I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Remittance sa Family na walang Bank Account (World Remit)

edited August 2018 in Remittance
Hello mga Kapatid, yung unang post ko dito tungkol sa pag hahanap ko ng work na buti naman naging successful ngayon naman share ko lang yung gamit kong application to send remittances sa family ko sa pinas na hirap makapag open ng bank account nila don, andami kasi masydong hinihingi minsan ng mga bank naten sa pinas. I asked my friends and ang ginagamit daw nila is World Remit app. You can download the application in playstore for android. Mag register lang and then follow their instruction to send pictures of identification card and selfies and you're good to go. Pede ipadala ang pera using the app and pede nila makuha sa bank ng cash sa BDO and other banks listed dun sa application.


Good thing is my referral option din yung company, you can register using my referral code and you will get $40 . Ganun din yung nag refer. Yung saken nirefer ako ng girlfriend ko and nakuha ko ung referral na $40 nung umabot na sa $200 yung napapadala ko sa pinas. We both get $40 nung na reach namen yung $200 remittances.


Here's the referral link to register : https://www.worldremit.com/en/r/carevinm1


So far $2 ang charge saken pag nag papadala ako, mas okay sana kung walang bayad kaso ang hirap din talaga mag padala kung walang bank account yung padadalhan mo and this is the easiest way na nakita ko. Sana maka tulong sa iba na hirap makapag padala sa family nilang hindi makapag open ng bank account sa pinas.




Comments

  • edited August 2018
    Actually may memo/circular na ang BSP sa lahat ng bangko sa Pinas to make it easy for every unbanked Filipinos na mag open ng bank account. Bukod sa lower opening requirements and low to zero maintaining balance, mas pinadali na din ata requirements, some banks kahit 1 valid government issue ID pwede na (basic KYC).

    BSP circular to na dapat sundin ng lahat ng local PH banks.

    Kung may mga pamilya pa kayo na unbanked sa Pinas, ask them to open an account. Kasi may sstart na implement ng BSP yung framework for National Retail Payments System (NRPS) para sa digital payments adoption nationwide, parang yung mga PayNow dito sa Sg.

    Tsaka mas secure pa din yung remittance to bank account and will also encourage people to save and transact cashless.

    At this stage, wala na dapat mahigpit na hindrance for Pinoys to have a bank account, maliban na lang dun sa ayaw talaga magka ID.


    http://www.bsp.gov.ph/publications/media.asp?id=4603

    https://www.pesocademy.com/7-banks-low-initial-deposit-maintaining-balance-philippines/
  • edited August 2018
    Sana nga gnun kadali. Pahirap ksi minsan. Last last week pmunta parents ko sa bdo at bpi. 2 valid ids need nila. E driver licence lang meron erpat ko. Proof of billing need din nila e kaso naupa lang kmi. So meralco and water e nde under sa name nila. Ngyon nag aayos pa sila ng voters id pra makapag ayos sa bank.
  • Mag print kayo nung circular ng BSP, tapos next na balik nila ipakita yun. Badtrip kasi minsna mga bangko sa Pinas ayaw mag comply tsaka walang common sense mga staff sa branch ni wala man lang kaonting customer service. Feeling nila mataas sila sa mga tao.
  • Correct ka dyan. Nakaka inis tlga ung hassle at tlgang nde ka nila ientertain ng maayos. Pag snbi nila "No" wala ka tlgang mggwa.
  • Next time sabihin ko sa parents ko ipakita yan. Salamat
  • From my experience mas OK ang service ng PSBank at Eastwest as compared sa BPI. Less hassle sa account opening pati OTC txns. Pati yung sa mobile app nila parang mas stable kesa BPI app na parang lagi may system maintenance. Kagandahan lang sa BPI at BDO e almost instant ang remittance pag WorldRemit.

    +1 ako sa WorldRemit. Ine-explore ko naman ngayon yung SingX.
  • Yes @johnwick pag nag papdala ako using world remit wala pang 5 minutes okay na yung pera. Pede na makuha.
  • Kundi naman rush, DBS to BPI Pinas - Umaga ako nagpapadla. 0% transfer fee. Same day nakukuha ng recipients. Natutunan ko to dito sa forum. Eto na ginamit ko eversince.
  • @Kebs compare mo din rates kasi minsan sobra baba ng DBS.
  • yup. dpende din sa amount na papadala. plus fees pa, dbs kasi wala fees. plus pamasahe if pupunta pa lucky plaza, tas xmpre di rin maiwasan kumain sa LP. hahaha
  • @maya nakaka gutom kasi amoy mga pagkain doon.. haha
  • Sarap ng lumpiang gulay don hehe
Sign In or Register to comment.