I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.
Singapore or Australia?
Marami akong friends from the past na nasa Australia na. but my wife and I love Singapore, feels like this is our comfort zone. We've read at http://www.pinoyau.info na back to zero talaga mga nagmimigrate sa Australia. other even consider taking odd jobs para lang makasurvive. If you are earning SGD 10k, may bahay ka na dito, at well establised na, lilipat ka ba sa Australia? What's your thoughts about migrating to Australia?
Comments
Compared sa education SG vs Aussie, sa Aussie ako.. I studied in SG since Grade 1, 1991.. ayaw ko na dito! hehe may cpf lang talaga kaya ayaw ko umalis hehe
I-address ko lang yung isang major concern ng mga pinoy na nasa Singapore na nag-babalak mag Australia. Madalas kasing sinasbi na MAS mababa raw ang sahod sa Australia compared sa SG. Personal opinyon ko lang 'to saka based sya sa actual experiences ko sa stay ko sa SG at pagtratrabaho ko dito sa AU.
So... mas bababa ba talaga net income mo kung lumipat kayo rito sa Australia?
- Partially correct!
- Nag work ako both sa bansa na ito kaya, masasabi ko na hindi palagi na ganun ang situation. Malaki kasi ang tax rito sa Australia unlike sa SG na halos hindi mo ramdam ang tax. However, may mga scenario rin na mas lalaki pa ang NET salary mo rito sa Australia compared with SG.
- Check ninyo sa seek.com.au or ihttps://au.indeed.com/ at madalas eh pinapakita yung salary offer/range. Then, i-calculate ninyo sa paycalculator.com.au para makita yung NET pay. Depende yan kung anong line of work natin at kung ilang years of experience na, saka kung anong city sa Australia (Sydney? Melbourne? Brisbane? Canberra?)
- Sa SG, mga 5K ang gross at net ko. Dito sa Australia, mas malaki yung kinikita ko kasi, i-opted to work as a Contractor. 10 years na ako nag-wowork at nasa 10K+ ang net salary ko rito (again, as a contractor), as a software developer.
-
- Mas malaki ng 20% sa usual permanent position salary kapag contractor ka at kapag "Day-rate contractor ka", wala kang sick leaves or vacation leaves, pati yung public holiday eh hindi bayad. Pero ang kapalit, mas malaking take home pay kasi, parang ine-encash mo na yung mga Leaves mo. Hence, umaabot yung NET pay mo ng 10K+ per month. Note na may mga permanent positions rin naman dito that pays 150K to 200K gross per year, although very rare.
Marami ring mga nag-i-start ng business rito like sole-proprietorship (or Independent Contractor") sa Sydney, lalo na sa IT industry, na pwede umabot ng 15K+ or more per month ang net pay. Isang example na rito itong kababayan natin nag contract + may online business: https://www.udemy.com/user/jonjonbonso/
same field kami though more on PHP at Linux ako. contractor din sya rito sa Sydney na galing SG rin.
May mga pinoy din na may startup business dito (though half-pinoy nga lang) http://cnnphilippines.com/life/culture/businesslife/2016/04/01/canva-manila-office.html
So ayun, sana makatulong. May possibility talaga na bumaba ang net take home pay mo kung lumipat kayo rito lalo na kung 10K na sahod ninyo sa SG. Pero kung malakas loob ninyo to take on more challenges, try nyo na dito sa Sydney! Aside sa monetary gains, iba pa rin yung may permanent residency ka (with a chance of dual citizenship) at mga benefits like healthcare, centerlink at education etc.), personally eh ayoko yung kinakabahan ako na ma-e-expire na yung E-Pass ko, saka sobra hirap na makakuha ng PR sa SG.
Again, walang perfect country. May nag-su-succeed na nasa Singapore at may mga nag-su-succeed rin rito sa Australia. All the best sa ating lahat!
@RDG , bossing sorry sa super late reply, ngayon lang ako ulit naka-visit ulit sa pinoysg.
Malaki ang Australia pare, halos kasing laki ng US at iba iba rin ang states at cities. San ba sila nag-punta? Sydney? Melbourne? Perth?
Magfa-five years na ako dito sa Sydney at ni-minsan, wala naman akong na-encounter na racist comments. Pero I understand na merong mga certain areas sa Australia, especially sa mga cities na konti lang ang immigrants, na merong racism.
Sa Sydney at Melbourne (pati na sa Brisbane), eh napakaraming immigrants sa iba't ibang panig ng mundo. IT contractor ako dito and maraming company na ang napasukan ko ( mga 6 companies dahil job hopper talaga ako with 6 to 9 months contract role ) at iba't ibang lahi talaga ang makaka-work mo dito. Minsan, yung akala mong Australia eh hindi pala (galing from UK or EU) tapos yung mukhang Asian eh yung pala talaga yung dito na lumaki.
