I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

SG Expenses good for 1month

Hi guys! ask ko lang po kung magkano na ngayon ang budget na puwede ko ilaan good for 1 month pag pumunta ako sg? kunyari bago palang ako sa work maghihintay pa ako ng sweldo. magkano kaya? ung tipid lang basta makakain ng 3beses sa isang araw at wala muna pasyal pasyal. hehe.. puwede na kaya ang 50k? pasensya na gusto ko lang malaman kahit estimated lang. thanks!
«13456713

Comments

  • edited September 2016
    High level estimate.

    1. Food - hawker $4 x 3 times a day = $12/day x 30 = $360 (note: 1 month Adv, 1 month Deposit)
    2. Transpo - depende sa layo, if dulo to central like Pasir Ris to Raffles Place. Peg mo mrt per tip sa $2.30
    3. Room for Rent - $600 to $800 ; if bedspace , $300 - $400
    4. PUB - usually inclusive sa Room For Rent dahil sa dami ng rooms ngyon, pero meron iba Equally divided ang PUB. PUB means utility, (Electricity, Water, Gas optional)

    So far yan ang basic needs dito sa SG.
  • 50k PHP is around 1.5k sgd tama ba? kasya pero sobrang tipid.
  • $1.88 lang from Simei to Jurong sken.. Mejo malaki po ung estimated from pasiris to raffles. Hehe.. ☺
  • akin 30k, rent + pagkain + fare. Bumaon ka ng pagkain from pinas, yung dried fish at noodles. Survival muna :D
    Maggie
  • thanks po sa lahat na nagreply malaking tulong to sakin. Godbless! =)
  • Sapat na ang S$1k (Php35k) for a single person expenses (transpo, food, mobile, basic necessities, pati rent kung room sharing at utilities)
  • Budget namin ni GF 5 months ago ay 100k. So tag 50k kami. Kumasya naman sya for 1.5months pero saktong sakto. Kung matipid ka super, kasya na 50k na budget. Pero syempre, mas okay if mas malaki madadala mo. Pero 50k, very workable. Wag ka muna gumala. Saka ka na gumala pag nakahanap ka na ng work.
  • edited October 2016
    Ako nung 1st time sa sg 10k peso lang dala ko nag request na lang ako sa employer ko kung pwede ko ba makuha kalahati ng sweldo ko just for starter pack lang sa sg buti mabait amo ko at pumayag hehe
  • @mccorny wow swerte ang masasabi ko hehe. kame nag loan sa pinas mhirap kasi magkaron ng utang na loob kaya mainam pa mag sariling paraan. ang utang na loob hindi mababayaran habambuhay.
  • ako dati 30k baon ko for 30 days ... pero para sure at least 40-50k nalang.. yung 30k ko kasi parang twice a day lang ako kumakaen dati.. tipid na yan.. pero i think depende nga sa distance na pinupuntahan mo at sa diskarte mo hehe. #2centskolang
  • ok na ang 1k SGD around 34k na yun...kung first time mo around 40k kc mdyo kakapa kpa..after 1 or 2months alam mo na kung ano mga bibilhin..mas murang food, grocery especially mga buy 1 take 1 sale, etc. Pero depende prin yan sa kung mgkano rent ng titirahan mo. Ska dpt lapit lng yung titirahan mo sa work kc pamasahe at oras ang mssayang. Expense ko ngyn 850 monthly (420 rent+430 food at pmsahe) fixed..may sobra pa un kung hnd ako ppasyal hehe..diskarte lng tlga yan
  • @berdugo, parehas tayo ng lifestyle. HAHA. Nasa mga ganyan din expenses ko. Pero syempre labas pa dyan yung padala sa Pilipinas.

    :)

    Ayos. Normal pa pala yung gastos ko. :D
  • @jrdnprs Normal lng yan haha skin kc may pamilya na pero xmpre tago din ng konti for savings pra sa mga sale lalo nat CNY haha!
  • Sino po searching ng work dito? Meet po tayo sabay sabay po tayo magapply..
  • ok po b pumunta dyan pra maghanap ng work sa october - november?
  • Meron ba dito na nasa architecture/interior design field? Balak ko kasi mag-work sa SG. Hingi sana ng tips. Thank you!
  • Hi kababayans, ako'y nagbabalik.

    Just want to make sure kung applicable padin ba ang 30k-50k budget for June 2017 jobhunt for 1 month? Or mas tumaas na ba? Mej 35 to almost 36 na kasi ang palitan ngayon ayon sa google e. Thanks!!!
  • @qwaszx ok pa din yung P50k.
  • hi guys! gusto ko talaga mag work sa sg pero im in sales and services field kasi like optical shop baka pede nyo ko mabigyan ng advise kung san ang mga sales industry at kung mabilis ba pag sales ang mga company na aaplyan ko plan ko punta sg this june.. thank u in advance
  • apply lang ng apply basta make sure meron kayo baon panggastos....o kaya hanap kayo kaibigan na pwede mag assist sa inyo pag kinapos kayo
  • @bertlogan salamat po wala po ba talaga walk in application?
  • meron naman kaso bibihira....karamihan ng walk in is for PR at Local lang...kasi yung mga walk in is maliit lang na establishment usually kaya nga sila nag tanggap ng walk in kasi nagtitipid sila so madalas wala sila quota to hire foreigner....tyaga ka lang apply online madami naman online saka gandahan mo yung CV mo at lagyan mo ng cover letter pag submit mo...madami ka makikita online gaya ng jobsdb, jobstreet, monster, jobcentral...tyaga lang...
  • @Bert_Logan ah i see ganun po pala yun so more entries sa online applications more chances to receive calls? sobrang tyagaan po ito... i will take the risk talaga makapasok lang
  • @Jjej08 walang makakapagsabi ng iyong kapalaran dito. pero sa panahon ngayon lalo na sa hinahanap mo, sobrang hirap. sa sales kung maaari marunong dapat sa language nila. handa lang dapat ang sarili mo kung hindi ka man makahanap ng work.

    yup tama, need mo magsend atleast 50X CV a day.

  • @Jjej08 usually for that line of work local or PR, mahihirapan ka diyan, kasi kahit seniors dito pwede sa ganyang work,

  • Thanks! @jrdnprs

    Yung 50K budget lang yun for SG diba? Wala pang airfare? July na pala alis namin. Sana may hiring pa nun. *crossed fingers*
  • Yes. Exclude mo yung airfare. Yung P50k/pax pag nandito ka na sa SG.

    @qwaszx , kami kasi ni gf P100k total binaon namin. It lasted us 1.5mos. Including accomodation, pag-exit, pamamasyal and all.

    Nasa pagbubudget pa din talaga. Kaya mong mas makatipid, depende sayo. Pero mas okay na yung may buffer ka na kaunti.
Sign In or Register to comment.