I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Funny Experiences in SG

Nakaka-five pages na ko ng forums wala pa kong nakikitang thread na ganito.

Share nyo naman funny expriences nyo dito, lalo na nung bago pa lang kayo. Nakaka-two weeks pa lang ako dito, parang pwede na ko gumawa ng "misadventures" blog. :lol:
«1

Comments

  • Dahil baguhan pa ako, hindi pa ako sanay sa Singlish.

    Sa hawker - pumunta ako sa bilihan ng beverages.. may menu naman, pero walang mga presyo.

    Me: Auntie, milk please.
    Auntie: huh?
    Me: Milk - milk.
    Uncle na kasama ni Auntie sa stall: She buying milk. Milk only.
    Auntie: Ahh. (gestures) Three huh?
    Me: Okay.. (thinking ang mahal naman ng gatas dito.. bakit ung soya milk 1.40 lang..)

    Pagbalik ni auntie may dalang tatlong baso ng gatas. Mainit.

    So pinanindigan ko na lang. Pawis na pawis kong inubos ang tatlong basong mainit ng gatas sa hawker. :lol:
  • Ito pa.. sa hawker ulit..

    Tinignan ko ung menu, at dahil mas madalas na hindi ko maintindihan sinasabi ng nagtitinda, pag umoorder ako eh ung number lang sa menu ang sinasabi ko.

    Me: Four please (duck rice)
    Uncle: (sumigaw papunta sa kusina, ito ang pagkakarining ko) Four please!
    Me: (nag abot ng bayad) and extra rice please.

    Prinepare ni Uncle ung extra rice for take away. Tapos bigla sya nagdalawang isip.

    Uncle: Take away? Having here?
    Me: Having here.

    Ang sama ng tingin sakin ni Uncle. Para bang litong-lito sya. Inilagay nya ung extra rice sa tray ko.

    Maya maya pa, dumating na ung inorder ko. Porridge. PORRIDGE! SAKA EXTRA RICE! Kaya pala ansama ng tingin nya sakin. :lol:

  • Hahaha. Nood ka sa youtube ng singlish para masanay ka.
  • edited January 2018

    Eto pakinggan nyo. LINK

  • Hahhaha @ladytm02 parang gusto kita makasama magliwaliw jan.. Lol kaso dito ko pinas eh hahah...,
  • Thanks sa tips @maya and @AhKuan . Ganyan na nga ang ginagawa ko ngayon, saka inaaral ko na ung basic words.

    @buBbles antayin kita makabalik dito, heheh. Ndi kita sasamahan magliwaliw ngayon kahit andito ka na. Kasi sakto lang baon ko! :lol:
  • Mas malala ung nangyari sa friend ko, nakatatlong interview sya kaso sobrang hirap sya intindihin ang singlish, so di sya makasagot sa interview nya. Pardon sya ng pardon hanggang maggive up ung interviewer sa kakaulit ng tanong. Atlis sa hawker pa lang ung exp mo haha
  • edited January 2018
    @ladytm02 hahaha nakakatuwa naiimagine ko pa din ung kwento mo.. Sige ha.. Pm kita pag nakabalik na ako ulit sakali hahah..

    Ate @maya ayyy grabe yon.. Siguro purong puro naman un singaporean or matanda na.. Hehe

    May naalala tuloy ako last 2015 nung nag. Mcdo ako ang order ko kay auntie 1 value meal na mcspicy tapos sabi ko ung drinks pwede ba kakong iswap ng milo.. Pagdating ng order ko dalawang milo drinks ko ampupoo tinignan ko kagad receipt sakin talaga.. Ayon napilitan ko tuloy ubusin un at take away ko pa ung isa sa kabusugan...
  • edited February 2018
    Unang kain ko sa hawker, after ko pumili ng ulam sabi ng nagtitinda "you want kali ah (curry)" , sabi ko "what is that?" , uncle "kali,kali, gleybi,gleybi(gravy)" . Akala ko kare kare gravy, tapos kakulay ba ng kere kare souce. Nilagay nya sa top ng rice ko like no other business..nung tinikman ko sobrang anghang pla di ko nakain yung pagkain ko, namula tenga ko. Tipid more pa naman ako noon kaya nag biscuit nalang ako sa opis pantry. Now i eat curry like no other busines..hahahaha..
  • edited February 2018
    first time ko mag take out ng mainit na kape dahil male-late na ko, nilagay sa plastic...may straw pa!


