I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

Penalty for Exceeding Occupancy Cap

Good day mga kabayan.

Gusto ko lang sana malaman kung anong consequence sa tenant at homeowner kapag nahuli na lumagpas sa occupancy cap?

Sa ngayon kasi ay nakatira ako sa isang 3-bedroom HDB mansionette (tama ba to? Nabasa ko kasi sa iba, maisonette). Ang may-ari ng bahay ay mag-asawang pinoy PR, na may dalawang anak, na dahil bata pa ay kasama pa nila sa kwarto. Apat kaming tenant, dalawa bawat kwarto. Lahat ay registered kasi niregister yata kami ay march 2018. Pagtapos ng 1 yr na registration ay kelangan na namin mabawasan ng 2 tenant dahil sa 6 occupancy cap for 3 bed HDBS.

Iyong isa sa amin ay sadyang aalis sa susunod na taon.. Pero sobra pa rin kami. Sabi ng may ari, pwede naman daw huwag na lang irehistro ung isa.

Ang tanong ko.. Anong risk nito sa may-ari? Eh don sa di irerehistro? Marami kasi akong nababasa na pinoy na gumagawa tlga nito, pero di ko alam kung ano nangyayari sa nahuhuli.

Salamat sa inyong makahulugang sagot. Ayoko rin kasi umalis dahil napakaconvenient ng lugar para sa akin.
«1

Comments

  • @ladytm02 , ang tanong dyan, sino ung hindi ire-rehistro? Kasi starting last week, bago mag issue ng Notification Letter ang MOM, they will require tenancy agreement / proof na nkatira sa legit household ung Pass holder. Let the owner knows this, kasi pati sya mapuputukan and mag multa. More than anything, ung taong wla sa tenancy agreement ang maapektuhan, which may result to denial of the pass issuance.
  • edited September 2018
    what if wala ang names sa tenancy agreement dahil hindi kasama sa mga original na nkatira sa bahay? kumbaga humabol lang.
  • @RDG sa totoo hindi ko pa alam kung sino, kaya nakikiramdam ako at inaalam ko ang mga bagay bagay kahit matagal pa. Mahirap na magipit in case kelangan maghanap ng lilipatan. Ako pala ang pinakadelikado kasi ako ung pinakabago dito sa Singapore sa aming tatlo na maiiwan, meaning ako ang last na magrerenew ng pass. Pero 2020 pa naman expire ng pass ko, meaning I have until 2020 to stay (in case ako ang hindi nila irehistro)? Tapos ang risk nasa kanila lang, magpepenalty sila?

    Actually may natanggap nang sulat ung owner after nya kami iregister, na sinasabing after mag-expire ung one year registration namin ay magiging effective na yung occupancy cap.

    Hindi ko alam kung ano yung tenancy agreement - wala naman akong pinirmahan na ganyan, pero sabi ng owner registered daw kami sa HDB. I mean alam ko ung tenancy agreement pero hindi ko alam kung sino ung mga parties na dapat pumipirma/nag-aasikaso nyan.

    Salamat sa pagsagot. Other feedback/information still welcome and will be appreciated.
  • @maya , yan yung isa sa mga target ng MOM. Naghigpit sila sa housing requirements. Kaya sa ating mga kababayan, make sure na kasama kayo sa tenancy agreement, especially if nire-renew na ung Pass nyo. Refer to the link para sa housing requirements. Dapat hindi over-occupied and included ang name sa black and white:

    https://www.mom.gov.sg/passes-and-permits/work-permit-for-foreign-worker/housing/various-types-of-housing
  • @ladytm02 , maaring hindi need ng pirma mo sa tenancy agreement, pero pwede ka humingi ng copy for your own peace of mind. Friend ko is nagpapa-rent din ng house, and she makes sure na kasama sa tenancy yung mga borders nya. Ako kasi is main tenant sa flat namin, kaya automatic nasakin ung tenancy agreement namin nung may ari. Better be safe, kahit na matagal pa ung pass renewal, hindi mo alam bka ma-spot check or something.
  • @RDG Thank you ulit. Bago ko nabasa yung reply mo sakin, nabasa ko na yung link sa taas na nilagay mo, tapos natutunan ko na pwede ko pala icheck sa HDB online kung registered ako. Sigh of relief, registered naman ako. Malaking problema nga ito para sakin. Ang reason lang kasi na gusto ako ikeep ng owner eh kasi single tenant ako sa isang room... na pang dlwang tao.. yung isa nasa parang utility na nilagyan nila ng partition. Gusto ko sana lumipat sa isang kwarto pag-alis nung isa para makatipid, kaya lang ito na nga si occupancy, nakakainis naman huhu!

