I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Minimum Salary

Hello po!

I just want to ask a few questions sa mga kinauukulan :smile: Sana po may makasagot

For background purposes:

I am a 19-year-old guy with no College Degree who worked for 1 year and 9 months as an Executive Assistant to COO sa isang Travel Consultancy. I tried applying online and may mga nag iinvite na sa akin for interview. Hindi ko naman po problema yung titirhan and PUB kasi po nakailang balik na din ako sa SG (4 times within the past 3 years) kasi po may Tita ako dito and may Condo Unit sila ng asawa niya.

Question:

Kailangan ko po bang i-target yung SGD 2,200.00 na sweldo monthly para mabigyan ako ng S-Pass or may iba pa po bang applicable na permit sa akin? Hindi po kasi ako sure kung anong ilalagay ko sa expected salary sa aking CV. Hindi ko naman hinahangad yung 2,200 agad dahil bata pa naman po ako. For sure advantage din po yun sa akin kung medyo ibababa ko yung expected salary kasi most of the time gusto ng mga employers ang lowest bidder and saka na lang ang negotiation sa interview.

Maraming salamat po!

Comments

  • Depende sa field. check mo tong tool natin http://pinoysg.net/plugin/page/salary-guide may yrs of exp din dyan.

    Nowadays I know kinoconsider ang school and degree for entry level work. totoo na lowest bidder and best experience ang gusto ng employer. pero sad to say MOM has the last say, malupit sila mag check ngyon at daming narereject na s-pass. we dont know thier criteria pero I was wondering na-mention mo ba sa resume mo na no college degreee ka nung nag submit ka? hinihingi rin kasi eto ng mga employer.
  • Opo Admin, sinabi kong undergraduate ako and most of the time kapag may inaapplyan po ako I make sure na nilagay nila dun sa specifications na no work experience required and/or no diploma needed (GCE 'O' Levels, Secondary School).

    Thank you so much po sa inyong insight.
  • If you don't mind ano natapos mo?
  • Aweng, wala pa po as of the moment. Hindi ko rin po talaga alam kung anong course ang kukuhanin ko.
  • Just a heads-up, sobra hirap ma approve sa MOM pag wala ka diploma/bachelor tawag sa atin. Lalo pa ngayon na sobrang higpit na nila. Siguro dati meron na coconsider. Ito lang ay para ma set ang expectations mo and to be prepared. Para din hindi ka mahulog sa mga mapagsamantala na agencies na pakay ay pgkaperahan ka lang. Madali nila ma sense ang desperation ng isang applicante. Lagi ko advice sa friends and families ko na gusto sumabak sa SG. Finish your studies and get some experience. Remember ang daming lahi na kalaban mo tuwing mg a-apply ka so dapat mas malakas at maraming bala ang dala mo bago sumabak sa gyera ;)
  • @kapre-korn "nilagay nila dun sa specifications na no work experience required and/or no diploma needed (GCE 'O' Levels, Secondary School)" don't you think they are referring to the locals here?
  • Tama si @Tonski medyo mahirap sa ngayon, my friend ako dito 2 years ang tinapos sa pinas, pero ang dami nyang experience sa tinapos na. Mag 4 years na yata sya dito.

    Invest kalang sa education mo, para sa future family mo habang bata ka. or kung gusto mo sa middle east medyo hindi mahigpit sa tinapos doon.

    Godbless
  • @Tonski @aweng @reyven sobrang thank you po sa mga na-share niyong wisdom. Balak ko na din po sanang mag-enroll this coming Academic Year pero habang di ko po mapagtanto kung anong course ang kukuhanin ko, triny ko lang pong mag-apply. Eh kung hindi po papalarin eh di magbabakasyon na lang ako uli diyan sa SG. :wink:
  • Pansin ko lang ang mga courses na in demand in other foreign countries or pang long term ay health, engineers, IT Sectors.. just narrow it down kung san ka interesado :)
Sign In or Register to comment.