I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Returning back to SG as Tourist AGAIN

Hello Guys,

Hope everyone is doing well.

Inquire ko lng sana sa inyo. I just came back from SG last October 1-28 lang as tourist para magahanap ng work. But unfortunately, mejo di pinalad.

Now, nandito na ulit ako sa pinas and mejo may nakanotice ng application ko sa SG at na undergo na ko ng 2 skype interviews at ngayon gusto nila ng face to face interview back to SG.

Question: Magkakaproblema po ba ako sa Immigration d2 at sa SG since plano ko bumalik don as tourist ulit thinking na kakabalik ko lng last october?..

Ano po kaya ang magandang arrangement na pwede ko gawin para maging swift ulit ung pagbalik ko ng SG. Any suggestions po?

Also, i wanna know if makuquestion pa rin kaya ako sa SG immigration if incase gawin ko cross country from Malaysia?.. TIA
«1

Comments

  • edited November 2017
    Walang makakapagsabi nyan eh. Depende sa matatapatan mong IO. Pag dumaan ka pa ng Malaysia, I think mas mapaghihinalaan ka lalo.
    In my case, 1month lang ako nagstay sa Pinas then balik ulit sg. Pero new name, new passport na under married name. Di ko alam if matetrace nila na nagwork nako sa sg, pero naging smooth naman. Sa ph io lang may tanong,sino daw pupuntahan ko sa sg. Sabi ko husband ko, then ok na.
  • Hi @maya thanks po sa info.. pero nung pagbalik nyo po ba kenaylangan nyo pa rin po ba ng invitation? Kasi ung saken, first na punta ko don may dala ako invitation.. and now wala pa 1 month ako d2 sa pinas and im planning to go back and book a 3 day trip if ever para lng makalusot sa IO ano po kaya tingin nyo? Need pa kaya ng invitation sa case na yon? Thanks :)
  • Sa totoo lang hindi naman requirement ang invitation letter. Ako before ako magwork sa sg, halos 3x a yr ako pabalik2 dhl andun bf ko. 1st na punta ko, company id lang hiningi ng io sa pinas. Sa mga sumunod, wala na tanong. Sa sg,never naman ako natanong. Depende din siguro sa situation. Ung mga past travels ko nagstay ako for 1wk or 2wks lang. May kamaganak ka sa sg?
  • Wala din kasi kasiguraduhan ang mga sagot sa tanong mo. Case to case basis kasi yan. Maghanda kna lang ng reason na bebenta sa IO. For example, may asawa ka sa sg and gusto mo magspend ng christmas with her. Ganern. Ako nun ang niready kong sagot ay nagbabalak kami magkababy kya pabalik2 sa sg,pero dko nmn nagamit ung rason kasi never naman ako natanong.haha
  • Hahaha.. @maya thanks po talaga sa advise..

    Pero matanong ko na din po pla.. possible kaya yon na since final interview naman ung pupuntahan ko don and since aabutin pa din ng days ung processing nung application if ever at wala pa din naman assurance sa part ng ministry of man power based sa mga narinig ko na nagrereject daw sila ng application of pass kahit hired na.. tingin nyo po ba advisable na skype interview na lng din gawin? Or mas mainam pa rin po na puntahan ko na?.. pag ganun po bang face to face ilang percent na po ung chance na hire ba pag ganun?
  • hello @jmac02212008. if possible, mas okay na skype interview na lang ang gawin. para once na nag-offer na and may IPA ka na, baka mas-smooth na yung paglabas mo dito since medyo mahaba na yung stay mo dito sa pinas.
  • Hello @goblinsbride bale.. yan nga po ang inask ko sa kanila if possible.. kaso they insist na need daw po talaga ng face to face to interview.. plus they also mention na pwede naman daw sila tumulong sa expenses..

    Though ang issue ko lng is pano kaya ung pagexit ko d2 sa pinas pabalkk dyan.. since wala pang 1 month ako nakakabalik d2..

    Ano po ba tingim nyo? Good sign po kaya yon considering the fact na they can help me with my possible expenses going back there?.. what do you think po?..
  • Guys.. tingin nyo ba too good to be true na willing magshare si employer sa magiging expenses ko sa hotel and airfare?.. if ever matuloy ako to go back to SG para umattend ng face to face interview as they required?
  • @jmac02212008 direct hire ba? Ano po pala magiging work nyo?
  • Eh kung try mo kaya magtravel with family?
  • Yes po direct hire po sya.. software support po ung nature ng work..

    Hhmmm.. yung travel with family po mukhang negative since di pa kaya nh budget hehe..
  • Pero guys.. if ever po ba.. tingin nyo po ba makakalusot ako sa immigration ng SG if ever humingi ako ng Invitation letter for interview from the employer?.. hhhmmm i know magiging issue yun kung un ipepresent ko sa immigration ng pinas.. and im planning to just use 2 different alibis sa pinas and sa SG..
  • edited November 2017
    Invitation letter for interview? I dont think so. Baka mas lalo kang di makapasok dahil jan. Yun nga yung inaavoid nila eh, tourist na naghahanap ng trabaho,ke ph io pa yan or sg io. Un ung hinuhuli nila.
  • edited November 2017
    I agree na mukhang delikado yung invitation letter for interview. Lalo na't naka-ban ang direct hires ngayon. Baka ipadaan ka sa agency. regarding sa share ng expenses, may mga companies na willing mag-spend ng resources kahit na hindi pa hired yung applicant. pero iilan lang. siguro super hirap makahanap ng perfect fit sa role na inaapplyan mo kaya willing sila. Pero nabanggit ba nila if mag-share sila ng expenses kahit na hindi positive (*knock on wood!*) ang result ng interview? Will they provide yung flight? or reimburse?

