I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Pass on appeal but have new job offer

Hello mga kabayan. Gusto ko lang sana humingi ng opinion or advice na din. Yung boyfriend ko kasi nareject yung pass niya last month under agency tapos it took 2 weeks before na appeal na actually di na kami umasa na iaappeal pa kaya naghanap kami ng bagong agency. So nagpainterview ulit siya sa mga bagong employers. Kahapon nagupdate si 1st agency na na-appeal na nila yung pass ni bf so wait na lang ulit. Quota daw yung reason pero naayos na daw. Ngayon, si 2nd agency kinukulit kami kasi nakapasa siya sa isa niya ding interview at job offer na daw. Dinedecline na namin kasi di naman pwede na 2 ang pinaprocess sa mom. Sabi ni 2nd agency mahirap magrisk sa appeal kasi matagal at gaano kami ksigurado na this time maaaprove na siya so iwidraw na lang daw namin yung appeal at mas mabilis daw ang bagong application.

Ang questions ko lang:
1. Worth it kayang iwidraw at guluhin pa yung process nung appeal para sa new application?
2. Or mas ok na maghintay na lang kami sa appeal? Kasi sabi naman ni 1st agency naresolve na yung issue bakit nareject yung pass.

Ang gulo lang kasi gusto lang naman namin na maging ok na yung pass niya kasi last year pa siya naghahanap ng work dito sa sg at nakapagexit na ulit kami kasi yung 1st month namin naghintay lang kami nung pass niya kaso nareject.

Thank you sa makakapagsuggest ng ano pwedeng mas maganda gawin.
«1

Comments

  • You can still apply for new Pass, still okay. No matter he need a job.
  • @carpejem hindi pwedeng sabay yung application diba? Sorry naguluhan ako sa sinabi mo.
  • Hindi pwedeng may sabay na parehong pending application, dapat ipa-cancel or ma-approve muna yung current appeal ni 1st agency para makapag submit yung 2nd agency.

    - Nasa interest ni 2nd agency to convince you na ipa cancel yung application ni 1st agency, remember sila ang kikita.
    - Worth it? Mas kayo ang nakaka alam ng worth nung job kaya kayo ang makakasagot, appeal can take weeks, kaya nasa sa inyo ang risk assessment kung mag hihintay kayo nun o mag risk na i-cancel then apply si 2nd agency, pero ano assurance na ma aapprove yung application ni second agency? Wala talaga assurance di ba.

  • @tambay7 tama ka. Nagulo lang siguro kami ni 2nd agency. Nagdecide na lang kami na wag na guluhin ang nasa mom na. We just need to believe na this time maging maayos na. Pasasaan man at magiging maayos din lahat. Salamat. God bless everyone.
  • @nurseG Oh so sad to hear na rejected pass ng boyfie mo :( Hold on lang girl. Pag will ni Lord na magwork sya dito kahit ano pa yang pagdaanan eh maayos din. Still don't lose your faith sa kanya. Test lang to. Share ko lang ulit pero na mention ko na din un dito sa isang topic na meron ako kilala yung appeal nya took around 1 month or more nga ata kc rejected din una tapos inappeal. Luckily, for her it was worth the wait kc na approve din and nakabalik sya na very smooth kahit tourist sya ulit pabalik dito. Bumalik na sya sa Pilipinas that time and dun nag abang.
  • edited April 2018
    @PinkPasta yes sana nga worth it kasi pinili namin yung appeal. Hanggang may 3 pa siya dito then april 6 naapply yung appeal. Pag may mga success stories akong nababasa dito ng appeal medyo nababawasan yung kaba. Sana this time maging ok na lahat kasi last year pa siya naghahanap ng work dito. Thank you sa pagshare ng experience ng friend mo. Sana ganon din kaswerte at blessed ang boyfriend ko.
  • @nurseG Basta wag lang panghinaan ng loob. If para sa kanya talaga yan para sa kanya. It may sound cliche but it's true. Believer ako nyan. On the brighter side, isipin nyo pa rin na at least may naka appeal na sya. Blessing pa rin kahit papano. Madami sa kababayan natin ni isa interview wala and umuuwi ng wala walang talaga. This could be just a test of faith kaya kapit lang. Good Luck! Sana next ko mabalitaan from you eh approved na.
  • Hi. Ask ko po if kapag nagre-appeal ba ang company, Rejected parin po ang lalabas sa status or babalik po xa pagiging pending? Ilang weeks po ang tinatagal bago lumabas ulit ang result kapag re-appeal?
    Minessage ko po kc c company na rejected ung pass ko tapos ang sabi is may mali daw xang na-key-in.
    Salamat po sa sasagot.
  • @qwerty talagang ganyan yung last result ang naka lagay. you need to wait for their system na maupdate. btw, usually days or a weeks, depende sa situation.
  • @qwerty yung akin nun rejected lng nklagay at d ngpending e.
  • @qwerty yes pending lang nakalagay. And nabasa ko din dito sa ibang thread na magpapalit lang siya pag approved na. Di na siya babalik sa pending. Sana soon maapprove na yung mga pass niyo.
  • @PinkPasta thank you! 5days pa lang since na reappeal. Medyo nakakainip at nakakakaba ang paghihintay. Sana maging worth it lahat.
  • @nurseG Sige lang just keep the faith. Ganyan naman tayo lahat once naka salang na ang pass kinakabahan. Look at the brighter side na lang na at least may inaabangan kesa wala talaga ni interview, db? Kaya kapit lang.
  • @PinkPasta exaclty 4weeks after ng appeal. Naapprove na spass ng boyfriend ko. After 5 re-entries in Singapore! God is good talaga.

