I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

WALK IN ( IT Grad)

edited December 2017 in Job Openings
Allowed po ba magwalk-in sa mga companies there? What month po best para maghanap ng work sa SG? Any suggestions po mga kapwa ko pinoy? Nung una po kasi hindi ako pinalad makahanap talaga as i am fresh grad way back 2015.

Comments

  • Ang sabi dito sa forum...hindi na daw trend ang walk-in. most prefers online application
  • Mahirap po kasi talaga maghanap pag online application? Nagpapasa pasa na po ako almost 2 months na. Sadly no replies from company. Plano ko po kasi pumunta after chinese new year.
  • Mas mahirap magwalk in kesa online. Pag walk in,gagastos ka ng pamasahe at printed CV, pagod mo pa at hiya. Dpa sigurado kung hiring sila. Dka din maiinterview kung dka nakachamba sa schedule ng interviewer. Pwera nlng siguro kung sa f&b ka magapply, pwede magwalk in.
  • @katherynsg123 surprising na nahihirapan ka mag hanap through online given na IT grad/background ka.

    Walk-in ibig sabihin bbyahe ka, door-to-door, from building to another and from one district to another. Mas mahirap yun. At since IT ang target mong work, most IT jobs dito ay mahahanap using the web.

    But to each his own, pwede mo naman subukan kung gusto mo talaga, pero kung sa 2mos na pag apply mo online eh sabi mo no replies from anyone. Siguro wala sa means of applying, baka sa content. Think about it, sorry kung harsh, pero mas mabuti na alam mo na agad gaano ka intense ang competition sa job market.
  • @katherynsg123 isa din yan sa mga tanong ko makikipagsapalaran din ako next year hehehe sa mga nababasa ko dito medyo mahirap talaga mag walk in... ganito naisipan ko approach pag dating ko dyan.

    - buy local sim
    - instead, na mag walk in sa company, call first if ma forward ka sa HR much better then ask if you can personally pass your CV and might as well discuss your potentials.
    - ask first if may quota for FT
    - list all the addresses and do zoning. kung may interview ka in a certain area, dapat may list of agencies ka (legit) para maka pasa ka na rin ng CV without paying more sa transpo...
    - In SG you are a target ng mga scam na Agencies (DON'T BE A VICTIM!!!!) read more sa other topics dito it helped me a lot hehehehhe
    - No free time to waste.... send ng send ng resume.. (remember kung ano pakay mo sa SG.. (PLAN YOUR WORK AND WORK YOUR PLAN)
    - Edit your resume and ask for guidance sa mga kababayan na nasa SG na oh how to make your CV (breathtaking and eye-catching)
    - Make lots and lots of friends along the way.
    - Don't forget to "Pray"

    Hope this will help and hope makakatulong din sakin in time heheheh

    P.S wala pa ako sa SG... mag aapply din ako... GOOD LUCk sa atin heheheheh
  • Well said @Knight69, point 2 is very effective based on personal experience. :)

    Looks like you took time to backread previous posts and you have a very solid plan before going here. Good for you. :)
  • @jrdnprs oo nga po eh kahit nasa work ako now.. still basa ako ng basa sa mga previous posts... di din kasi mura ang gagawin ko... I need time, effort (lots and lots of it), Money (malaking halaga). I quit my Job for this Plan (mag work sa SG) hehehe buti nga sila medyo in demand yong field nila...but bahala na si Batman... I'm positive naman po na SG will have a little room for me.... :smile:
  • Sharing lang: I'm in IT with xx years of experience. since 2016 4Q, I've been sending applications to different companies. May of this year, i sent an application to my (now) employer, august lang sila nagreply. December lang ako nagstart. Matagal talaga. For me, mas practical to apply online while doing my best to perform my previous job. Hindi pwede matengga eh and di keri ng budget na magpunta dito to jobhunt. Hahaha.