    Share ko lang, may inapplyan ako na company last year, pero sa other country. Ganyan din. They want to have a face to face interview kasi yung VP for engineering yung mag-iinterview sakin. So nagpunta ako from pinas for 3 days 2 nights (1 day allotted for the interview, the rest pasyal). Pagdating ko and after ng interview, before I left their office, ni-reimburse all of my expenses kahit na 1 day lang ako sa kanila. So yeah, may mga gumagawa ng ganon. hehehehe.

    @jmac02212008
  • @jmac02212008 BIG NO for Invitation letter ! mas okay pa kung IPA.
  • share ko exp ng barkada ko.

    same case sau, 1st month d nkakuha tapos natakot sya mag exit.

    kaya ang ginawa nya pra makabalik, sinama nya mother nya. kunwari i-tour nya sa sg.

    mapapamahal pro nakalusot naman sya. naipasyal nya pa mother nya.
  • True @radrad26 ung friend ko din sinama nya nanay nya. Kaso sa dates na to,mahal na airfare eh.
  • pero tingin nyo po ba san po ako mas magkakaissue if ever? Immigrationng d2? Or don sa SG?

    Plano ko po kasi gawin ang ibobook ko weekend.. for example friday night ng gabi alis then balik ng tuesday ng umaga pang front lng.. hehe.. ano po tingin nyo? :)
  • Both. Wala naman yan sa kung anong araw ung ibubook mo. Ang paghandaan mo is yung isasagot mo sa purpose ng pagbalik mo sa sg. Kung tour pa rin, hindi na yan bebenta kasi kagagaling mo nga lang dito,and u stayed pa for almost a month. Ano pa bang mga naisip mong idahilan?
  • kelan po kayo pupunta ulit? @jmac02212008
    if fan kayo ni shawn mendez, pwede mo sabihin na manonood ka ng concert niya sa december 9. hehehehe. kaso malamang hingan ka din ng ticket ng concert. :D
  • Ahh i see..

    What if kaya guys sabihin ko sa immigration na yung previous visit ko was work related? And ngayon lng ako magtotour?.. tingin nyo? Makakalusot kaya yon? Hanapan kaya ako ng proof about don sa previous visit ko? What do you think?
  • And other concern pla..

    I know that this question is too early to ask pero if ever ba na mahire ako.. "fingers crossed". Then umuwi muna ko para asikasuhin mga bagay bagay.

    Pag bumalik ako. Ung IPA po ba enough na yon sa immigration ng SG?..

    Though i understand na di pwede yon sa philippine immigration due to direct hire ban.

    Do you think guys ok yon sa immigration ng SG? Enough proof? Or kelangan pa rin talaga dumaan ng POEA?
  • Pag sinabi mong work related, bka mas mapasama ka lang, naka-svp ka lang nung last stay mo dba, tapos ssbihin mo work? Illegal yun.

    Ung IPA sa sg io, sapat na po un.
  • I see.. hehe., last time kasi nung nagvisit ako dinahilan ko kasi autumn festival hehe.. but then it took 30 days kasi nag passed ung isa naming relative don and had to stay for a bit.

    And ngayon plan ko ireason is dahil may attenan akong mini reunion with friends coming from different parts of asia.. and am planning to book a ticket for an event din para kako yun gawin namin.. what do you think?
  • Do you guys think ok yon? I mean possible kaya na hingin nila ung screenshot nung mga convo if ever? Tska ung death certificate? If ever? Will they go into it that deep?
  • edited November 2017
    Depende kasi yan sa matatapatan mong IO sa pinas at sa sg. Iready mo nlng lht ng docs na pwede hanapin, like death cert kung un ang idadahilan mo. Kaapelido or same middle name mo ba ung nagpass away? Kasi pwedeng hanapan ka dn ng proof na relative mo tlga yun. And yes nagchecheck din sila ng conversations. Anyways, wala naman nakakaalam kung anong mangyayari pag andun kna sa situation. Try mo nlng ah, tas balitaan mo kami.
  • Actually di ko po sya kamag anak.. local po sya na may ari ng bahay na tinirhan namin.. na biyanan ng pinsanin ko.. hehe.. kaya wala po ako nung death cert and certainly di ko po ka apilyido.. hhhmm.. pero do they actually do that? Na hinahalungkat pa nila ung details about the previous trip? Kahit past na sya?.. hehe,, mejo napaparanoid na po kasi bukas na po ung flight ko and scheduled for monday interview kaya mejo pressured na hehe

  • Hello guys.. d2 na po ulit ako sa SG thanks for all of your suggestions and tips..

    Ok naman po ung naging pagdaan ko sa mga IO.. mejo nakatulong din po siguro yung pag profile or paghula ko don sa ok na IO hehe.. and siguro kasi december kaya mejo mababait mga IO cguro (not sure) but rest assured kelangan pa rin talaga handa ka sa lahat ng possible na mangyari at prepared sa risk na dadaanan mo..

    Preparedness is always the key.
Sign In or Register to comment.