I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

MEDICAL ISSUES~

mahigpit po ba pag dating sa medical sa SG?
Like color blindness?

TY sa pag sagot :smile:

Comments

  • edited October 2017
    kadalasan infectious and contagious disease lang automatic bagsak na agad sa medical at hindi na bibigyan ng pass.
    (The medical examination screens the worker for 4 types of infectious disease (tuberculosis, HIV, syphilis and malaria) and checks if they are fit to work.)

    for other cases, depende na sa line of work, need mo i-disclose sa employer mo kung ok sa kanila, kung makaka apekto sa paraan ng trabaho at performance, malamang di ka tanggapin, pero kung hindi naman sagabal sa trabaho eh posible naman, basta pinaka importante i-disclose mo hindi mo pwede ilihim yan.
  • NOTED sir.. thank you :)
  • bakit yung mga ka-opisina kong anaps parating me blood test for HIV tuwing renewal LOL.
  • @Kebs if sexually active at hindi monogamous, it's a responsibility and necessity na regularly mag pa check.
    Siguro ina-assume na ng employer or ng MOM na active sila kaya nire-require every year, lol!
  • Kasali po ba dental? Kasi po bgla nalang namaga gilagid ko huhu ang sakit. Baka lang sakali lumabas IPA tapos ganito ako... nako lagot na
  • edited October 2017
    Nope walang dental.

    Ang magmamatter lang talaga ay yung life-threatening diseases as mentioned above by @tambay7.
  • @qwaszx unless part ng work mo ang pag gamit ng gilagid mo, kailangan mo i disclose yan sa employer, otherwise ok lang. LOL! >:)
  • Whew buti nalang. Salamat po ulit. Ang laki po kasi ng half ng face ko ngayon, sumabay pa talaga. Wala din naman ako makitang malapit na dentista dito sa bangkok. Tapos budget pa hahay
  • @qwaszx , try using yung pang sensitive teeth na toothpaste ng colgate sabay listerine. Last year nung kakadating namin dito palagi din sumasakit yung ngipin ko. Now, after 1.5 years uuwi kami Pinas by last week of October saka pa lang magpapadentist. Naitaguyod naman ako nung toothpaste plus listerine for 1.5 years. Mahal magpadentista dito sa SG. :neutral:
  • itali mo sa sinulid yung ngipin tapos itali mo sa doorknob.. sabay sarado ng pinto.. TRIED and TESTED :wink:
  • @qwaszx Napasarap siguro ang kain mo ng mango sticky rice dyan kaya namaga gilagid mo.Hahaha! Kidding aside, no need to worry. Ok lang na magtrabaho ka dito ng maga ang gilagid basta hindi sya makakaapekto sa pagtatrabaho mo.Hehehe
  • @jrdnprs thank you po. Will try that! Mejo lumiit liit na din naman... pero will keep that in mind

    @Hire_Me ay grabe naman po kung sa gilagid ko yan gagawin lol

    @ezzy hahaha naku di ko nga po makain mga sticky rice dito e. Masyadong sticky lol
  • @qwaszx Tama! Masyadong sticky sa gilagid :D
  • My issue po ba ang my lung scar?
  • @samboi most likely. Ipapa verify pa yan and might bring you to a specialist to clear. It will fall under the category of TB. If clear na yan matagal na and will not cause the spread pwede ka nila i clear but if not, no choice medical result will considered failed.
  • Nakapasa ka po ba sa medical ng SG kahit may lung scar @samboi?

  • @Kebs ano po ung "anaps", sorry bago lng ako s SG d ko p kabisado ung mga terms. haha

  • @zhypher33 check pm pre regarding sa tanong mo

    zhypher33
  • Nkakapasa po ba khit may lung scar? Complete documents and clearance po from Pinoy pulmo, and meron din po clearance from an SG lung consultant.
    Please reply po sa may nakaexperience na nito. Big help. Thank you!

Sign In or Register to comment.