    If you have the resources, you may go here to look for the job. Bring in patience with you. Goodluck!
  • edited December 2017
    @goblinsbride will bear that in mind po thanks... ako kasi medyo decided na talaga na pumunta dyan... If wala pa akong mahanap pag dating ko dyan balik ulit ako Thailand hehehe (April Hiring na rin dito) Nag Business English Instructor kasi ako dati for 5 years sa isang university dito before ako nakalipat sa Warehouse and Logistics as Manager. kaya di ako mahihirapan maka pag trabaho dito if ever yun nga lang medyo maliit talaga sahod... May nakita din ako postings na dyan ako apply tapos ang work is Asian Countries... isa din po yon target ko kasi I can speak Thai Language Fluently naman po kaya baka palarin at Thailand din Bagsak ko with SGD rate hhehehehe
    ... Bahala na talaga si Batman heheheheh
  • @goblinsbride thanks po... pagnakakuha ako ng work na okay dyan manglilibre ako ng kape and pizza ahahahahaha sa mga mihilig mag kape dyan may bagong member na kayo ( si Ako) hehehe Certified Coffee Addict hahahahahha
  • Hahahah! Coffee addict din ako. Pero parang di bagay ang pizza and coffee combo :D
  • edited December 2017
    ahahahha @goblinsbride coffee muna then Pizza later hehehehehe by the way ano coffee iniinom mo? dati kasi Hot Americano ako but no'ng nag transfer na ako work wala ng time para mag tambay sa coffee shop kaya change to Iced Latte hehhe mahirap kasi mag drive while drinking hot coffee ehehehhe Mas lalo akong na addict sa coffee dito sa Thailand grabee ang mura ng coffee dito hehehehehhe how about dyan? mura bah?
  • Thanks po sa mga suggestions. Ok lang po sakin kahit harsh. Matagal ko na din po kasing gusto magwork sa sg. Thanks ieedit ko po uli CV ko. Habang andito pa po ako philippines nagpapasa pasa na po ako tapos yung binigay ko pong number sa CV ko sa tita ko kasi she live there PR na po siya diyan balak na po kasi niyang mag philippines for good kaya sinasamantala ko na po habang andyan pa siya. Sana po makakuha ka ng work diyan @Knight69 :)
  • @Knight69 Hmmm...mahal ang kape dito if you convert sa pesos. Pero since may libreng pa-kape and pa-snacks naman dito sa office...ito na lang sinusulit ko.. tipid hahaha. Iced latte din ako with pump of hazelnut. hahaha.
  • Hello @katherynsg123! As I mentioned, if you have the resources and you think you can do it, go ka lang dito to find one kagaya ng ibang mga lahi. Yung isang nakilala ko dito, European. Nagbakasyon. Nawili. Naghahanap ng work dito. Ayaw ka lang din naman namin paasahin. Mas maganda ng alam mo yung totoong ganap dito before you go. Kung para sayo, makukuha mo taaga yan kahit nasaan ka man :) I wish you all the luck!
  • @katherynsg123 mas okay pala situation mo kasi may tita ka na PR... Which means Whom you know applies for you... For sure dami na connections tita mo dyan and very important factor to land a job is referrals... and di ka na rin mahirapan financially kasi may mag aassist sayo pag medyo gipit na... sa akin kasi medyo sariling kayod hehehehhe
    anyhow, sipag at tiyaga lang talaga pag nasa ibang bansa.. heheheh I was 21 years old din when I fisrt came to Thailand walang kakilala plain tourist nangangapa but I did manage to survive... hehehhe kaya I di na rin ako masyadong natatakot makipagsapalaran dyan heheheh.... Risks might be high but fortunately, I eat risks for breakfast hehehhehe..
  • @goblinsbride naku ma lessen na cguro coffee ko pag dating dyan hehehe normally nag aaverage ako 3 Iced latte per day and 2 black coffee sa office heheheh baka pag dating ko dyan 3 in 1 nalang muna ahahahahaha pero pag naka land ako talaga ng magandang work.. promise papa kape ako hehehhe
  • nako, kalma kalma sa kape. nakaka-nerbyos! hahahaha. Bisita ka muna dito. @Knight69
  • @goblinsbride di nga ako makatulog if di ako maka kape after 6 Pm heheheh OO punta talaga ako dyan this Feb... Okay na naman takbo ng Company dito kaya kampante na ako na umalis hehehhe naka pag book na rin ako ng ticket and hotel accomodation for 3 days tapos hanap na ng matitirhan yong medyo mura lang kahit 4 sa isang room ayus na ako doon hehehe first time ko nga sa Thailand before 20 kami sa isang room tapos palitan sa tulog yong iba laro tong its pag may babangon swerte na kasi napa kaliit ng room hehehehehe
  • Hi po! @Knight69 Sabi nga po ni tita mas maganda maghanap ng work SG after chinese new year so goodluck po. All the best :)
  • @katherynsg123 good luck sa atin hehehehhe advance merry Christmas dyan...
  • Hi po! nakakatuwa na ang dami natin makikipag-sapalaran sa sg this year, punta po ako this feb, yun nga po din bibili ng local sim and to some calls to some companies, and hopefully they'll be able to notice my cv, mga november nag send na din ako ng cv, may mga emails. pero hindi rin nag push thru, buti nalang libre po yung titirhan ko, im a software qa analyst, hoping na makakuha din ng same job sa sg, dasal lang po talaga and kung kelan ilan days nalang before ng flight lalo ako kinakabahan and nagdadalawang isip, pero yun nga walang masama if susubukan, buti nalang din mabait manager ko dito, pinayagan ako mag leave and indefinite leave for a month
  • dinidiscourage ko po yung mga nag wawalk in kasi base lang sa experience ko. maraming pinoy nag wawalk in sa office namin. tapos nag ask mga colleague ko bakit palagi nag wawalk in mga pinoy. ang sagot ko naman masipag kami. pero sabi nila wala daw silbi kahit nag effort sila mag walk in, ang importante is exp and laman ng CV.
  • @Samantha1 tama ka dyan, dami na nakakapansin dito niyan na may mga kabayan na na para bang nag do-door-to-door sa pag hahanap ng trabaho, di nila gets bakit daw ganun, parang iniisip nila na inefficient kasi nga smart nation dito na halos lahat ng trabaho eh online. Pupunta ka lang kung pinapapunta ka otherwise abala lang yung pag walk-in mo.
  • madami kasi pinoy kala pwede dto yung ganun style, naranasan ko din mag walk in kaso yung pinunpuntahan kong walk in is naka advertise sa newspaper....dko na try mag walk in sa mga company na wala namang advertisement...

