I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Need advice for Room Rental issue

Gusto ko lang po manghingi ng advice kasi ngayon aalis na kami ng girlfriend ko sa room na nirerent namin (magkahiwalay na room). Nagbigay kami ng 40 days notice sa (PINOY)main tenant namin, pero ang problema paalis na kami wala pa ding nakukuhang kapalit. Di nya daw ibabalik yung deposit namin hanggat walang kapalit. Hindi po ba unfair yun kasi pinapasa nila yung responsibility samen, e in the first place dapat alam nila ang risk ng pinasok nilang pagpaparent. Buti po sana kung hawak namin ang presyo, e kaso halos lahat ng nagtanong ang sinasabi kung pwede daw ba babaan yung rental fee which is beyond our control na po. Ginawa naman namin part namin, tinulungan namin sila maghanap ng tenant na papalit simula nag notice kami. Any advise or suggestions po? Salamat!

Comments

  • @engrmic meron ba kyo contract nung main tenant? if wala, pano ba usapan nyo nung tumira kyo sa kanya?
  • @engrmic 2 rooms pala mababakante mabigat sa kanila yun. intindihin nyo nalang emotions nila, baka nasabi lang nila yun kasi worried sila.

    pero kung sumunod naman kayo sa kontrata, hindi nyo na yan prublema and ginawa nyo naman part nyo.

    Check nyo to baka makatulong - https://www.99.co/blog/singapore/landlords-withhold-security-deposit/
  • @engrmic kasama ba kayo na pumirma sa Tenancy Agreement (TA). I believe wala kayong contract with them. Pero kung kasama kayo sa TA, ibang usapan. Kung ako Main Tenant (MT), i hohold ko din ang deposit hanggang may kapalit. Kausapin mo nalang ng MT na ibabalik yung deposit after na makakuha sila ng bagong tenants or mag-stay nalang kayo until TA expiry. Mag-usap kayo, marahil mag pagkakasundo din .
  • @carpejem @popoy wala po kaming hawak na contract kasi dati nanghihingi ako sinasabi papakita hanggang ngayon 2yrs na wala pa din. Nahiya din po ako nun baka kung ano sabihin at bago lang po ako. Tska nung nakuha ko po itong room wala po kaming usapan na kailangan ko maghanap ng kapalit at di ko rin po alam ang kalakaran nun kasi bago palang po ako nun dito. Hindi po kami kasali sa pirmahan kasi ang siya lang po ang kausap ng owner. Parang ngayon po kami pa ang naiipit. Aalis kami kasi alam namin end of contract na and yun din sabi nya. Then ngayon sinasabi nya september pa po yung end of contract pero too late na po kasi last week nya lang kinross check un contract daw.
  • Tska ang problema i-poprorate daw po yung deposit namin hanggang sa may makuhang kapalit.
  • edited August 2017
    @engrmic meron din mali yung MT since end of contract na dapat sinabihan kyo, technically wala kyo pananagutan ksi ang mali nsa MT..na experience na nmin yan nagreklamo kami sa small claim court at magbabase ang judge kung ano nkasulat sa "contract"

    kayalang syempre kahit papano meron din kyo samahan ng MT bka pwedi pa makuha sa magandang usapan para hindi na kyo umabot sa small claim court..
  • edited August 2017
    Masalimuot yan lalo na at last month na lang pala ng contract, eh kung aalis malabo na may mahanap pa.
    Goodluck na lang masasabi ko diyan, dapat talaga shoulder ng main tenant yan, risk yan ng pag papa upa kaso nga alanganin din kasi mayado yung timing. Since may pass naman kayo at hindi turista pwede kayo mag reklamo sa small claims tribunal, kung sasabihin niyo sa MT na desidido kayo mag sumbong sa SCT para makuha yung deposit, eh patibayan na lang at hintayan ng move kung sino ang bibigay at susuko.
  • edited August 2017
    Oo nga masalimuot, kung hindi last month yan, aabisuhan kita na wag ka nang magbayad ng advance para quits nalang. Since wala nan kayo contrata.
  • @engrmic niloloko ka nila.. ang contract pag hindi na irerenew atleast 2months notice ang binibigay ng lanlord or owner if ever man na ibebenta etc.

    so alam nila un dapat.. anyway keep your conversation sms/chat para pag nagreklamo kayo mag ebidensya kayo.
  • @engrmic para sa akin, kung may malilipatan na kayo, lipat na po kayo. saka nyo na isettle yung deposit kung priority nyo lang talaga ang makaalis agad dyan. ibang usapan na kung harangin kayo sa paglipat.
  • Thank you sa advise, magfile nalang ako complaint sa SCT.
  • Tama yan @engrmic, tingin ko maka tanggap lang ng paunang notice sa SCT yan eh ibabalik na agad sayo ang pera. Mga ganyang kupal na MT na akala mo eh napakalaking authority ang binigay sa kanila bilang MT, eh takot din yan kapag pinaabot na sa autoridad ang mga ganyang issue, kaya titiklop yan. Lalo na at wala naman kayo kontrata at agreement na hindi maibabalik sayo ang deposit kung wala silang mahanap na kapalit.
  • Kuhanin nyo yung flatscreen TV sa sala at yung mga TEFAL na pots/pans sa kusina. And anything else of considerable value. Sabihin mo you're holding it as deposit din. Same principle lang din naman ginawa nila sa inyo lol.
Sign In or Register to comment.