I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Two Times Exit in Malaysia

Hello po mga kabayan!

Hingi lang po sana ako ng advise. Pa2nd month ko na po kasi dito sa Singapore. Nagexit po ako last time sa KL. Bus to KL sa may Tuas ang daan then plane pabalik ng SG. Okay naman po, natatakan uli ako ng 30days. Ngayon po, nakakuha na ako ng work, this week pa lang iaapply yung SPass ko, pero mukhang di po sya aabot kaya kailangan ko ulit magexit. April 5 po kasi expiration ng visit pass ko.

Safe po bang lumabas ulit ng Malaysia, sa JB po sana? Tapos dun ko na hihintayin approval ng IPA ko. May nagsasabi po kasi na baka magtaka ang immigration ng Malaysia kasi babalik na naman ako sa kanila.

Maraming Salamat po! :)

Comments

  • @Maui123 wow congrats kabayan God is good!!! mejo risky nga yan kasi kakagaling mo lang sa MY. Why not ibang bansa nalang para wala ka ng iisiping stress sa IO?

    Balitaan mo kami.
  • congrats!

    Pwedeng indonesia naman this time or bangkok or anywhere.
  • @Maui123 you can still exit to MY, i did last time
  • @carpejem wala naman pong tanong sa immigration sir?
    @Kebs @goblinsbride yung JB po kasi pinakamura since ubusan po talaga ng ipon ang maghanap ng work dito sa SG. HAHA. pero kinokonsider ko din po ang Batam or Bintan, san po ba mas maganda sa dalwa? hehe.

    Maraming Salamat po sainyo! :)
  • be careful na lang din sa pag exit sa bintan or batam, talamak din daw kasi ang corruption dun. nabalita na dito before.
  • @goblinsbride nabasa ko nga po. baka po sa JB na lang ako. hehe
  • @Maui123 Hi, I actually had the same experience with you. The first exit I had was JB then na follow the ticket ako pero good thing na may nahanap ako na work that time, pero like you hindi aabot kahit dati mas mabilis ang processing ng pass. I needed to take another exit. Nung second time ko I went to KL instead via plane nga lang then travel ako sa JB tsaka ako nagantay ng approval ng pass. Luckily, it got approved pero 5 days lang nung time na yun 2015. Para sa akin lang ha? Ok naman I guess na mag exit ka sa JB pero may nabasa ako dito na kahit palabas ka SG meron iba naququestion. Ewan ko lang din. Just keep on praying yun talaga pinakamalakas na weapon mo. Kapit lang! :) Share ko din, meron kami bago hire pending pass nya March 14 pa inapply pero until today, it's still pending. Good Luck and God Bless.
  • @maui hi ask ko lang ano tanong sayo ng sg io pagbalik mo dito? Male ka ba or female? Thank you
  • Hello po. Update ko lang po kayo. Sa JB po ako nagexit last Sunday via KTM Train (5sgd). Wala naman pong naging problema, may nabasa po kasi ako na mas maluwag Immigration pag train kaya yun sinubukan ko. okay naman po. walang tanong tanong :) I'm currently staying po sa Mina's Transient House dito sa JB habang nagiintay ng approval ng SPass :) sa mga exiters sa JB, maganda po tong transient, 12sgd lang per day kasama na ang 3meals. May pool pa sa baba :D

    Salamat po sa lahat ng mga sumagot! :)
  • @nurseG Girl po ako :) tanong po sakin pagbalik ko sa SG from KL? wala po e. hehe. ni hindi po hinanap return ticket ko. Haha. swertihan lang po talaga sa matatapat na IO :D
  • Salamat sa tips. Para sa mga nagbabalak mag-exit. approved na pass mo? @Maui123
  • @Maui123 nasa JB ka pa din ba now? Yung sinasabi mong wala naman pong naging problema sa immigration is yung exit from SG to JB mo?
    Wala naman talaga issue sa immig kapag palabas ka ng SG, wala na paki yung IO sayo kung palabas ka ng SG na wala naman record na ginawang masama while your in SG. Yung mga common issues na na haharang o deny entry eh yung mga papasok na ulit ng SG.

  • hello @Maui123 and all ask ko lang saan ka nakabili ng KTM ticket? may online ba? thanks

  • @goblinsbride yes approved na po pass ko nung bumalik ako ng SG. yung IPA po papakita sa immigration ng SG para makabalik uli ng SG :)
    @tambay7 may friend po kasi ako na nahold papasok pa lang ng JB hehe. 2hours daw syang nahold don kaya po mejo kinabahan ako.
    @seph_tember yes po. sa easybook.com po.
  • thanks @Maui123 approved na din sya at thanks God di na sya nagexit. salamat sa lahat ng reply dito.
  • @seph_tember ilan days na approved pass mo
  • 11 days sa friend ko. mine is 14 days...including weekend po..
Sign In or Register to comment.