @nomad0430

    ask kolang both EP ba ang offer sayo?
  • Base sa salary offer sir, hindi. Pang s-pass lang pareho. Although mas mataas bigay ni employer 2.

    Pero goal ni employer 1, maapprove ako for epass, pero walang adjustment sa totong salary.
  • Nagtry ako sir gamit name and passport #, naredirect ako with 3 options and provide either: FIN or application number or travel doc number.
  • mukhang may milagro sa Emp1, talo ka nyan sa bayaran ng tax.

    paapply kna sa Emp2, pero sabihin mo ung totoo na my pending EP ka sa emp1.
  • Oo nga eh, tsaka via recruiter lang ako kay employer 1.

    Actually sir during interview sinabi ko may isang employer na nagpatry na mag SAT sa akin kaso walang confirmation kung iaapply na ako ng pass.
    Sige contactkin ko si employer 2 sabihin ko na nagconfirm na si employer 1 na nagpass sila sa mom.
  • @nomad0430 regarding sa Tax, if ever ma-approved ka sa Emp1 (pag-usapan nyo yan), as told you earlier pwede mo naman pa cancel yun sa tingin mo na not fair to you.
    Try mo online, if wala kang FIN, pwede kang mag pa suyo sa mga kakilala mo na may pass or PM mo ako, icheck ko
  • Guys, si Employer 1 kasi hindi pa kinukuha ung mga docs ko (COE, TOR, Diploma) pero meron na sila resume ko (employment records with dates, certification numbers with dates acquired) and they also asked for my passport number from day 1 pa lang. Enough ba magpasa si Employer 1 ng application kay MoM kahit un lang info nya at wala sya copy nung mga docs ko?

    Pag hindi pwede, at least alam ko na hindi seryoso tong kay employer 1. Bka fall back lang din ako ng mga to.

    Kay Employer 2 kasi hiningi na nila kahapon ng hapon, kaya tingin ko seryoso sila na ipapasa talaga nila ngaun.
  • @nomad0430 nagfillup kanaba ng work pass application form both?
  • edited August 2017
    @Vincent17

    For both, wala pa sir.

    For Employer 1 = wala pa ako nafill-up na Work pass application pero pinatry ako Self Assessment Tool, then hiningi screenshots nung form at results.
    For Employer 2 = wala pa ako nafill-up na Work pass application. or SAT.
  • @nomad0430 ahh ibig sabihin hindi kapa inaapply ng pass ng employer1/2

    kasi ang pagkakaalam ko need iattach ung form sa pagapply ng pass.

  • edited August 2017
    @nomad0430 Hiningi na ba ni Emp 1 and 2 ang passport details mo? Kung di pa nila yan hinihingi sayo, di ka pa nila naiaapply.
  • @Vincent17
    Ah, ganun ba.

    Sige basahin ko din ulit ung FAQ sa MOM site. Baka may namiss naman ako.
  • edited August 2017
    Kung inapply ka na nila, Ask mo yung HR kung pwede ba kamo ibigay sayo ang ang application number, para pwede mo macheck sa EP online using option 3.
  • edited August 2017
    @ezzy
    Employer 1=passport #, expiry nabigay ko na day 1 pa lang. Pero wala sila copy ng any docs.

    Employer 2 = kumpleto na sila scanned copies ng docs ko, passport, coe, tor, certificates.

    Pero for both employers, wala pa ako napirmahan na work pass application. Based sa advised nila kailangan pa may pirmahan ako na form (work pass application form) before makapagsubmit ang employer ng application.
  • Maramig salamat sa inyong lahat guys.

    Sige, makipagcoordinate pa ako sa employers, especially kay employer 2. Para mauna sila ng application kung talagang interested sila ihire ako.
  • @nomad0430 Sa pagkakatanda ko nung 1st time ako iaapply ng pass noon, kinuha yung details ko tapos HR na nag fill up ng form.Nung naapprove na saka lang ako may pinirmahan.Good luck sayo!
  • Salamat sa inyong lahat.

    I-follow up ko na lang mga employers. Wag titigil until may Pass at contract na.
  • @nomad0430 check mo online kung na apply ka na
    Use muna your friend's fin and name kung wala ka pang name
    Tapos i key in mo ang passport no mo sa travel document no and lalabas kung meron or wala

    Re sa declaration ng salary and actual salary, i suggest inegotiate mo. Dapat kung ang declared ganun ang makukuha, kapg nagkaalaman ikaw ang dehado

    Minsan kasi kapit patalim na tayo pero hindi natin alam ang implication neto in the future. Kung hindi kayang ibigay ng employer hanap ulet ng iba.
    Mahirap maghanap ng work pero mas mahirap kung ma ban ka sa singapore dahil pumayag ka sa kalokohan ng employer.
  • edited August 2017
    @kurdaps
    Salamat sa advice.

    Sige, kausapin ko din ulit sa monday ung employer 1, nag ooffer na din kasi na idirect/permanent na lang ako. So baka hindi ko nai-entertain ung plans ni recruiter. Tama kayo, risky din.
    Pero sana kahit isa dun sa offer sa akin maging successful, un talaga pinagdadasal ko ngaun.
  • Good morning guys, nakapag-submit na pala si employer 2 ng work pass application ko. Sana ma-approve bago ako umalis sa 30th.
    Baka may suggestion kayo, in case hindi ma-approve ung work pass before expiration ng visa ko, mas ok ba umuwi muna ako sa pinas while waiting?
    Iniisip ko kasi kung sa KL or Thailand, baka matagalan ung approval (3 weeks to 1 month daw). At baka hindi din ako papasukin ng ulit ng SG kung may pending work pass application pa din ako.
  • @nomad0430 Suggestion ko wag kang mag-isip ng negative! Trust in GOD.
    Anyway, (incase), pag-uuwi ka sa Pinas, hindi mo naman pwedeng ipakita yung IPA (approved Work Pass) mo sa IO, i-redirect ka nila sa POEA, Although safer kaso you need to wait for the process. Bumalik ka nalang dito as Tourist (need to buy RT). Pareho din yan kung sa MY or THAI ka nag exit. Sometimes matagal narin ang processo sa MOM.
  • Just wondering po, if naaprove na ba yung pass mo @nomad0430
    Umuwi po ba kayo pinas or exit ibang bansa?
  • Pending pa din.

    Uuwi na ako ngaun sa pinas. Antayin ko na lang dun.
  • @nomad0430 na try nyo po ba online extension ng short visit pass?
  • Also ano pala field mo? IT po ba? @nomad0430
  • Oo, nagtry ako online extension, kaso rejected. Sa IT ako.
Sign In or Register to comment.