I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Feeling Left Out

I feel left out in terms of savings or naipundar while ofw. I am working in Singapore for 6 years already. Hindi ko rin alam san napunta pera ko kasi hindi naman ako magastos. Pero I think Sa pasalubong or pag uuwi ng Pinas, dun malaki yung gastos. Meron ba dito, same feeling? Eto pa Lang investment ko

Bank savings - around 13k sgd lang
Ph money investments - around 500k pesos
May mga insurance Pero hindi ganon kalaki
May 1 small studio type condo na binabayaran (pre selling kasi)

Napag iwanan na ba ako? Hindi Ko naman nafeel na high maintenance ako, never nga ako nag rent solo ng room.
Iniisip ko na lang kasi nag start ako working with 1800 sgd lang. 3 years ago lang nadouble yung salary. nag worry ako siguro sa bank savings ang konte. :(

Monthly naman ako nagreremit Sa family, ako na kasi breadwinner ng parents. Pero never ko pa nadala family Ko dito for tour.
«13

Comments

  • I am waiting for feedback here. :)
  • hmm interesting.. waiting also like @jrdnprs :)
  • edited November 2017
    @apple not at all, malaki na yang savings mo sa average in my opinion, I know some dito na wala pang $10k naipon after being here for at least 5yrs, may mga halos may utang pa nga at sakto lang kinikita.

    For my part, later na lang din nag start makapag save, early years here wala din halos naipon, yup malaki gastos tuwing uwi ng Pinas is a factor, plus laki ng cost of living expenses dito. Plus remittances dahil sa bread winner malaki din nakukuha from savings lalo na kung may mga emergencies or unexpected expenses back home na kailangan tumulong. Tapos mag aasawa, ikakasal at magkaka anak, laki ng tapyas sa savings ng mga event na yun, kaya back to start after those events.

    May mga kilala din ako na ma swerte naman na nakakaipon ng at least $ 50k after being here for 5-6yrs, pero mostly single or kung married man eh wala pa anak at wala ng sinusuportahan sa Pinas like parents or siblings, so solong solo nila kita nila, plus kung working couple naman na wala pa anak, eh shared expenses so mas malaki naiipon nila.

    I don't think you're left out, siguro above average joe ka pa din in terms of OFW here na andito na for 5-6yrs.

    Naku sinabi mo savings mo, baka may mag PM at manligaw sayo tapos perahan ka. hahaha joke.
  • Thank you sa feedback @tambay7
    Nakagaan ng feelings. Hayun, sa awa naman, wala naman ako mga utang.

    Isa pa yan, I'm single. Parents lang sinusuportahan. Wala pang sariling pamilya or kids kumbaga. Kaya I feel left out kasi feeling ko, di pa rin maganda financial aspect ko despite being here for 6 years.

    Yung bank savings ko, yun bale yung emergency fund ko.

    Pero gusto ko talaga papuntahin dito family ko for tour. So, mababawasan ulit yung 13k. Hehe.

    Then minsan iniisip ko mag migrate sa ibang lugar like AU/NZ, then bigla ko na naman maiisip bank savings ko, parang Hindi sapat ipagmalaki para ma-approve na PR sa ibang bansa.
  • edited November 2017
    And btw, I'm already 31. I was expecting more kasi sa age ko.

    And other people as well. Kapag nalaman nila na 6 years nako sa SG, they are like.. "Wow! Daming ipon." And they will not believe pag sinabi ko, "wala pa nga!" Or "wish ko lang!" :neutral:
  • @apple need mo ng partner in crime :) lalaki din yan.

    ilang beses kaba umuwi ng pinas yearly? baka naman todo labas ka pagumuuwi ka hehe
  • edited November 2017
    @Vincent17 normal lang like 2-3 times. Hindi ako umuuwi ng pasko kasi magastos.
    Hmmm hindi naman todo labas, pero pag lumabas Syempre, expected na rin naman ako Ang taya, family Ko naman yun. pero pag may gastos Sa bahay, syempre Ako din mag shoulder.. Ganon.
  • Sige nga @Vincent17 ikaw ba? How long ka na sa sg and ano mga savings/investments mo?
  • @apple nahihiya ako eh haha.

    medyo magkaiba tayo kasi may partner nako kaya medyo OK ang savings at investments.
    sa loob ng 1 dekada.
  • @Vincent17 haha. Sige wag mo na banggitin, baka lalo ako ma-down. Lol!
  • @apple ok naman iyong savings mo, kasi nagpapadala ka sa parents mo at may hinuhulugan kang bahay. ang mahalaga may pinupuntahan iyong pera mo.

    nagbabasa kaba sa FB page ng Peso Sense? :)
  • @Vincent17 nakakabasa lang ng mga shared article/photo from that page. Peso Sense,
    Pesos and Sense,
    Etc.
  • @apple good.. if you read some post there, we can feel na swerte parin tayo.

