I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

-May Dahilan ang lahat

Goodmorninh Pinoy! Hinge lang po sana advice at tulong. Nag hahanap po ako Trabaho sa Sg, pero nasa pinas pa po ako, by december pa po punta ko, ang ginagawa ko po muna nag aapply online( almost 3months na) pero wala pa din, may nag reresponsed nman, pero yung iba for Local,PR... Etc.(Paasa✌️) iniisip ko lang po baka po kasi mahirapan ako by december pag nandun pag hahanap ng work. Need advice. Thanks! #Pinoy#ParasaKinabukasan#ParasaPamilya#JmBlessed

Comments

  • Anong linya mo kabayan?
  • @Jm what's your discipline? baka naman competitive.
    Make your CV catchy.
    Try and try
    God bless your plans
  • @RDG Tinapos ko Drafting Tech Bachelors. 9 months exp sa Govt unit dto sa pinas sa LGU. Hmm ang field ko autocad. Pero hanap ko ngayun sa sg para mas mabilis is F&B, kahit yung ibang any course hanap. Pero hirap pa din. Pero 5yrs ako nag waiter sa mga catering habang nag aaaal pa ko nung college.
  • Sure kaba na sa december ka mag ttry? madaming holidays ang december at malapit na yun sa month ng bigayan ng bonus at chinese new year.
  • Yes po, sa december na po yung alis ko, naka book na po ako by dec 16. Relatives ko po yung nag book skin.
    Bakit po? Mahirap po ba yung gnung month? Hayss nakakadown na agad.
  • Hindi naman sa dina-down ka. Pero una, Dec is a bit tight, kasi nka holiday mood din sila dito. Pero since, nka book kna, ok lang. Maximize mo nlng ung stay. Then regarding sa field mo, medyo malabo kasi pag luminya ka sa waiter at ung tinapos mo is Tech. Though meron kna 5 yrs sa f&b, minsan tine-technical ni MOM pag nakita na hindi according sa inapply sayo ung grad cert mo. Try pa din kapag andito ka na.
  • @jmBlessed tama si @RDG dec medyo tight ang pag hahanap ng work dito pero malay naten tb sa field mo F&B baka need ng mga F&B dito ng extra manpower kasi december na madaming tao kaya wag ka mawalan ng pag asa basta lagi ka lang positive at maswerte ka meron ka relatives dito advantage mo na yun kaya goodluck!
  • @jmBlessed sinabi ba sayo ng relatives muna mahirap makahanap ng work dito lalo na sa applyan mong work?

    Pwede bang malaman bat ganun ung Title ng Thread mo? :)
  • parang mali ung notion na basta makapasok lang, f&b aapplyan. kung noon siguro, pwede. pero ngayon, dna applicable ito. dami ko kakilalang drafter dito. kung drafter aapplyan mo tingin ko mas may laban un kesa kpg naghanap ka sa f&b na puru locals ang priority.
  • Hi I am planning po to go to SG po next year after chinese new year, possible po kaya ientertain ako pag nag walk in ako sa mga hotels? May experience po ako sa sales and marketing for over two years... pero balak ko po sana any receptionist job or food server lang pwede na po skn.. and nag mamatter po ba ang looks sa mga jobs? thank you! sana may makatulong po skn sa mga tanong ko...
  • Base on my experience, after Chinese new year ako naghanap ng work.

    Prons: Dami Opening
    Cons: Dami din nag-aapply nyan kasi kung yung iba employee nag reresign after makuha bonus which is after CNY.

    Dami mo kalaban sa paghahanap ng work. So its a tie :neutral:
  • Sa hotel mukang malabo po na mag entertain sila ng walkin unless meron sila nakapaskil na job vacancy, lahat online application dito. habang nasa pinas kapa pasa pasa kana online para mag karon ka din ng idea sa hahanapin mong work at try mo mag check ng mga agency basta doble ingat ka lang. sa looks parang di naman :D mas kaylangan nila yung masipag at work experience. goodluck
  • eto na naman tayo sa “kahit food server lang”, wag ganun, baka mainsulto mga kababayan nating nasa f&b industry. dito sa sg, hindi basta2 mkapasok sa kahit anong work lang, pnkaimportante experience dito. para maapprove ang work pass, kailangan in line ang experience mo sa degree at papasuking trabaho.
  • @itsanj003 payo lang... wag mong sabihing kahit ano na lang basta may mapasukan. mas ok na may mapasukan na related sa linya mo at yung ayos din para sayo. kasi kung kahit ano lang... malamang kasunod nyan ay, Ayoko na dito... o napilitan lang ako... o worst case, baka makatyempo ka ng mapanglamang ay maisahan ka pa
  • May company po na shutdown from Dec 24 to Jan 01.
  • @maya Sorry po, I didn't mean it that way. First time ko din po ksi mag work abroad and I really don't know what to expect. Ang ginagawa ko lang po ay mag basa here starting from last year until now. Twice na po ako bumalik sa SG but all for vacation and may mga pinoy din ako nakausap nag nagwowork sa mga bars or malls. Hands down ako sknla ksi mga professionals tlga sila here sa pinas.
  • @kabo Yes. Totoo po yan. Yan din ang advise sakin ng parents ko po. Dapat maging buo ang loob ko. dahil mag isa lang po akong pupunta. tuloy naman po ang apply ko online pero ang mga reply skn is no quota for foreigners or iniinform ako na can't process ksi wala daw po ako sa SG. Idadasal ko nlng po itong plano ko hangang next year if will talaga ni Lord na matuloy ako sa SG. Pero maraming salamat po sa pag entertain sa tanong ko.
  • @itsanj003 yap, subok lang ng subok. kung saan yung linya mo at kung saan ka mag-excel, yun ang dapat mong hanaping work. syempre dapat may katumbas din na experience para mapansin ka, matanggap at pumasa ang pass. good luck and God Bless
  • @itsanj003 may nakapag sabi sakin na agent na may advantage ung sa looks, kasi sinisipag ung ibang pumasok pag nakikita nila ung kasamahang maganda sa work hehe.

    anyway goodluck and ituloy molang ang pangarap mo. swertihan lang talaga dito at walang makakapagsabi ng iyong kapalaran.
  • edited September 2018
    Goodluck! Goodluck! Goodluck... Saating lahat jobseeker. -With God all things are Possible. Amen!
  • @Vincent17 Haha. Natawa ko dun. Actually, puro po ksi Customer Service related work po ang experience ko dito sa pinas... and lahat kailangan may looks.. so di ko alam if papalarin ako sa Singapore.. haha. Nako sino kaya agent yan.. Thank you po! :smile:

    Next year march pa naman po ako pupunta nag gagather lang po ako ng info as much as I can para po prepared pag pumunta ng Singapore! Thank you po! :)
Sign In or Register to comment.