    Napakalaki ng tulong ng forum na to. Dito lang ako lagi nagbabasa kapag may mga tanong ako kasi may mga nauna ng nakaexperience.

    Kaso kakauwi niya lang ulit ng Pinas nung isang araw May 2. Problema naman pano siya babalik dito sa sg.
  • @nurseG WOW!!!!! So happy for the both of you. Natumbok din. If you want a safer and smoother na pagbalik nya dito pag process mo na lang sya POEA. Ayan tyaga-in nya lang wala na kaba sa IO. Pero meron pa din kayo option na mag tourist sya pabalik dito KAYA LANG kakauwi nya lang. Red Flag girl.
  • @PinkPasta nakabalik na siyaa kahapon as a tourist kasi urgent na siya pinapabalik. Medyo risky pero tinry na lang din namin. Direct flight from clark to sg. Buti sa huling pagkakataon nakalusot naman siya. :)
  • @nurseG Galing galing. Ganun talaga if it's really meant to be na makabalik sya dito and mag work then it will really happen. Though d ko man kayo kilala ni boyfie, ewan ko basta I feel happy for the both of you, I really am.. :)
  • congrats.. lakas ng loob ng BF mo :)
  • @nurseG papuntahin mo na si bf mo sa POEA sa pinas para wala aberya sa pagbalik nya dto sa sg
  • @nurseG ilan days kayo nag antay from the 1st day nung pass up to malaman nyo ung result nung reject? And gano katagal ung appeal up to the IPA? Galing ng bf mo, para sakanya talaga yan. Congrats to the both of you!
  • @batmanburger hello eto timeline ng application niya

    March 9 application
    March 23 rejected
    April 6 appeal
    May 4 approved

    Thank you. Waiting na lang siya ngayon ng result ng medical para makahinga na ng maluwag hehe! Waiting ka din ba ng appeal?
  • @Bert_Logan nakabalik naman po siya ng maayos sa awa ng Diyos.
  • @Vincent17 oo nga eh. Sobrang relief nung nakalagpas siya sa ph io. Worth it ang mahal na pamasahe kasi biglaang book hehe! Salamat!
  • @PinkPasta thank you thank you din sa mga words of encouragement. Ngayon medical na lang para maging ok na lahat. After 8months of trying and praying, finally nagka pass na siya dito sa sg. God is good.
  • @nurseG LDR no more? congrats!
  • @nurseG Hi po, tanong ko lang po sana kung san kayo nagpa-medical for SPass and how much? Thanks po. :smile:
  • depende sa clinic... around $100+ , usually binabayaran yan ng Employer
  • 50-100 sgd ata. minsan, employer directly nagbabayad or minsan, pwede mo ipa-reimburse
  • dati sa raffles clinic, 58? meron pa mas mura jan, mga 30+, kaso nalimot ko na ano name ng clinic.
  • @nurseG @PinkPasta @pinoypinoypinoy ah so rejected pa djn lalabas sa EPOL kahit nag file na ng appeal si employer? Ang hirap naman magantay Kung ganun. Makiki update kna lang talaga sa HR.

    Na reject ung first apply sakin after 12 calendar days of waiting tapos nagfile na ulet si employer ng appeal. Looks like uuwi muna ako neto.
Sign In or Register to comment.