I'm aware that new sign ups are not able to receive the email confirmation notification, due to google has disabled the SMTP service. please email me at [email protected] for manual activation. We will be moving to a better platform soon.
Pag may issue direct email nyo lang ako sa [email protected]. Hindi mawawala ang site nato dahil need natin ng ganitong site para may protection tayo. Kumpara sa Social Media kung san expose ang buong buhay nyo :) Ingat baka matrace kayo. Alam nyo naman ang nature ng buhay natin sa Singapore. Ingat po sa lahat. Salamat po! :)
Important notice to those who are posting Job Advertisements on the site. Please check the proper guidelines from Tafep.sg here before posting. Read on the Words And Phrases To Avoid In Job Advertisements .
Hi to all Pinoys out there in Singapore! We are bringing up a new online community where our aim is to help each other and to integrate / blend well with other people around us here in our 2nd Home. Hope you can join us and make us your new tambayan place! An attempt to bring back pinoysg.com . For issues on the site please send your concern to [email protected] . Please don't forget to check your spam folder when checking for the confirmation email.

ISUSUKO KO NABA O LABAN PA???

Hi mga fellow Pinoy SG,

I-share ko lang ang experience ko dito sa SG for my job hunting...

Feb 2018- Nag visit ako sa sg, pumunta ako dito sa sg dahil dito nag wowork ang partner ko(we are both male). Nag stay ako dito for 12 days. May work ako sa pinas at that time. Kaya bumalik pako sa pinas after 12 days. Visit lang tlga ang purpose ko.

April 2018- we've decided na mag balik ako sa sg to look for a job, this time nag 1 month leave ako sa company ko sa pinas. Na approved naman ako ng hr. For this month, hindi ako masyado nakapag hanap ng work dahil saktong sakto nagkasakit ang partner ko sa apendicitis which leads him for operation. Ako ang naging kamay at paa nya for a.month dahil sa kakaopera nya lang.

May 2018- magaling na ang partner ko kaya balik work na sya at ako naman nag exit sa KL, since may brother ako doon. nagstay ako dun ng 1 month. Nag pasya ako na i-give up na ang work ko sa pinas. Nag file ako ng resignation sa hr and nag continue ako sa pag aapply online.

June 2018- I finally found a job, they applied an Spass for me. Agency ako nakakuha. so definitely I paid for 2 months salary. To mention, 5200 dollars ito. Ang partner ko ang nag finance sken sa lahat lahat. Na approved ang pass

June 26, 2018- nag start nako sa work. Ang working hours ko at 12-14hrs a day and 6 off days a month. Medyo paguran ang labanan sa work. at kupal ang manager ko na local. As in tinarantado ako ng isang kasamahan kong part timer na local. Kinampihan ng manager ko kaya malakas ang loob. sobrang stress ako noon kasi mahaba na nga ang working hours ko, tapos ganun pa mga kasama ko. Kaya di ako motivated sa work.

End of July- nagka problema ako sa.company. so they decided na iterminate ang pass ko. Wala nako magawa kundi tanggapin nlng yun din ang advice sken ng partner ko. Let go and move on kumbaga. So wala nako work.

Aug 2018- continue looking for a job ako. Hanggang sa may kumuha sken na company, ok ang 1st and 2nd interview ng owner. Gusto ako i on board after ng second interview ko, sabi ttawagan daw ako ng hr to settle all documentation. So nag expect ako. Ilang days na wala pa din kumokontak sken. ang ginawa ko ako na nag follow up sa hr. Sabi antay antay lang daw ako. 1 week nalang visit pass ko noon. No choice nakp but to.exit.

End of aug- nag exit ako sa KL sa kuya ko. Stayed there for one month. Hanggang sa naka rcvd ako ng email sa inaplayan ko na wala pa pala si kota. (Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at pinagtakluban ng langit at lupa). So move on ako. apply pa din ako online. may kumontak skn at initerview ako via Whatsapp video call. nagustuhan ako, inapply pass ko. Then wait ng isang week lumabas ang result,,,, Rejected ang result... they appeal kso need ko na lumabas ng malaysia kasi mag 30 days na ko. Pero apply pa rin ako ng apply ng madami online. Madaling arae, umaga, tanghali at gabi. Apply lang ako.

