I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Did i make the right choice?

Good day kabayans! tanong ko lang po sana kung tama ba ginawa ko na d ko tinanggap ang offer saken. They already decided to go for me pero wala silang pass sabi nila sa june pa daw. but they want me to start tomorrow. sabi nila mag home-base po muna ako. while waiting sa pass pero ako naman na takot masyado d ako nag go kasi correct me if I am wrong diba bawal mag work o ano mang klase ng work specially foreigner pag walang pass mga kabayan?

Comments

  • home-base working in PH? or if SG not allowed.
  • home based sa pinas ka nian kc di ka naman pwede mag stay sa singapore ng wala kang pass tapos wala ka din assurance baka gawin sayo mag work for free kapa, para sken tama lang naman kc iniipit ka nila para wala kana time makahanap ng stable na work, gawin mo nlng sila backup sabhin mo babalik ka ng june. goodluck!
  • @LakingDavao Tama - No pass, no work. Assurance kamo, pano kung June na at nagbago isip nila or ma-decline pass? so nasayang 2-3 months mo. Me habol kaba kung di ka pasuwelduhin sa katapusan? Wala. Wala ka ding karapatan magreklamo kasi yari ka sa MOM ban ka dito nun pag nahuli ka,

    If they really want/need you, they will wait for the right time & legay way.
  • Sobrang tagal ng June at wala kang assurance na i-aaply ka nga nila ng pass sa June. Kung wala kayo contract at wala kang work pass, verbal agreement lang, di sila obligado na swelduhan ka, di ka din pwede mag habol kung di ka nila swelduhan. Napakalaking kalokohan niyan, sa 2 months dami mong magagawang work for free. Malay mo temp work lang talaga need nila. Walang nag bi-bind sa inyo as employer-employee kung papayag ka sa ganyan na arrangement, next nila sasabihin sayo sa June na din sweldo mo then by that time, di sila obligado na tuparin yung verbal agreement niyo.
  • @LakingDavao In my opinion, if your priority is to really get a legit job here in SG eh wag ka mag settle sa ganyan. Lalo na't hindi nga legal for any establishment/employer to hire a foreign worker na walang pass. Pero I think sa mga major decisions natin you still need to make a choice on your own. Meron ako nakasabay dati na naghahanap ng work, yung sayo nga home based sa kanila they needed to go to the store physically. Magbantay ng shop talaga but for them they took the risk kahit bawal kc paubos na daw pera nila and pandagdag sa gastos daily. They needed to spend for rent, food, fare lalo na pag exit time pa. But if I maysuggest, you better spend your time looking for a job na makapagbibigay sayo ng legit na pass the soonest time possible. Baka masayang lang time and effort mo tapos in the long run wala pa rin sila pass na mabibigay sa June. Anyway good luck and laban lang. God Bless :)
  • Kabayan @carpejem at @geneFlynn dito daw sa SG gusto nila dito lang ako mag stay while nag hihintay ng June. ayaw ko naman mag work na parating may kaba na may biglang kakatok sa room ko. kaya ni let go ko nlang..

    Kabayan @Kebs sabi pa nila everyone is doing daw yung ginagawa nila. napatawa nlang ako pag labas ko ng office nila hahaha.

    Kabayan @tambay7 at @PinkPasta thank you po sa advice sana may door na mag open ulit... napa isip nlang ako na baka sinubukan lang ako ng Diyos kung bibigay ba ako sa iligal na gawain. hehehe
  • @LakingDavao how can you stay till june w/o any pass?
  • @LakingDavao all the best to you, just keep on trying and always stay on the right path, even if it is not easy and quick. Minsan out of desperation and anxiety we are forced to take the easy and quick way out of our problems and aspirations without considering the possible consequences and long-term impact on our lives.

    Goodluck.
  • @LakingDavao overstay kana nun tapos na visit pass mo pag nalaman yan deport ka kagad tapos mababan kapa kahit sabhin na meron kayo agreement o contract di pa din yun pwede pag ka wala kang work pass, tingin sayo nian wala kang alam dito kc tourist ka kaya tinetake advantage ka di nila alam meron tayong sariling forum lol hahaha, hanap ka lang ng hanap tiwala lang meron ka talaga mararanasan na ganyan habang nag aapply ka dito goodluck kabayan :)
  • @carpejem tutulongan daw nila ako mag exit then balik nanaman dito. e pano pag d ako naka bali nga nga ako. hahahahaha.
  • @tambay7 Thank you po! sana maka hanap na nga.

    @geneFlynn opo ganun po talaga gusto nila mangyari. tutulongan naman daw nila ang exit ko. pero mahirap na makipag sapalaran sa ganyan.
  • @LakingDavao sige nga nga ka lang, walang iyakan ...
Sign In or Register to comment.