    Advise ko lang sa mga mag aapply check nyo CV nyo try nyo update base sa experience nyo at sa mga requirements na naka post sa mga jobportal...kung sa tingin mo tugma sa mga experience mo yung requirements nila mas maganda kopyahin mo nalang or ihalintulad mo yung experience mo sa mga posting sa jobsdb/jobsstreet pra mas madali ka makahanap ng work
  • Sa 22o lng nrereciv nmn nla mga applications nyo natatabunan lng kc sa dami ng applicante at bka lng hnd kayo nashortlist kya wlang calls. sayang ang oras sa walk in kya dpt sipag sa pgapply thru online, ayusin dpt ang CV mo unahin ang skills, work exp, projects (if any), certs (related to work), education etc...Be very patient lng at swertehan din.
  • share ko lang experience ko during the time na nag apply ako usually mga 11 pm hanggang 4 am ako nag send para pag gising or kinabukasan magbubukas ng emails ang mga employer nasa unahan ang application ko tyagaan lang talaga wag kayo mawawalan pag asa samaha nyo dasal....kay LORD ka nalang kumapit di ka nya pababayaan
  • Ok lang po na ilagay yung FIN# sa Resume para mapansin ng employer? Nasa pinas po kasi contact # ko and address or wala rin po yun bearing sa employer? Thanks.
  • walang bearing yan...unless ung field mo is talagang out of this world na hindi kaya gawin ng mg aloks dto and really necessary sa company. Yung tipong hindi makaka survive ang company kung walng ganung position......
Sign In or Register to comment.