Sept 2018- bumalik ako sa sg, nakapasok ako sa pang apat na pagkakataon. Kasama ko brother ko at gf nya sa sg. Ok ang lahat. Walang tanung..

Madami ako naka schedule na interview. Paglapag ko palang sa sg that day may two interview na ako.. eto na nagpunta nako sa dalawang interview ko... ung una ok naman. Pangalawa mas lalong ok. kasi gusto ako ng employer. Bingyan ako agad ng offer at pag tinanggap ko daw iapply nako.sa mom. So ok naman. Kinuha ko offer. Kinabukasan pinag sign ako ng Offer letter. Tuwang tuwa ako kasi sabi ko eto na ang bigay ng Diyos sken. nagpasalamat ako sa panginoon. Tuloy pa rin ako magpa interview khit processing na ang pass ko.. eto na Inapply na pass ko.. 11 days lumabas ang result, rejected ulit... need daw priority ang locals sa hiring sabi ng mom.. Napa Diyos ko ako... kasi eto na aman. Two weeks nlng expired na svp ko... nag appeal si employer... three weeks ang kailangan antayin.. ikaw two weeks kahapon at kelangan ko na din mag exit. Nag decide kami ng asawa ko na thailand nlng ako... pagdating ko sa thailand at sa hotel. Takot na takot ako dito sa phuket dahil nkakatakot ang lugar... maya mayatumatawag ang employer ko.. yun daw appeal nya ay unssuccessful na naman. Umiyak na ako.. diko na alam.ang mararamdaman ko.. diko na alam ang gagawin ko.. ipaglalaban.pa din ako ni employer sa monday balak nya pumunta mom to see the officer na nag review ng application..


May pag asa pako kung makuha ng employer ko ang approval kapag nag personal visit sya to appeal.

Diko na.alam talaga ang gagawin ko mga kapatid... Ang hirap ng sitwasyon ko..

Nahihiya nako sa partner ko na walang sawang sumusuporta sken sa financial at.moral..... sabi nya, wag ako sumuko.. pagsubok.lang to samen.

Maganda nanan ang hangarin namin yun ay magkasama kami dalawa at matupad ang pangarap namin na buhay. mahal na mahal namin ang isat isa.

Diko po alam kung susuko naba ako o laban pa..pero syoko sumuko dahil sinimulan ko na dapat kong tapusin. may awa din ang Diyos.....

Sensya na mahaba ang storya ko at salamat sa mga baba at mag simpatya. GODBLESS US ALL.....
«134

Comments

  • ung 5200 na binayad mo sa agency, 2mos worth of salary un kung 2yrs contract. kaso tinerminate ka after ilang buwan lang, pwede mo marefund ang kalahati nun dahil dmo naman na-use up ang 2 taong kontrata. nasa batas yan, try mo bawiin. pagisipan mo mabuti, ikaw lang mkkasagot nyan. basta ako nung sumabak ako sg, mrami din akong masaklap na krnsan. pero tyinaga ko lang at ang drama ko ay never say die. basta try lang ng try. habang nagttry kase may pag-asa, but once gumive up na, dun na mapuputol ang pagasa.
  • Para sakin go lang ng go! Sumugal kana sa lahat eh, itodo mona!pero ikaw pdn naman magdedesisyon nyan. Pagisipan mong mbuti at mgdasal ka lng lgi.


