I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Please help me i need expert opinion

Please help me diko kasi alam ang gagawin ko sa dati kong agent ng ERA ( bahay) na gusto ako pag bayarin ng agent fee kahit direct na akong nag rerent sa may ari ng condo na tinitirahan namin.
-naka 2 contract kasi ako sa knya t bayad palagi ang agent kahit nakikita ko lang sya every 2 year na mag rerenew ako.
- ngayon, kinausap ko ung may ari ng bahay kung pwede na mag direct na lang ako sa knya pumayag namn agad ang may ari ng bahay. Nag pirmahan na kami ng may ari ng bagong contract kasama ung agent ng owner.
- ngayon, panay tawag at pananakot nung dati kong agent na dapat pa daw bayaran ko sya ng agent fee kahit direct na ko sa may ari.. totoo bang kaya prin nila mag file ng small claims laban sakin..?
At tinatakot pa nila ako na matatanggal daw ako sa trabaho..
May similar case din ba kayong ganto ? Help comment po salamat sa mga advise nyo.

Comments

  • Tinatakot ka lang, kung nag expire na yung previous contract niyo at wala na kayo usapan na kukunin mo services niya wala ka na obligasyon. Kung agent mo siya before tapos inend mo na yung business relationship niyo ibig sabihin di mo na kinuha services nya, wala na siya karapatan na irepresent ka.
    Wag ka mag patakot. Deadmahin mo lang.
  • @czar im no expert but i think you're in safe ground. He's harassing you, if you have proofs on this you can actually report to the police, they can help u!
  • May nangyari napo bang napa uwi o natanggal sa trabaho dahil dito.? Sana may maka basa ng similar situation .. kasi marami na ngayon direct sa owner at walang agent fee na bahay tingin ko, nawawalan na ng kita ung mga agent na mapag saman tala..
  • @czar tama si @carpejem kung nananakot at naghaharass na siya s amga messages, pwede ka na punta sa police. To consult kung tingin mo ok lang ba ung ginagawa sayo nung agent o harassment na. Tapos after mo mag punta eh message mo yung agent na nag consult ka ng police. Titigil din yan.
    Kung totoo mga sinabi mo hindi mo na siya agent at wala kayo agreement for him/her to continuously represent you, hindi ka matatanggal s atrabaho niyan, empty threats lang yan.

  • @czar kung problema mo yung agent mo.Lipat ka nalang, change address and tel. then you have peace of mind.
    Subalit kong kung gusto mo pa dyan , just ignore his/her messages. Walang connection yung HDB contract mo sa work mo
  • Maraming salamat po sa mga advise, matagal napo ako sa unit nato, 8 years na.. kaya ayaw ko na rin sana umalis, naging siggestion na tin po ng kaibigan ko yan.. pro diko pa na ttry na mag sumbong sa police regarding this situation.. sinasabi kasi ng agent ko kasma daw yata sa pinirmahan ko nung nakaraan, na kailngan pa daw ako magbayad para ma release ako sa knya.. posible ba yun?syempre sa hinaba haba ng naka sulat sa contract dimo na babasahin at sigurado akong wala syang sinabi tungkol dun. Pro sabi nyo nga diko na kinuha serbisyo nya bakit pako mag babayad..
  • @czar not unless valid pa yung contract. if not, then just ignore.
  • Last october 2017 pa po expired yung contract.. nag pirmahan kami ng owner ng bagong contract last year din ng october.
  • next time he calls and harass you, sabihin mo isusumbong mo sya sa pulis. :D @czar
  • Is it possible na naka sulat sya sa last na contract ko sa knya? I mean pwede bang gawin or legal ba na isulat yun sa contract na, if ever na diko na kukunin ung serbisyo nya kailngan ko parin mag bayad as a release fee..?
  • @czar may contract ka ba sa agent tungkol sa komisyon? kung meron, ano ang nakasabi?
    sa tenancy agreement mo may nakasulat ba tungkol sa komisyon? kung meron, ano ang nakasabi?
    kung wala naman pareho, wala kang obligasyon sa agent.
    pag tumawag sya ulet sabihin mo tatawagan mo ang CEA para ikumpirma kung may kailangan ka ba talagang bayaran
  • keep us posted on this @czar , very helpful to sa lahat. Since ngayon talaga ang trend sa mga nag uupa eh to directly transact with the owners na without an agent. So magandang case study to.

    Goddluck!
  • Oo nga wala akong makita na similar discussion or forum sa kahit anong pinoy website dito sa singapore or other country.. pro malaking tulong lalo na sa mga gusto umupa directly to the owner. Before syempre lahat tyo wala pang alam pag dating sa singapore, kaya most of us dumadaan tlaga sa ahente.
    Sa ngayon diko pa nakikita yung copy ng previous contract ko.. pro ill keep you all posted once na may nakita akong rnaka sulat na maaring related sa case nato. Salamat!
  • Naka attach ung mga nakalagay sa contract, pro wala akong makita tungkol sa pag rerenew.. at kung mag babayad ba ako kapag nag direct ako sa may ari.. TANONG PO:
    Una, ano po ba ang dapat ko hanapin o anong statement na pwede sabhin nang ERA na dapat mag bayad ako once na nag direct ako?
    2nd, possible ba tlaga mag ka roon ng agreement na ganun o legal ba yun?
    3rd po, ano mga possible kong gawin, kung mag padala sila bg sulat sa company na pinag ttrabahuhan ko?
  • Anong validity period ng contract na yan? Kung expired na, edi hindi na yan binding. Nung sinabi mong nagprimahan kayo ng may-ari ksama agent. Sinong agent un? Ibang agent or un mismong nanghaharrass sayo?
  • Expired napo october 2017, agent na ng may ari ang kaharap namin nung nag pirmhan kami ng bagong contract.
  • @czar kung expired na. try mo na lang humanap ng ibang malilipatan. d na uso ang agent commission ngayon. perhaps 10yrs back naalala ko - oo , lahat dumadaan sa agent. tsaka mura na ang bahay ngayon. worst case scenario hanap ka ng ibang malilipatan. wala naman akong nakita na madadamay ang work mo. try contacting ERA and report mo ung harassment na ginagawa sayo ng pesteng ahente na yan.
  • expired na pala ung contract last 2017. report him to ERA ro Police for harassment.
Sign In or Register to comment.