    Salamat ng marami sa payo at link, google ako ng google hindi ko makita e. Kahit pala gustuhin ng owner na "itago" ang isa eh hindi nya magagawa dahil sa pass issuance naman. Ni-raise ko na sa owner ung concern ko.. sabi ko pag-isipan na nila ng mabuti. Meanwhile magmumuni-muni muna ako at pasimpleng maghahanap ng lilipatan, haha.
  • @ladytm02 , ur welcome. Good to know na kasama ka sa registered occupant. Madami na cooling measures ang SG pagdating sa foreign hire, so dpat we give due diligence pra masunod ang mga ito, baka ma-technical pa ung application dahil lang sa carelessness ng may-ari ng bahay. All the best!
  • @ladytm02 paano po ma check kung registered ka sa HDB online? saang part po dun?
  • @isorn4x ito po 'yung link:

    https://services2.hdb.gov.sg/webapp/BR12AWEnquireTenant/BR12PEnquirer.jsp

    Di kita masisi nahirapan din ako hanapin yan. You're welcome. Sana registered ka :)
  • @ladytm02 sadly not registered yung result. ako kasi last na salta sa flat e pinalitan ko yung isa dun sabe daw rregister na ako. need ko follow up tuloy sa main tenant.

    anyway, big thanks sa link. nagkanda hilo hilo na po kasi ako para dyan hehe!
  • Kakaka try ko nagalit na ata sakin yung HDB haha. Bukas nalang ulit

    You have exceeded the maximum number of attempts for the same FIN/ NRIC No.
  • edited September 2018
    @isorn4x Baka nga hindi pa. May options doon pra sa main tenant/owner for change registration, may bayad pala pero konti lang naman $5 yata. Remind mo na lang sila :)
  • @ladytm02 wala pa sakin sinisingil kaya siguro di pa ako naka add
  • paano kung condo? pano macheck?
  • Hi guys. Sabihin ko lang ung what happen saken. SPASS ka ba or wp? Kasi sa WP mahigpit sila. pero pag s pass or e pass ndi naman. Kasi last time nung 2016 start ko sa sg ndi naman ako nakaregister sa bahay nilagay ko lang jng address etc then ayon ok naman matagal din ako tapos ung june this year lumipat ako sa bahay na ndi ako nakaregister at all. tska ung roomate ko din ndi sya nakaregister kasi nga madami na kami doon sa bahay. pati nga paglipat ko ng work at pag apply ng pass sken recently ung nilagay ko na address ng bahay is ung bahay na ndi ako nakaregister at all pero ayon approved pa din pass ko. from my exp mas mahigpit sila pag wp lang. ayon lang. haha
  • may bagong batas kasi na naimplement lang starting 14th september. kaya naopen ulit tong topic na to.
  • Ahh ganun ba. kung ganun din pala. Lumipat kana ng maaga @ladytm02 :)
    ladytm02
  • Ang komplikado na ngayon ah :# :# :#
  • Salamat po sa link, @ladytm02 nagcheck ako, di ako registered tenant
  • @RDG @ladytm02 mga kabayan, ask lang. So yung mga may pending pass for approval, need din nakaregister na sa tenants sa hdb. Or once approved saka lang nirerequire ng mom iparegistsr ng hdb owners. Tama ba intindi ko? Hindi naman ba mkkaaffect yun sa appoval?salamat
  • @gjb , after IPA approval, then tsaka lang need na registered tenant ka for the pass issuance. It does not affect ur IPA application at all.
  • pano kpg sa condo nakatira?
  • RDGRDG
    edited October 2018
    @maya , what u mean pag sa condo? If sa pag check, I don't have any idea to be honest. Pero meron ako contract and tenancy agreement, so I'm confident na registered kami. Hehe. Naka 2-bed condo kami, and allowed to have 4 people sa bahay. Diba nagbabayad kayo stamp fee (tax for the tenancy agreement), so I think thats the hint na registered tenant kayo.
  • @RDG ok lang kung iparegister nako ng owner ng tinutuluyan ko kahit dipa approved ang pass ko? Diba yun hindrance sa approval. Wala pako pass pero naka register nako.. tingin nyo po?
  • @gjb As I've said, hndi need ni MOM kung registered ka as a tenant or hindi. Kahit nga nsa Pinas, pwede nila i-approve e, ksi its more like credentials, salary and quota ang pinaguusapan sa IPA approval. Sa pass issuance naman, is ur legality to stay in SG. Sana clear yan sa ating mga kababayan.
  • RDGRDG
    edited October 2018
    Kaya nga ang requirement sa pass issuance is, ung foreigner dpat nsa SG na. Hindi pwede ma issue pag overseas pa sya. Dhil nga sa tenancy registration sa kanyang intended na pag stayan.
  • Okay po sir. salamat. Nag worry kasi ako baka di ako maapproved dahil dipa ako registered. Kaya kinontak ko agad owner para iregister ako. salamat ng marami sa info
  • @gjb No probs kabayan. Kapit lang. And walang susubo este susuko pala. Hehe. :D
  • @RDG usually kasi pag house sharing dba nauna na main tenant sa house, so sa tenancy agreement, main tenant lang nkapirma. then ireregister nlng ung mga ksama sa hdb.at dna babaguhin ung contract? paano kaya ung sa mga condo or private properties na hindi ksma name sa tenancy agreement?sana may makapagshare ng experience.
  • @gjb pano ka nila ireregister if dpa approve ipa? FIN lang ba need?
Sign In or Register to comment.