I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Trust God and keep on Dreaming! Be Positive always!

Hello Guys, First of all I really really thankful sa admin ng site na Ito because it really helped me throughout my journey sa paghahanap ng work sa SG.
So Ito na nga, let me share my successful story and I hope it can make you also motivated and inspired.
Last year, when I visited SG for just a tour sobrang nagandahan talaga ako and very convenient ang lahat at syempre andun kasi si Forever ko kaya sabi ko sa sarili ko gusto ko magwork dito para no more LDR at matulungan ko ang Family ko when it comes sa financial.
So nagkaroon ako ng calculated risk last year, so I started reading and searching about applying job in SG. I remember the pinoyexchange.com forum din siya so medyo hindi nga lang active yung site na yun pero nakatulong pa din. So nagtatanong din ako sa mga friends until nahanap ko din tong site na to.
I also started to make kuripot challenge as in todo savings ako sa salary ko kasi gusto ko pag pupunta ako ng SG to apply for a work gusto ko sarili kong pera. By then, nung nakaipon na ko I decided to quit my job last July 29, 2018.
July 30 I keep on sending CVs online gamit ang SG phone at address ni Forever sa resume ko. FYI mga kababayan nasa pinas pa ko nung nagsesend ako mga resume. Binigyan ko kasi ng timeline yung pagaapply ko so dapat one month Lang may mga nakaready na dapat akong schedule of interview pagdating ng SG, pero hindi yun ang nangyari. So after 2 weeks wala pa din tumatawag or nagrereply sa mga resume na sinendan ko. Meron man magreply pero sasabihin wala daw kota for foreigners or hindi daw ako shortlisted. So ako lahat ng technique ginawa ko pa din. Gigising ako ng 4am para magsend resume, I used job portals, kukunin ko email add ng hr dun sa job portals then direct send resume. Until one day naisip ko magsearch ng Recruitment agency sa SG so pumunta ako sa website nila then careers then kuha ng email add. So thank you Lord, May nagreply at ayun nga naconsider ang resume ko as HR and direct sa agency na yun.So ininterview ako tru skype then same day job offer din then spass application.
So ayun after 11 days my pass got approved!
FYI lahat ng nangyari nasa pinas pa ko nun kasi nga ayoko muna pumunta ng sg hanggat walang sched of interview so luckily hindi lang schedule of interview ang binigay ni lord Kundi schedule of start of work. Ang saya diba?tuwang tuwa ako. Napayakap talaga ako sa mama at papa ko kasi lahat naman ng ginagawa ko is for them.
Lesson of my journey:
Si Lord kasi 24 hours siya nakatingin sa lahat ng ginagawa at gagawin naten sa buhay. Siguro nagmatter talaga sa kanya yung determination, positive minded at faith ko sa kanya.
Every Wednesday magsisimba ako sa baclaran, then everyday 4 am gumigising ako just to send resume. So ayun ang ginawa ko for two weeks at siguro narealised ni lord na lahat talaga pinaghirapan ko so ayun binigay niya yung hiling ko sa kanya.
So guys, sana nainspired kayo sa kwento ko.
Walang madali sa Mundo, lahat pinaghihirapan kaya dapat matuto tayong maging matyaga at lawakan pa naten ang faith sa kanya. Ibibigay ni Lord ang nasa puso mo basta Bukal yun sa loob mo.
And I thank you

Comments

Sign In or Register to comment.