I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Best Timing

Hi ka-pinoysg!

Share ko lang experience ko para naman po mas lumakas ang loob ng mga kababayan natin na naghahanap ng trabaho.

Ako ay dati nang nagtrabaho d2 sa singapore mula nov.2015-nov.2017. Sa kasamaang palad ay hindi na narenew ang aking "pas" sapagkat wala na kaming proyekto. Akala ko ay makakahanap parin ako ng trabaho ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ko nkahanap ulit sapagkat ang prayoridad nila ng mga panahon na yon ay mga taga rito. Lumipas ang dalawang buwan na nagbabakasakaling makabingwit ulit ng trabaho ay nagkaroon din nman ng panayam ngunit sobra sobra akng pinaasa(nakauwi na ko sa pinas ng luhaan). Halos 3 buwan pagkatapos ng akng panayam bago nila pinasa sa "ina" ang aplikasyon. Sa kasamaang palad ay "rejected" ito at ang sabi nila ay "may kota isyu daw cla at kailngan mag-empleyo cla ng taga rito". Inappeal naman nila pero tlang rejected parin. Nawalan na ako ng gana sa kahihintay kng kelan nila ulit ipapasa ang akng aplikasyon.

Nagpursige parin akng maghanap ng trabaho d2 sa singapore kahit ako'y nasa pinas pa. Indeed, st classified, jobstreet ang lagi kng tinitignan tuwing umaga. Lahat ng paskel ng mga kumpanya na pwede sakin ay pinagpapasahan ko na. Hindi ako nawalan ng pag-asa sapagkat naiwan sa singapore ang aking asawa.

Noong july 6, 2018 ako'y nakapagpasa sa isang kumpanya na nag-post sa indeed. Nakasulat sa aking aplikasyon na pwede nila akng tawagan gamit ang whatsapp at akoy kasalukuyang nasa pinas pa. Laking tuwa ko ng biglang isang araw(august 3, 2018) ay sumagot cla. Cnabi ng eh-ar na twagan ko daw ang boss nila gamit at whatsapp. Tinwagan ko agad ung boss nila at dun naganap ang unang panayam. Muka nmang natuwa ang boss sakin kya tinanong kng kelan ako balik ng sg. Nagset na ako ng araw na pagkatapos ng kaarawan ng anak ko ay balik na ko sa sg (flyt is aug.15 tapos dating ng sg is aug.16 na).

Bale pagdating ko d2 sa sg ay nagkaroon ako ng dalawang panayam sa magkaibang kompanya. Isa sa umaga at isa sa hapon. Parehas naging maganda ang resulta ng panayam at dun sa ikalawang panayam ay inapply na agad ang "pas" ko. Napaluha ako ng ako'y palabas na ng kanilang establisyemento, nagdasal ako na sana maging ok ang proseso.

Araw inaplay: aug.16(hapon)
Labas ng resulta: aug.24(kahapon)

Sa mga kababayan ko na naghahanap ng trabaho. God will give the best timing para satin. Hindi man naging successful ung aplikasyon ko nakaraan, ngaun ung naging perfect timing nia para sakin.

*Epektib parin po ang aplikasyon sa pinas lalong lalo na kng match ang hinahanap nila sa kakayanan mo.

Comments

Sign In or Register to comment.