I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Help Guys. . Naharang sa SG Immigration si GF when the time pauwi na kami nang Pinas ( Need Advise )

edited March 2018 in Uncategorized Topics
Hello Pinoy SG community. .

Ask ko lng po sana ung sa case nang Girlfriend ko regarding dun sa last na uwi nmin pabalik nang pinas. . .
Last week po kc nagdecide po kami nang Gf ko na umuwi na muna cia nang pinas ..sinamahan ko po cia pauwi .. . Unluckily Nung pauwi na kami naharang nmn cia sa immigration nang SG . . . . Madami tinanung sa knya sa loob. . tpos may lumabas na immig officer pra kausapin aq. . regarding kung panu aq naging related sa knya. . . Also tinanung din nia kung anu2x ung ginwa nia dtu nung nag stay cia nang 2 months at kung sang lugar kami madalas nagppunta. .. Sabi nia din na ung purpose nun is "random checking" daw that time. .

After long time of questioning. . sinabihan ung GF ko na may mga mali daw cia nagawa like hindi daw nia dadeclare nang maayos kung ilang araw tlga ung stay nia dtu sa sg sa embarkation nia. . Sinabihan cia nang i.o. na di na daw cia makakabalik dtu sa sg nang cia lng magisa kailngn daw atleast may letter of invitation daw muna bago cia makabalik . . tinanung din nia sa i.o. if ban cia sa sg pero ang sabi nmn nang i.o. hindi nmn daw. . . also wala din tatak nang kung anu ung passport nia. . pero kinuhaan cia nang details like picture and fingerprints. . .

Etu sna ung concerns ko na kailngn kopo nang advise nio
1. Big offense npo ba sa SG ung di na declare nang maayos ung date nang stay sa embarkation ( naka 2 times na balik na kc cia dtu . . ung last na punta nia naka 2 months din cia na stay dtu at hindi rin nmn po naka declare sa embarkation nia sasagad cia nang 30 days pero hindi cia naharang nung time na un. . )

2. Possible po ba na makabalik po cia agad dtu sa sg ulit or need mag stay nang matagal muna sa pinas??? pde ba na aq ung magbigay nang invitation letter sa knya khit spass lng aq???

3. Consider na bad record na ba un case nia ?? i mean if ever na babalik dtu cia mattrace po ba un agad at gaano po kya kahirap bumalik dtu knowing na may gnyan na kaming case. . .

4. required napo ba na every time na babalik cia sa sg kailngn may letter of invitation prti?? possible pa po ba na makapgstay cia ulit dtu nang matagal pra sumubok ulit maghanap nang work???


Nag stay po kc ung Gf q dtu sa SG for 2 months last year and 2 months din po ngyon year . . nagbabasakali na baka makahanap din nang work dtu sa sg. . since nagtra2baho din aq dtu ngyon. . kso di pinalad kaya napilitan kami na umuwi nlng muna cia after 2 months na stay nia dtu . . ginamit po nming way is 1 month stay dtu sa SG den exit sa indo for 1 month stay pa. . smooth nmn ung exit ..

Salamat po sa mga sasagot .. .Khit mrami beses na po kami nabigo na makahanap cia nang work dtu . di pa rin nmn po kami sumusuko. gusto pa rin sana nmin itry na bumalik ulit cia, ( ang kso sa case nmin ngyon kailngn po tlga nang advise nio .. pra rin po sana if ever na magtry ulit kami. . may peace of mind npo kami at di na magiisip nang kung anu anu pa )

Thanks

Comments

  • Nabago na naman siguro ang rules? Actually pag tourist, pwede siya dumaan na lang sana sa automated exit, ung i-scan lang passport and finger print. Walang IO dun.
  • 1. Big offense npo ba sa SG ung di na declare nang maayos ung date nang stay sa embarkation ( naka 2 times na balik na kc cia dtu . . ung last na punta nia naka 2 months din cia na stay dtu at hindi rin nmn po naka declare sa embarkation nia sasagad cia nang 30 days pero hindi cia naharang nung time na un. . ) - maski saang bansa ang embarkation card is considered as a legal document, kaya nga kung ano nilagay mo dun sundin mo.

    2. Possible po ba na makabalik po cia agad dtu sa sg ulit or need mag stay nang matagal muna sa pinas??? pde ba na aq ung magbigay nang invitation letter sa knya khit spass lng aq??? - Since pareho kayo nainterview ng IO, siguro naman sinabi mo na GF mo sya baka i-take into consideration yon. If I were you patagalin mo muna sa pinas GF mo.

    3. Consider na bad record na ba un case nia ?? i mean if ever na babalik dtu cia mattrace po ba un agad at gaano po kya kahirap bumalik dtu knowing na may gnyan na kaming case. . .- Yes. Wala man nilagay sa passport nya, pero sa system ng mg IO me remarks na, so me headsup na sila.

    4. required napo ba na every time na babalik cia sa sg kailngn may letter of invitation prti?? possible pa po ba na makapgstay cia ulit dtu nang matagal pra sumubok ulit maghanap nang work??? - not necessarily dapat me invitation lagi. Of course, pede pa sya bumalik since sinabi naman ng IO na di sya banned dito. Ang question lang don is kung papapasukin sya, me mga IO na sobrang higpit.

    Dasal at tiwala lang. Kaya nyo yan.
  • edited March 2018
    marami kasing mga babae na gumagawa niyan dito sa Sg hindi lang mga galing Pinas, kundi pati mga galing sa kapitbahay na mga bansa sa asya at mga taga Eastern EU at RU. Yan yung mga babae na gumagawa ng illegal na pagpapaligaya kapalit ng $. Na flag yung GF mo dahil magkasunod na taon niya na ginawa. Ibig sabihin nagiging routine na kaya napapansin. Same modus, papasok sa turista declare na stay lang ng few days, 1 week or 2weeks, pero inaabot dito ng 2-3 months.