    There some post na nagtatanong paano daw ba nila mapapalago ung 50k na ipon, walang ipon na OFW, walang napundar. etc.. :)
  • edited November 2017
    @apple pasalamat ka sa atleast nakakapundar ka madami na umuuwi pinas pagdating sa pinas nganga....hmmm skin naman kahit paano medyo oks naman pundar ko ksi nga napupunta sa CPF...kakasilip ko lang kahapon pwede na umuwi kahit paano :) kaso 8 yrs palang me dto going 9yrs....madami dami pa me maiipon....sayang tyagaan lang kahit madalas stress at depress...
  • basta mahalaga @apple financial literate ka at consistently mag-ipon, iwas sa mga financial scams. Eventually lalago din yan, o kung may partner in crime ka na gaya ng sabi ni boss Vincent, "lalaki" din yan.

    Tuloy tuloy lang ang pag-iipon, eventually yang 13k mo magiging 130k din tapos magiging 1.3M, then 13M then 130M. Start Small but Aim Big.

    Mahalaga talaga mag-ipon, mapalad yung opportunidad na maging OFW kaya wag sayangin sa pag waldas, maging maalam sa pag manage ng pera, follow Pesos and Sense, TGFI/TGFI-Singapore may mga free events sila madalas on financial literacy and investments.


  • edited November 2017
    tagal ko na sa SG, mga 700K SGD na ang na save ko, pero yun nga single, pag may dates KKB palagi, simpleng buhay lang, balik ng pinas 4 times a year lang na walang pasalubong. Walang sinusupportahan.

    and most importantly, financially literate (like someone mentioned above)
  • wow! grabe yung 700K sgd. pangarap ko din yan. @JuanDeLaCruz
  • edited November 2017
    Thank you @tambay7

    @JuanDeLaCruz 700k SGD? Woooww!! Pano nyo po ginawa yun? At ilan taon na kayo dito sa sg? Napakalaki naman po ng salary nyo.

    Kasi I have a friend po Na 5 years na dito, earning well and single, nakaipon sya 90k SGD, Kaya grabe, amazing yung 700k sgd nyo. Petmalu!! :smiley:
  • edited November 2017
    @apple - advice lang, pasok mo pa sa good investments sa pinas yang 13k bank savings mo kesa nakatambay lang sa bangko. 13k pa din yan after 5 years. Bangko nagpapaikot ng pera mo at sila kumikita hehe
  • @JuanDeLaCruz wow 25 Million pesos. Retired nko nyan malamang.
  • @Kebs hindi po pwede kasi yun na po emergency fund ko.

    Yung 500k pesos na nasa Pinas breakdown ko, yun yung nasa investment like stock market / mutual fund. Monthly naman po nag aadd lang ako 15,000 pesos dito.
  • how old are you?? it depends on your age and number of years working.

    dont compare yourself to others.

    i only have 50ksgd in my bank account.
  • @apple wala na man sa salary yan. Hindi pulubi salary ko, pero hindi din ganun kataas, sakto lang.

    Marami paraan para lumago ang savings. Nag focus lang ako sa real estate. Just implementing strategies here and there.

    6 years na ako dito, pero may edad na ako at 30+ years old.

    @Kebs no hindi ako retired haha, marami pa ako pangarap sa buhay.

  • @mariaklara na mention ko na po, 31 and 6 years working in SG.

    Andito rin po ba kayo SG? And how long na po kayo dito? Thanks
  • edited November 2017
    wow! @mariaklara, ang bilis mo makaipon. nice! nabasa ko tong thread mo dati...sabi mo last 10k mo na..then 50k na. :D
    http://pinoysg.net/discussion/8424
  • kung minsan ung mga "yabang" natin pag umuuwi sa pinas nawawaldas ang pera natin.

    learn to say NO always pag di rin lang emergency/between life and death situation ang pakiusap.

    kami ng esmi ko, nahihiya mga kamag anak na lumapit pag nasa pinas kami. klangan mo sila tawagin. granted, konti lang mga kamag anak namin on both sides.

    di rin naming sinanay mga kapit bahay/kamag anak na tuwing uuwi e may kasiyahan/kainan/inuman.

    saka we only schedule one destination per vacation sa pinas for my family. wala sabit. pag mga kainan lang sa mall, un pwede may sabit na kamag anak.

    try to save at least 20% of your salary. invest in stocks. that's the best way to grow savings.

    buy insurance but not whole life. money back lang yan. better to invest it yourself
  • @goblinsbride haha! Mukhang joke lang naman tong si @mariaklara chineck ko yan link ng thread, 10k lang, then 7 years lang sa SG. Bakit naging 50k and 10 years na? Tapos may nagtanong, Bakit 10k lang naipon for 7 years, sagot nya, di daw sya mahilig magtipid. Okaaaayyyy.
  • edited November 2017
    @PayutenyoDAgimas thank you sir! I think na-a achieve ko naman po yung 20%, minsan po around 40% Pero nahahati sya sa bayad condo, part ay stocks/mf, savings.

    I must admit, hindi din naman ganon kalaki sweldo ko.

    Pero thanks po sa advise, mag goal na lang ako to save more portion of my salary para ma achieve ko goal ko. Gusto ko before 2018 ends, 30K na money savings/emergency fund ko. While continue hulog sa mga sinimulan Na investments.

    About sa whole life insurance, Ano po meaning? Actually, kakatapos lang last month nung 1 insurance ko sa Pinas, at planning to get 1 more dito naman Sa SG. Pero nag iisip pa ako, ano Ba dapat Kong kunin na maganda pero di ganon kataas monthly payment.
Sign In or Register to comment.