I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Immigration Questions for an Exit

Hello po mga kabayan!

Balak ko pong mag-exit this coming Friday to JB and will comeback here in SG on Sunday evening to get another 30 day extension.
Hingi lang po sana ako nang advice sa inyo mga Kabayan kung ano po ung usual/possible na itanong sakin nang Immigration pagbalik ko dito sa SG.

Note: Meron po akong return ticket pauwi nang pilipinas (26th of Feb)

Hoping for your response mga Kabayan.

Kind regards,
Broken

Comments

  • edited February 2018
    Anong purpose bakit babalik ka ulit sa sg eh nakapagstay ka naman na ng several weeks? Sinong tutuluyan mo? Minsan wala na tanong, A-A, or follow the ticket pag pinaghinalaan kang naghahanap ng trabaho.
    Tapos JB pa, angliit ng chance mong makabalik ng sg pag jan ka nagexit. Pati immig sa JB, qquestionin ka din. Alam na kasi kalakaran na exitan tlg ang JB. Swertehan lang siguro tlg ung nabibigyan ng 30days pagbalik.
  • hello po, how about Bintan or Batam mag exit?
  • Same. Ung friend ko kakaexit lang sa bintan, nakikilan pa ng immig dun. Pagbalik ng sg, nafollow the ticket din sya. Ung iba, sa bangkok or phuket nageexit. Mas costly nga lang. Tsaka wala pa rin assurance. Dpende pa rin sa matatapatan mong io.
  • Medyo mahirap na mag-exit right now. swertihan na lang din siguro. base sa kwento ng friend ko, mas talamak din ang corruption sa bintan or batam.
  • Medyo mahirap pag sa jb ka nag exit though dun ako lagi nag eexit. So far laging pasok sa banga ang pag re entry ko sa sg.
    Mas ok kung sa kuala lumpur ka manggagaling, malaki ang chance mo na maka 30days ulit.
  • Mas malaki ang chance mo if pabalik ka ng SG from KL via plane, or pahinga ka muna ilang weeks sa ibang bansa malayo sa SG like Thailand.

    But to be honest, swertihan nalang talaga sa IO. May iba nakaka-extend padin via JB. May iba naman napapa A to A kahit nag KL. Don't think too much sa exit siguro, ang dapat mo isipin is yung back up plan mo if your plan fails.
  • Hello po mga Kabayan,

    Thanks po sa lahat nang advice nyo. Nakabalik na po ako nang SG via JB. Wala naman pong naging problema. Nabigyan po ako ulit nang 30 days. Thank you Lord! Sana po makahanap nako nang work dito.

    Godbless po.
Sign In or Register to comment.