I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

SPASS REJECTED, 3X REAPPEAL STILL REJECTED

Hi, yung pass ng bf ko rejected ni reappeal tinaas ang sahod. My quota naman yung company. Ni reappeal in 1 day may result na agad, still rejected. Tapos ni reappeal uli, in 1 day still rejected again. Tapos pangatlong reappeal na may result din agad still rejected again and again. Totoo ba to? Yan daw yung sabi nung HR sa knya.. Akala ko 3 weeks or longer malalaman yung result Kpag nireappeal. Pero 1 day may result agad. Hayyyyy.. Dba 3x lang pwede mg reappeal.
«1

Comments

  • di ba siya pwede samahan ng HR sa MOM para malaman kung baket ganun?
  • @geneFlynn Pwede ba yung Ganun? Tinawag naman daw Wala naman reason na bngay
  • Hi guys seeking your thoughts po if my spass will be approved here is my case I am a degree holder and a professional in PH, have a 1 yr and 6 months experience in line with my applied job in SG. My spass had been pending for 9 days now and offered salary to me is 2400 SGD. Is there a chance my spass gets approved? Many thanks for your response
  • @gayleeeR meron kasi ako nabasa dito dati na ganyan din halos yung ngyari rejected yung pass tapos ang ginawa sinamahan siya ng boss niya sa MOM para dun mismo mag appeal ayun naapprove na yung pass kaya siguro baka pwede yung ganun.
  • @14160718_ , minimum SPASS now is S$2600. Wait and see lang, stay positive.
  • @gayleeeR , experience from previous employer. My colleague SPass rejected. Appeal was submitted personally by our HR. Spass approved. I dont know if its still the norm, since HR will know better kung ano ang updated process. But in the case of ur bf, gano kataas ung tinaas sa kanya? I suspect its a quota issue. If wlang sinabi si MOM, most likely its those jobs na feel ni MOM should be rightfully be given to local / PR. So, halos wla talaga magagawa si company. If BF is really needed, why not apply for EP to eliminate the quota issue. Ofcourse, it will incur additional cost (salary) to the employer.
  • @gayleeeR since na mention mo 3weeks or more ang appeal... baka naman yung nakitang rejected info ay sa previous pa.
  • hhhmmm...my point si @carpejem . Howd u know na rejected? Is it from HR or nakita mo lang sa EPOL? kasi while on appeal, lalabas pa din sya as "Rejected" sa EPOL.
  • @rdg @carpejem Yung HR mismo yung nagsabi sa knya na still rejected pa din yung pass nya. Ang mali kc ngsstart n cya dun sa company na yun 1 month n cya dun nagwowork.
    May quota yung company nya.
    Siguro sa salary ngkaproblema. Mababa kc daw ang nilagay ng HR at below minimum. Kaya rejected cguro
  • Teka kht approve IPA mo may possibility na marreject spass? Akla ko ba kpg nabgyan ka ng IPA meaning may quota yung company at rejection ng spass kpg may issue lng sa medical mo.
  • edited August 2018
    @gayleeeR teka di ko po nagetz. What do you mean by nagwowork na cia sa company? Just for my sanity, ang ibig sabihin nyo po ba is nagwowork na cia sa company though wala pa siyang pass? Kung yan po ang intindi ko, bawal po yan. Bawal po mag-work ng walang valid pass. Bakit po naten ginagawa to? Wag po tayo gagawa ng mga bagay na baka pagsisihan naten bandang huli. Sumunod po tayo at irespeto ang batas ng SG para bigyan po tayo ng Panginoon ng siksik, liglig at umaapaw na biyaya. Wag po naten isa-alang-alang ang chance naten na magkaron ng magandang buhay sa SG sa mga ganitong klaseng desisyon. Nakakalungkot lang na minsan nangyayari to.

    Ang pagkakaalam ko and based sa experience ko, kapag spass po medyo madali ang approval. Need lang po talaga na yung Salary is pasok sa 2600 SGD pataas at may quota. Wag po kayo pumayag na i-aapply ang pass nyo na below 2600 po kasi marereject po kayo nyan unless i-declare ng company nyo na 2600 sueldo nyo pero ang ibibigay lang sa inyo is let's say 2400. Pero bawal na bawal po yan. Need po na ibigay ng company ang sueldo na nararapat para po ma-aapprove ang pass nyo. Kapag ayaw po nila pumayag, need po na maghanap ng ibang employer na kaya magbigay ng 2600 na sueldo. Sayang po kasi yung panahon na gugugulin nyo sa pagiintay sa isang pass na alam nyo naman na marereject. Ipilit po naten sa HR na dapat 2600 talaga ang need na ibigay na sueldo sa mga pinoy :) God Bless po and sana maresolve nyo tong concern nyo.
  • @gayleeeR Hindi nga po tama yung ginawa na mag start ng work kahit wala pang Pass. Anyway, I think that company is doing some fishy things on their work pass application, so better look for a new company na susunod sa regulation dito sa SG. Worse scenario pa is kung mahuli na nagwowork sya ng walang pass, my chance pa na makulong.
  • 2600 na ba minimum? dba 2200 pa rin? 2300 nxt yr at 2400 nxt nxt yr. pero if may experience, klngan mas mataas sa minimum.
  • gawain ng ibang company yan. may mga jobs kasi na pwede tapusin ng few weeks lang. inapply ka ng pass pero sasadyain na di maapprove kasi they need ur services for few wks only. ikaw naman si desperate, nagstart na work kht wla pang pass. ang masaklap jan, wala kang laban kht dka nila bayaran. bukod sa free services na, sayang pa oras mo na ginugol mo sana sa paghahanap ng work. lesson learned? ifollow ntn ung policies nila dto kasi para sa proteksyon din ntn un. at kung alam pala ntn na mas mababa pa sa minimum ung offer, try to negotiate, kung ayaw back out na. we all deserve better.
  • @RDG kelan naging 2.6K ang minimum ng spass?