    Hindi siya ban, pero parang flagged na siya so posible na everytime na lalanding siya eh pwede siya matanong o pwede din naman na hindi, pero kung wala naman tinatago at ginagawang illegal, wala dapat ikatakot, tuloy lang ang trip at pag bisita. Alam din naman ng Immig na wala sila evidence sa suspicion, kaya di hindi nila binan yung GF mo.
  • if walang tatak na ban sa passport, pwede naman sya makabalik. If every year na 2 months sya staying and lalo na mali ang info sa disembarkation card (falsification of document), it will definitely caught their attention. Patagal muna sya sa pinas. Make sure to put correct info and ingat na lang din next time, don't push it too much. If nakalusot ng una, it will not guarantee that makakalusot ulit sa susunod. Goodluck!
  • Try mo sa susunod na punta nia kasama nia family parents ganun, malaking problema pa din kc dito yung overstaying na ibang lahi lalo na sa babae, dun naman sa letter of invitation alam ko nakakakuha lang nun eh PR hahanapan talaga siya nun kc 2 months sia nag sstay dito pero kung tourist lang alam nila na sa liit ng bansang to kahit 1 week naikot mo na.
  • edited March 2018
    @NejiRed Don't think so much! sadya lang na narandom check GF mo. Important she's lawfully cleared. Samahan mo sya ulit! You will never know until you try. Cheers! Ipanalangin nyo nalang na mabait yung susunod na IO! God bless
  • @maya . .
    Actually dumaan po tlga kami sa automated exit ni GF . . nauna po aq den sunod cia. . . ang sabi nia nagcleared nmn daw ung sa knya sa finger prints at passport scan. . ang naging prob lng is hindi agad bumukas ung pinto .. so napansin cia nung imig officer kaya ata nag decide na isama cia sa random check
  • Salamat po sa inyu guys mdyo na clear ung mind ko nang konti . ..
    Actually nung 1st try po kc nmin. . di nmn din naka declare sa embarkation nia na mag sstay cia dtu nang 30 days. . nung time na un khit naka exit na kami di nmn cia naging issue. . .

    netong pangawala lng natanung. . which is napakamalas na tagpo haiii ..

    Hopefully sa susunod na balik nia dtu maging smooth nmn ung pagpasok nia. .
    Thanks sa lahat nang Advise.






  • Ask ko lng din po ulit sana. . .

    Diba sa embarkation dpat nakalagay kung ilang days ka magsstay dtu.. .what if in some case magdecide ka na kunin ung prebilehiyo of staying 30 days here in sg . . .

    is there any method na kailngn mo cla mainform or something . . ?? hindi po ba pde sabhin na oo nung una 1 week stay lng balak mo. . . den sa huli nagdecide ka na 30days pla ung mas makakabuti sau . ..
  • @NejiRed hindi na need inform ICA kung mag decide ung turista na i-max yung initially short-stay to full allowable stay ng turista na 30 days.

    Ang isyu lang kasi kung frequent visitor na frequent na ginagawa yung ganun, nagkaka roon na ng profile yung turista, eh isa sa primary job ng immigration ay yung mag busisi sa mga tao na posibleng gumagawa ng illegal activities sa bansa nila. Common yung mga drug mule, prosti, human trafficking, scams, etc etc. Daming ganyan cases dito na turista ang mga gumagawa. Kaya yung mga ganyang cases na frequent turista na palagi nag mi-misdeclare ng info sa disembarkation card eh na f-flag yan.

    Might as well be up front na ilagay na 30days ang inteded stay lalo na kung frequent na visitor.
  • Hi @NejiRed actually, (in ASEAN countries) they will give you 30days Entry SVP except from special cases.
  • Pede mag automated exit kahit tourist?
  • @maya depende yan kung naka register yung PP mo sa system. usually yung mga may pass lang may grant nito.
    i remember, when my pass and same time my PP newly renewed was not. Unless iba na ang regulations na at accepted na pati tourists.
  • edited March 2018
    Nope. New passport ako nun. Ung 2 friends ko bagong tourist dito sa sg. Pagkapasok namin sg, pinagthumbprint kami ng io. Then binigyan kami ng parang pamphlet informing na pwede na sa automated exit ang tourist. So nung paalis na kami ng sg, triny namin un. It worked naman. Bago lang to, mga last quarter ng 2017 namin natry.
  • @carpejem pwede na po... Last may nung exit ko dun na ako dumiretso po... Hehhe un lang di ko na nabgay ung copy ng immig. Card. So far nung balik. Ko nung nov. smooth naman.. pero nung exit ko nung dec. Pumila na ako baka makadalawa akong immig. Card na di maisauli eh.. Hehe kahit gusto ko ng sa automated dumaan..
  • magandang balita yan! yun din iniisip ko , saan ilalagay White card?
  • pwede lang pag palabas ng SG at hindi overstaying.
    pag pa-pasok kailangan sa IO pa din.
  • Nasakin lang din ung embarkation card.
  • yun nga po ehh... kaya tuloy naging souvenir ko na heheh
    yup pag.exit lang po yun... ;)
  • @NejiRed ako din last March 7 pag-uwi ko from 5 days visit sa SG. pang 2nd time ko na Automated exit ito mabilis sa passport and boarding pass then ang tagal ko sa finger scan, I've tried 8 times pinunasan ko na lahat yung finger ko then ayaw talaga then palapit na yung SG IO then I tried yung kabila ko na finger and it opened hindi na dumiretso yung IO, baka nga may random check sila kasi madami nakabantay sa counter nila. Pati sa boarding gate automated na rin, ganda sa T4.
Sign In or Register to comment.