I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Tips para sa mga gustong mag Malaysia Legoland

edited July 2016 in SG Guide and Tips
download

Hi People, naisip nyo bang mag Malaysia Legoland pero hindi nyo alam ang gagawin? here are some tips or guide na maari ninyong gamitin.

1. Passport - ensure niyo na valid ang passport nyo at more than 6 months pa bago mag expire ito.

2. LegoLand ticket - maari kayong bumili ng ticket sa mismong Legoland pero may mga promotion online na mas mura. Google niyo lang. Isang tip is maraming bumibili sa "Carousell" app ng mga ticket sa ibang tao na hindi na nila gagamitin or sobra. walang masamang tumawad. For Legoland Ticket price, you can check this link => http://www.legoland.com.my/

3. Transport to Legoland - there are several ways para makapunta sa legoland.
a. Bus to Johor - From woodlands may bus going to Johor na dadaan ng immigration. Medyo hassel ito kasi need mo bumaba ang mag lakad papa immigration then pagdating sa immigration ng malaysia, bababa ka ulit. hindi siya advisable para sa mga may dalang kids. then pagdating mo sa Johor, you can arrange a taxi service sa baba ng Malaysia Immigration to Legoland.

b. Rent a Taxi from SG - makakarent kayo ng taxi sa taxi terminal ng Queen street sa bugis. for exact detail you can check this page http://www.taxisingapore.com/singapore-to-malaysia/ last time we rented the taxi nasa $60 one way, then puwede ninyong sabihin kay manong na magpapasundo kayo. but you have to ensure na may pangtawag kayo overseas for communication ninyo kay manong taxi driver. This is advisable sa mga may kids, kasi hindi na kayo kailangan bumaba ng immigration. may separate immigration na route for cars. ang bayad pala ay interms of SGD so hindi nyo need mag papalit ng Ringgit.

c. Arrange a private car service - eto ang most easiest and safest na ride, kasi pwede I arrange na sunduin kayo sa bahay niyo. Door-to-Door kung baga. ang fee is usually ranging from $50-$70 isang car max of 4 persons ang puwedeng sumakay. :) saan makakakuha ng ganitong service? syempre sa the one and only Carousell. Magingat lang sa mga ng-iiscam. wag nyo babayaran ng buo dahil baka hindi sumipot sa date ng alis nyo. but most naman e genuine service, check their review.

4. Magdala ng Baong Pera! - Eto ang pinakaimportante sa lahat, like na mention ko hindi ninyo kailangan ng Ringgit. kasi tumatanggap ng SGD mga shops sa Legoland. Pero nasasainyo :) Magdala rin ng creditcard para sigurado

Ayan eto ang isang simple guide para sa trip nyo :) Feel free mag comment kung may tanong kayo. :)


Comments

Sign In or Register to comment.