    @gayleeeR kung below minimum ang sahod ng BF mo, wag na kayo umasang maaapprove yan. at bakit nagsisimula na sya ng walang pass? bawal yan pag nahuli BF mo bye bye SG dream.
  • Sorry, check ko sa MOM, 2.2K lang pla minimum. :D lol. Ewan ko ba bakit yun ang nsa isip ko na minimum ng SPass. haha
  • i agree with @maya 2200 po ang minimum wage based po yan sa MOM and by 2019 ay 2300 na by 2020 ay 2400 na kasi sa akin po is approved agad IPA within 5 days lang po itong month lang po and salary is 2200 po, 1 year experience pa lang po ako sa pinas and 22 po ang edad ko kaya masayang-masaya na po ako at nabigyan po ako ng pagkakataong makahanap ng work dito sa sg.
  • @nanay nice nagkaroon ako ng pag asa kasi saakin naman ay 2400 ang offer and 1.5 yrs palang experience ko sa pinas. Hopefully maapproved
  • Ilang beses ba pwede ire appeal?
  • @14160718_ am sure ma-approve pass mo kasi pasok pa din naman siya sa within 3 weeks yung application kay MOM just think positive and si God ang bahala dyan, sobrang saya ko nga kasi nakatanggap na ako ng first salary last aug 31 and sarap ng pakiramdam God is so good talaga.
  • Based sa experience sguro ang minimum rate mo if spass ka. Ako ksi 4 yrs experience sa pinas pero bwal bumaba ng 2600 sahod ko or else ma reject. So nag comply nalang company ko and okay naman.
  • @nanay haysss hopefully talaga haha mej natagalan lang ako sana worth it yung pag aantay. 23 palang din ako sana good news na this week.
  • @gayleeeR , unli appeal yan, max of 3 months from the time na ma reject pass. Anyway, after 2 appeals, I think the company will move on, especially if the position is urgently needed.
  • @RDG Tingin mo ba mali yung company? Kc ganito yan inapplayan cya ng Spass 2k lang nilagay, tapos ni reappeal 2300 rejected pa din tapos reappeal 2,500 rejected pa din. Feeling ko masyadong mababa yung sahod n bngay sa knya kc 6 years experience cya sa pinas tapos interior designer.
  • try nya mag check ng SAT:

    https://services.mom.gov.sg/sat/satcontroller

    Then see if anong salary sya ma pwede ma approve.
  • @gayleeeR mom lang nakakaalam kung bakit. tawagan nyo ang HR baka may additional requirements lang.
  • yeah, try SAT. 2500 shd be mababa for 6yrs experience.
  • Guys guys guys... Clarify ko lang. Ung minimum ng SPASS today 2018. Ay $2600 na po. Confirmed and verified from me. hahaha. Lumipat ako ng New Company this August lang. At ung Minimum ng SPASS required is $2600 na. Kaya nga laking sampal ko sa previous company ko eh. kasi mataas bigay nila sken na sahod tapos sabi ndi na daw ako makakakita ng ganun sahod. Oh well sorry sila bago na ung Minimum ngaun kaya bongga. hahaha
  • @gayleeeR alam ko na bakit panay rejected ang pass nya kasi ang baba ng sahod. ang minimum required na sahod for s pass is $2600 dapat ndi bababa jan pwede tumaas pero ndi pwede bumaba. bakit ndi naman nagtanong ung hr nyo kung magkano ung minimum req na ng s pass kaya ganoon panay reject. kasi from the start ndi na pasok sa req salary.
  • from EmOEm websayt

    Minimum salary
    Fixed monthly salary of at least $2,200.

    https://mom.gov.sg/passes-and-permits/s-pass/key-facts

    $2200 pa rin po ang minimum. pero minsan, pag maganda na experience at nasa minimum ang sweldo, nagiging dahilan ito ng pagkaka-reject
Sign In or Register to comment.