  • this may help u, ken or kennat? :D
    can.PNG 45.6K
  • edited February 2018
    Yung kapag nagbaon ka ng food sa ofc, tatanungin ka: you cook yourself ah?
  • ungasisungasis AMK
    edited February 2018
    Nung first time ko marinig sa mga kasama ko yung hawkers akala ko hooters, at yung take away instead na take-out. At yung pagbukas mo ng pinto ng kotse or taxi at sabihin sayo ni uncle you wan drive ah??? At magtanong ng salitang tagalog sa ibang lahi na kahawig natin yun pala bahasa dahil nagkaligaw-ligaw ka na sa bus at mrt na ang akala mo napakalaki ng bansa nila.hahaha! That was 12 years ago,kaysayang balikan ng pagiging baguhan
  • Ung 3 bus stop kalang dapat (tampines area), tapos napunta ka sa Khatib ng di oras. maling linya pala napilahan ko at diko napansin ung bus number haha (9 yrs ago)

    di makababa kasi expressway ang daan. haha
  • Closing shift ako tapos wala akong internet data. Akala ko unit na nmin yung tapat ng pinto, naweirdohan pa ako kase may chinese decors sa pinto. Pano ko naverify na maling pinto yun? On ko ung wifi sa phone ko, ayun di nag connect. Baba ako bigla, sa kabilang bldg pala ung flat nmin haha
  • edited February 2018
    Haha keep it coming guys! Since 2 weeks pa lang ako dito.. Dadami pa yan.. Hahaha :lol:

    @buBbles antayin kita! By that time hopefully nabawi ko na ung 1st month expenses ko, treat ko na, haha!
  • @ungasis ung take away.. Unang dinig ko nya di ko tlga maintindihan kaya um-oo na lang ako.. Ngayon alam ko na sabihin ung "havi hee (having here)" saka "tekaweh (take away)" hahaha. Ung can can ndi ko pa namamaster..

    Pqg aralan ko mag paste ng pic dito, meron akong guide for buying coffee.. :)
  • yung first time mo sa Mcdo tapos nag order ka sinabe mo takeout sagot sayu huh di nila maintindihan kc yun pla alam lang nila take away or having here kasalanan mo pa humaba pila hangng sa nauwi sa sign language nlng sia pa tong badtrip lol
  • edited February 2018
    @ladytm02 hahaha sabi mo yan ha.. Ayos din tong thread na sinimulan mo dami ko tawa sa stories nila.. Atleast natututo tayo dito oh...
  • @geneFlynn totoo yan, naeexperience ko pa yan until now.. Tapos ramdam mo naiinip na ung nasa likod mo hahahah sarap lumubog na lang sa lupa
  • Eksena sa office kanina.. Yung officemate kong chinese, nagbigay ng 2 packets ng empty ang paos..

    Me to seatmate na pinoy din: para san to?
    Seatmate: wala lang, baka may gusto ka lang bigyan ng pera. Parang tayo pag pasko.

    Me: akala ko kailangan lagyan ng laman tapos isasabit somewhere pra kainin ng dragon dance.. Wala pa naman ako pera.

    :lol: seryoso kinabahan tlga ako. Kung lalagyan ko ng laman lahat ng ang pao na un, di na ko kakain ng 1 week. Haha
  • @ladytm02 wait kalang dyan at magkakaroon ka ng ang pao na may laman.. may extra money kana soon.. :)
  • @Vincent17 Kuripot mga co-workers ko.. ung boss lang nagbigay ng ampao sakin! kala ko ba marami pag single? haha
  • @ladytm02 lagyan mo ng $1.68 masaya na sila dun
  • bump! baka may new experiences kayo, share nyo naman!

    sakin itong bago ay hindi funny, but stressful.. so aattend ako sa kasal ng anak ng boss ko... grabe pala, dapat pala dito may pulang sobre tapos ang expected na laman eh ung presyo ng isang round table divided by number of people +20%! eh dahil nga anak ng amo eh sa mamahaling hotel ito.. aray sakit sa bulsa, haha!
  • @ladytm02 yap, masakit nga sa bulsa yan. pero ganyan talaga lalo na pag chi ang ikinakasal. may market price pa sila dyan.

    https://blog.moneysmart.sg/wedding/singapore-wedding-banquet-price-list/
  • nung unang pahahon na medyo konti pa Pinoy, habang nag-tootbrush ka after lunch... laging may magtatanong, breakfast huh???

    magtanong sa saleslady kung may stock (stAk) ang sasagot DON'T HAVE. pero pag na-realize mo na at tinanong sila kung may stock (stOk), sasagot ng YA, have STOK.
  • @kabo nastress ako lalo sa link no'ng makita ko. Hahaha. wow, andito ka na nung konti pa pinoy.. ^_^
  • Ako sanay n ko maligaw. ineenjoy ko n lng dahil safe namn dito at magisa lng nman din ako dito. Started working here last Jan 2019.
Sign In or Register to comment.