I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Degree holder, not fresh graduate without experience

edited May 2018 in Job Openings
Mahirap parin ba makahanap ng work dito SG kahit sa legit na agency. Nandito ako at 3days narin ako dito. If ever na hindi ako mahanap last resort ko mag DH. Okay lang po ba yun? Thanks sa sasagot.

Btw, accountancy graduate ako since 2015 pero walang experience kase nag alaga nako ng baby ko. May opportunity na nagpunta ako dito dahil sa pinsan kong nagwowork dito. Sinama nia ako.
«1

Comments

  • Accountancy, HR, Admin works are mostly for locals.
    Pero who knows? Just keep on sending applications. Good luck!
  • Job seeker din ako dito sa sg ate, naka 1 month na. Pero different field naman ako.

    As per sa mga nababasa ko sa mga threads dito sa pinoy sg, submit lang ng submit sa mga job portals ate. Sabi nga nila, the more entries you send, the more chances of winning!

    Samahan na din ng prayer. Good luck po sa ating 2, at sa lahat ng kabayan na nakikipagsapalaran din.
  • And the golden rule ng mga matatagal na dito sa SG, pag ang recruitment agency nanghingi ng payment even before they land you an actual job, be extra careful na. For them, you should pay only after you got the job.

    Magbasa ka ate ng mga discussions dito especially yung topic na "Walk in Scam" yata yun.
  • May nakausap akong agency ngayon ngayon lang.. New rule daw ng MOM pag mag aapply ng S pass eh dapat minimum 3 working experience na related sa natapos. So hindi daw ako qualified. Inofferan ako ng mag helper nalang. Is that okay?
  • @iamannedoi thankyou. If ever kaya kahit anong work na??
  • @pigsheep nabasa ko nga po. nkakatakot din mag agency. Yung napagtatanungan ko namang agency recommended ng pinsan ko at aunti ko na PR na dto. Goodluck saten.
  • @zabiyah hmmmm walang ganun MOM Regulation kasi fresh grads nga nakakahanap sis. Keep on applying.
  • @iamannedoi okay sis.. Yun sabi saken ng agency na yun helper nlang daw pwede ko maging work.
  • @zabiyah sayang naman tinapos mo. yung kikitain mo as DH dito ay kaya mong kitain sa tinapos mo if you work sa pinas. sigurado ako jan.

    kung ako nasa sitwasyon mo, sa pinas ako magwowork kukuha ako ng experience at saka ako sasabak dito.

    long term plan kabayan.

    wag padalos dalos dahil lang andito kana.
  • @kebs yun nga din advice saken. Siguro pag hindi ko pa talaga swerte ngayon uwe talaga ako after 1 month. Sayang nga lang lahat ng nagastos pagpunta dito.
  • @zabiyah Yang gastos mo pagpunta dito ay kaya mong kitain pag nagkawork kana.

    Wag ka manghinayang sa gastos na yan kung ang kapalit nman naman ay itatapon mo ang lahat ng naipundar mo sa edukasyon mo at ang long term career.

    Isipin mong mabuti ang kinokonsider mo na DH na trabaho VERSUS sa career opportunity mo as an accounting graduate. Nothing against sa DH pero kabayan, accounting graduate ka. Prangkahan lang kasi nanghihinayang ako. Maling-mali.

    Good luck sayo.
  • edited May 2018
    Okay thankyou po. Naliwanagan na ako .desperate lang siguro ako magkawork kase andito na ako thankyou po
  • Oo nga @zabiyah, I agree with @kebs. sayang po talaga yung nilaan mong oras, pera at pagod sa kurso mo.

    Matanong lang po, ano po nag uudyok sa iyo at naisip mo pong mag DH when you are an accounting graduate?
  • @zabiyah try your best and everything sa pag a apply mo habang nandito ka. Hindi ko alam pa kalakaran dito pero im sure naman na may companies na nagha hire ng newly grad or walang experience.
  • edited May 2018
    @pigsheep Someone told me na hindi talaga ako makakahanap ng s pass jobs dito dahil wala ako experience so sabi kung gusto ko makaipon o magkapera mag DH ako o uwe nalang ako. Firstime ko talaga kasi yung mga ganitong bagay.
  • At lahat ng nakausap kong DH nung nag iikot ikot ako is degree holder din daw sila.
  • madali daw po ba makahanap ng employer ang DH dito? kasi @zabiyah sayang po ulit yung panahon na gugugulin mo sa pag DH, after several years saka mo maiisip na nakapag work ka nga pero 0 experience ka pa din sa accountancy.

    Baka po mas mahirapan ka na makakuha ng work sa field na tinapos mo.
  • Yes daw po yun ang sabi.
    Yes po. Pag wala po ako nahanap talaga dito balik pinas nalang po muna siguro talaga ako and mag gain ng experience dun
  • For now, itry mo muna mag-apply related sa course mo. If talagang wala, uwi muna pinas at kumuha muna experience sa field mo.
  • @zabiyah agree ako sa comments nila. mas maganda na related sa course mo para tuloy tuloy ka na dun. hindi lang ako sure ha, pero mahirap ata magtransfer from work pass (passes for helpers) to spass. so iconsider mo rin yun.
    kung hindi ka palarin dito mag gain ka ng experience sa pinas.
  • @zabiyah i think you're listening to much on others... considering na 3days mo palang dito sa SG. focus ka nalang sa pag hahanap mo ng trabaho... try to listen on you own ... pray and have faith in God. just keep sending online application..
  • @zabiyah atleast pag may sapat kana work exp sa pinas at alam mo din kalakaran dito sa SG kaya advantage mo yun sa susunod na job hunting mo dito
  • Tama sis, wag kang makinig sa iba. Focus ka lang sa goal mo na makahanap ka ng work habang andito ka pa. Wag sayangin ang oras sa pagiisip ng negative. Apply lang ng apply!
  • @zabiyah ya ng Diyos...tama lahat ang suggestion nila syo...wag ka magpadalos dalos.....magkano lang sweldo ng DH dto starting na ata 650. So magkano lang sa peso yun? Kikitain mo sa pinas yun kasama mo pa si baby mo...... totoo rin yung sabi nila na kung fresh grad nga nakaka kuha ng work ikaw pa kaya na 2yrs ang work experience....

    Ako nga minsan mas prefer ko mag hire ng fresh grad or di masyado maalam basta willing matuto....kasi karamihan mas tumatagal sila sa work...... kung may bakante lang sana sa department namin bka matulungan pa kita....kso wala eh...try lang na send ng send
  • apply lang ng apply.. malay mo naman swertihan ka.. basta ingat lang sa bogus na nanghihingi ng deposito kuno..
    GBU
  • @Bert_Logan no work experience po ako
  • Kagagaling ko lang g VLK human resource agency. Maganda naman sila magexplain. Parang may assurance na makakakuha ng employer. May 50sgd commitment fee then pag nakapasa daw sa employer 1000sgd for key in ng pass pag na i key in 4000sgd naman babayaran. Nalula ako sa babayaran
  • @zabiyah with that amount, i would have good words to convince you too! so what's your next step?
  • malabo yan dapat kung may bayad after mo na makuha yung pass mo di ung pag key in palang di pa yun sure na may work ka, 50 sgd pa nga lang talo kana kc gagawin nian sila lang mag papasa ng cv mo, ingat ka sa pag sugal sa mga agency alam nila need mo ng work dito.
Sign In or Register to comment.