Mas diverse ang mga tao dito, unlike nung nasa SG ako na halos Indian/Pinoy/Chinese/Malaysian/Indonesian lang ang kadalasang nakaka-work ko. And with that diversity, medyo mataas rin ang competition dito lalo na sa Sydney in terms of contract roles. Kung pupunta ka sa www.seek.com.au then i-filter mo sa "contract", may makikita ka dun na mga roles that pay $700 to over $1,000 gross per day. Sa dami kong contract roles na napasukan dito, knowing that I am a Filipino, eh masasabi ko na quite rare ( or even non-existent ) ang racism dito sa Sydney. Marami na akong boss na napagdaanan ang friendly at fair sila, especially yung mga pure-blooded Australians.
Pero again, case to case basis yan. Gusto ko malaman sana kung ano yung specific na "racism factor" na nabanggit ng mga tropa mo at kung saang specific na lugar. Siguro sa ibang industry ( mining siguro sa Perth), pero definitely not in IT industry. Saka on a personal note, nasa tao rin yan kung papayag kang api-hin ng kung sino. Minsan nga eh kapwa pinoy pa ang nag-da-down sa iyo dito di ba.
AU is more isolated for a long time kaya hindi sila sanay before pero that was before the migration waves to Australia began. Kahit nga sa sarili nilang kababayan na indigenous meron silang racism at may idea ng White Australia until recently, hindi maiiwasan na mas racist ang AU kaysa sa iba.
Pero given na there's too many immigrants nowadays and with their laws regarding racism, kakaunti na lang yan and lalong lalo na kung nasa high paying industries ka naman like IT.
Pero hindi talaga mawawala na may mga racist.
PR na ate ko dito for almost 8 years pero nagmigrate sila sa Australia last march 2017. Yes back to zero sila. Nung una hesitate din ung brother in law ko kasi may bahay na dito established na talaga 5mins away ung work nila at malaki din ang sahod at all. pero ung ate ko talaga ung pursuer eversince. sya ung nagsabi na mag Singapore sila sya ung nagsabi na mag apply din ng pr kahit madami nagsasabi dati na wag muna. at yes aminado ako sya ung pinakamatalino samin UP Diliman ba naman. Sya na ung nakakuha ng buong talino ni papa. haha. At sya din ung nagsabi na Mag migrate sila ng Australia kahit ung asawa nya alanganin. At now dito din ako sa Australia and what they did was so right. Madami din nag eencourage saken to move here. Ang daming benefits ng Australia na ndi ko alam dati. Pero once na makapunta kana dito materialized mo mas maganda nga pla talaga dito kesa sa Singapore. Here's some of the benefits pag naging PR ka dito.
Halos parehas na pag naging pr ka at citizen dito konti nlng ang difference.
benefits? walang wala sa Singapore. That's why Australia was called LUCKY COUNTRY ndi sya tatawagin na ganun for nothing.
*free school from kinder until highschool
free hospitalization pag nagkasakit ka libre dito kahit need mo pa ng operation or what.
pag wala kang trabaho dito bibigyan ka ng pera ng government susustensyohan ka until makahanap ka ng work.
pag may anak ka may ibibigay din sayo na pera. every 2 weeks ang bigay.
at ung sahod mo dito based sa ate ko mas mataas compared sa sahod nya sa SG. pero mataas na din sahod nya jan dati.
at ung work dito petiks lang at nakakapag 2 times work from home sya. compare daw sa sg na mejo stress ang work.
at within 1 year nakapatayo na sila ng landed house at 2 cars at nung oct 2018 nakabili sila ulit ng additional na lupa at papatayuan ng bahay. sabi ng ate ko ung binili nila na hdb sa Singapore makakabili na ng house and lot dito. at kung ndi ka pa decided kahit matanda kana pwede ka padin mag work dito unlike jan sa sg ur not sure if matanda kana may kukuha pa sayo na employer. at family oriented dito. at maganda ang retirement dito compare sa pinas or sa Singapore. at pag nagkasakit ka or nagbuntis todo alaga dito. kasi nga free.
free dental din kaya ndi mo na kailangan or ndi ka na magwoworied sa kakabayad ng insurance dyan sa Singapore kasi pag pr kana dito ndi mo na need ang insurance except sa mga tourist or student visa. At kung ndi ka pa din decided or may tanong ka magbasa ka lang sa online madami ka matututunan dun. hahaha. at isa pa pala. Pwede ka pumunta kahit anong state gamit lang ang kotse mo. oh diba. bongga. hahaha
bumalik sila ng Singapore after 1year to renounce their PR. so pumunta sila ng Australia PR na silang lahat. march 2017 tapos 3months after nakahanap ng work ate ko then 6months after nakahanap na din ng work ung brother in law ko. Tip sabi ni ate dati pa nung nagkwento sya if bakit ndi pa sila nag renounce wag muna kayo mag renounce ng PR para incase ndi magclick ung Australia nyo may fall back kayo na babalikam sa sg. pero kagaya nga ng sabi "if there's a will there's a way."