I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Help please! Inquiries on Visit Pass, Job Hunting. Etc

Hi po! New here in this forum hehe kakadiscover ko pa lang po ng site. I am a Licensed Electronics engineer(2015 graduate) and have less than 10 months exp here in Ph as Process Engineer sa Industrial/Semicon company. Then nag-attend din po ako ng bootcamp ng web development kaya meron din po ako basic knowledge ng HTML, Javascript and Wordpress Dev, although ang tanging experience ko lang po sa web dev e during 1-month remote internship po offered during bootcamp .

Sa ngayon po jobless po ako here PH, and nagbabalak pumunta ng SG this year(mga sept. or oct po) for 1 month.Tsaka di pa po ako nagpa-pass ng CV online sa kahit na anong SG companies.

Marami pong mga tanong na tumatakbo sa isip ko na sana may makasagot po hehe.

These are my questions po:
1) if decided na po ako na 30-days po gugulin ko sa SG as tourist pero with sole purpose to find work...then pagdating po sa IO here pinas may need pa po ba ako fill-up-an for my SVP? or need ko lang ipresent e back and forth tickets and katunayan na sufficient funds ko for 30days?
2) regarding po sa tickets, mas maganda po ba pati return ticket bili na ako?hahanapan na po ba kasi ako neto ng IO? pano po pag bigla akong magdecide na pa-extend yung stay ko sa SG tas nakabili na ako return ticket then ma-approve extension then need palipat nabili ko?
3) Dapat po ba weeks/months before nakapagsubmit na ako online sa SG companies before going talaga?
4) Kamusta po economy this year sa SG? May alam po ba kayo kung makakahanap po ako ng job related sa Manufacturing or sa Web Dev na wala pa 1 yr experience?

Hehe isipin ko pa po yung ibang kong questions.. TIA in advance po everyone.

Comments

  • basa basa lang paps, lahat ng tanung mo makikita mo sa ibang trends dito. kung tama pag kakaintindi ko less than 10 months palang work exp mo mas maganda siguro kung habang pinag hahandaan mo pag hahanap ng work dito nadadagdagan mo pa work exp mo. goodluck!
  • base sa mga tanong mo, first time molang aalis ng bansa?

    pag lumbas ng bansa laging kailangan ng RT.. (Return Ticket)
    pag pupunta ka ng SG, kailangan mo 1 week RT lang para dika paghinalaan maghahanap ng work.

    kung magapply ka dito ng web dev, baka mahirapan ka sa interview palang kung basic lang ang alam mo.
    ung kasi ang pang laban mo.. ung skills mo..
  • @kdramalover , honestly Manufacturing sector is a bit down. And considering yung experience mo, I would say stay in Pinas and mag ipon muna ng experience. Its just the reality. Wala kasing shortcut eh. As an OFW, we should build credentials first bago sumabak, kasi aside from the company itself, kalaban mo din dito is MOM. And if MOM feels that your profile is not good enough, they have all the reason to reject it. So payong nakatatanda mong kababayan, learn more experience sa Pinas. By the way, parehas tayong ECE so I know the challenges sa field naten dyan.
  • edited August 2018
    yesss basa basa muna ng threads at dagdagan experience. sayang pera and effort if sasabak agad sa gyera na wala masyadong sandata. experience ang labanan dito.
  • @Vincent17 first time po na mag-isa ..

    Ah ibig sabihin po even if ang intended stay ko sa SG is 30 days, ang dapat na sabihin ko sa IO here PH mga week or so lng ako s SG?then rebook ko na lang RT? or dahil pag sinabi ko na 30days na magpasyal ako di maniniwala si IO?
  • @geneFlynn Waaaah ganun po ba... onga no kung dito nga sa pinas hehe hanap din nila e mga 2-3 yrs exp..
  • @RDG aww that's sad to hear naman po... so kunwari po may maghire sakin pero pagdating sa MOM di ako qualified marereject yung chance ko to work?

    Hehe if you don't mind po ano po pala line of work nyo as ECE? :)
  • @kdramalover pwede mo malibot ang SG ng 1 week. so ang tanong ng IO ano gagawin mo sa SG ng 30 days?
    bawal kasi satin maghanap ng work dito hindi ka papalabasin ng bansa. so dapat tourist lang ang dating mo.

    yes tama pagka lagpas mo ng SG tsaka mo need rebook ung ticket mo.

  • Okay lang yan paps @kdramalover ganyan din ako noon, ako nga nag hanap din ng work fresh graduate eh lol :D ,pag uwi ko ng pinas nag ipon ako ng work exp tska ako ulet nag try mag hanap ngwork dito :) , pero ikaw bahala kung gusto mo subukan sa ngayon.
  • @kdramalover , last say dito is MOM. So, pag nag review ng application si MOM, lahat ng aspect titingnan nila, from the company na nag hire sayo, credentials mo, salary mo, and madami pang iba na pawang sila lang ang nakakaalam. Dati within 1 week kuha mo na result, ngayon talagang nilagay nila sa website na within 3 weeks. Kasi nga ingat na din sila at gusto din nila i-protect mga home grown talents nila. Linya ko is Support ng mga medical device.
  • edited August 2018
    3) Mas maganda kung nagpapasa ka na kasi pwedeng 2 weeks bago magreply yung ibang kumpanya. pakita mo yung lahat na alam mong web languages tsaka cms mo sa resume pati na rin yung project mo (specifics ng project). Dalhin mo rin pala certificate mo sa bootcamp kasi iba yung degree mo kung balak mo sa web pumasok.
    4) Sa web dev, kung front-end hanap nila madami naghahanap may alam sa JS (MEAN), pero kung web designer mga html,css, js(jquery) keri naman.
  • @RDG , 4+ years experience (5yrs in Feb 2018)- as process engineer po sa electronics company may chance po kaya lumusot? based sa mga nababasa ko eh down talaga ang manufacturing ngayon especially electronics. but then yung friend ng kawork ko dati nakalusot naman with 2years experience.
  • @iggyece1621 , ok ang process engineer. Meron ka ba mga certs like lean, six sigma, etc? Apply ka sa mga big manufacturing firms, dun kasi malaki chance of approval at meron sila plaging quota. or bka EP nman ang range mo, so mas malaki chance mo. Apply na!
  • @RDG nice to hear that po, I'm aiming for next year (After CNY) but then preparation ko na itong remaining months. Mostly lang eh semicon din nakikita ko- more on passive device kasi experience ko but then may mga trainings naman ako (Lean principles) at baka macomplete ko na greenbelt proj ko by next month.
  • ok @iggyece1621 . Backread ka muna sa mga tips and strategize accordingly. Meron ka pa nman ample time pra mkapag prepare.
  • @RDG sir oks lang ba magpasa na thru online while still employed- same strategy- address/contact number ng friend in SG na ilagay ko- worry ko lang if iverify nila then malaman under employed pa po ako. Thanks!
  • 1 month or max of 2 months bago ka pumunta sa SG, dun k palang magpasa. Wag super advanced.
Sign In or Register to comment.