    Yes, tama si maya. Pwede mong bawiin ung placement fee. Anong agency pala un? Ung sa friend ko kasi ganyan dn nangyari tinerminate sya so nabawi nya ung pera. Golden dragon agency nya.
  • @maya Yes na refund ko naman. kaso 50% lang ang nakuha ko ulit. Di nako nakipagtalo. Tama ka hindi ako dapat sumuko. Dapat determinado pa din ako kasi maganda ang hangarin ng puso ko. at may mga plano kami ng partner ko. Salamat po ah
  • @kmab1328 nakuha ko naman sir. Kaso half lang.. ok na din. Oo totoo ka dyan. Never give up. Nandito na sansitwasyon na to eh. salamat at nabubuhayan ako sa mga comment ninyo. Sana lang talaga ipagkaloob na ng Diyos ang mga hiling ko.
  • @gjb anong agency po pala ninyo? If ok lng malaman. Kaya mo yan! GBU
  • @kmab1328 Huwag nlng imention yung agency. kasi maayos naman sila sken noon. Saka nagbalik din naman ng binayad ko. Oo nga po kaya ko to. Wag ako susuko db. kasi may goal ako. Pahirapan nga lang makuha pa. pero ipagkakaloob din.
  • @gjb ako after 1yr9mos, nagkaron din ng matinong trabaho.
  • Hanga ako sa determination mo at lalo na sa partner mo mapalad ka dahil andyan siya lagi sa tabi mo to support you huwag kayong susuko at isasama ko kayo sa panalangin ko
  • @maya talaga? Ganun katagal? You mean may work ka na noon pero di maayos.
  • @nanay Hello po. Maraming salamat po. Di po ako susuko dahil may goal ako at pangarap kami ng partner ko at para ito lalo sa nanay ko na nasa pinas. Sabi nga ng nanay ko, ipagkakaloob din ng Diyos ang hiling namin. Sinusubok lang po kami kung gaano kami katatag.

    Salamat po at isama nyo kami.sa dasal ninyo.
  • @nanay Yun din po ang isang pasasalamat ko at nandyan lang ang partner ko parasuportahan ako. Kaya thankful pa din po ako. May pagasa pa. Alam ko darating din ang liwanag.
  • @gjb oo 3rd job ko na to. before itong 3rd job, depressed din ako at mga 4mos ako wala work. pero andito din kasi asawa ko so never ako gumive up pra mgksama kmi.
  • @maya talaga. 4mos ka walang work. Yan din ang pangarap ko magkasama kami ng partner ko. So dati pa exit exit ka din? Sa tingin mo.ba makukuha pa sa personal appeal ng employer ko yung rejected pass ko.
  • @gjb Don't lose hope. Based on my experience, miracle happens on the last minute. Pray ka lang at wag panghinaan ng loob kabayan
  • @isorn4x Oo sir. Mag pray lang po ako lagi. Sana nga magka milagro. Last chance ko na to eh
  • Habang may buhay may pag asa!
  • pag subok lang yan wag susuko
  • Medyo napa dalawang tingin ako sa title mo bro @gjb , kala ko kung anong isusubo. hehe. isusuko pala. :D Anyway, tama ang mga kabayan naten. Meron ka pa naman chance, so laban lang. Ngayon pa ba susuko half way. Kung hindi man palarin this time, uwi ka muna sa Pinas ang be with family. Recharge at balik dito sa SG pra tuparin ang iyong pangarap at para makapiling na pang matagalan si partner. :)
  • @gjb laban lang ng laban. Never give up. For every action, there is an equal reaction. Law of equivalent exchange. Lahat ng sakripisyo mo ngayon ay meron resulta yan in the future.

    Keep fighting and God Bless you!!!
  • Bebe gur..Laban lang
  • @gjb may balita n po ba ano po results?
  • pwede malaman ano inaapplyan mong work dito? kung may budget pa Go lang. GBU
  • @RDG haha natawa naman ako.sayo. oo di ako susuko. Tama ka naman nandito na rin lang ako bat ako susuko... salamat sa mga payo ninyo. Laking tulong ng lahallt ng payo ninyo.
  • @Kebs bro maraming salamat. I agree with you. Naway magbunga lahat ng pagtitiis ko. Pakinggan sana ako ng maykapal. salamat encouraging words ninyo....
  • @isorn4x wala pa po balita. Kinokontak pa ni employer ang mom. ayoko kc kulitin baka mag back out. salamat
  • edited October 2018
    @gjb Faith stretching lang yan bro! He will give it to you on his perfect time :) God Bless.
  • @Teddy bro, tama ka dyan. Faith to Him. Sana nga lang ibigay na nya hanggang maaga. Salamat sa advice mo. Naway maging maayos na ang lahat.
  • @gjb Miracle do happens sa last two minutes. Ako umuwe ako ng pinas last Sept kasi wala ko mahanap eh, madame nman ako interviews before bumalik dito kaso ang nakakapagtaka lang is ung nagbigay saken ng job offer is ung company na hindi ko inapplyan so in short they send me a mail na they saw my resume sa isang site then do a whatsapp video call and voila! I ask them kung may quota sila, since mabait un HR iniscreenshot pa nia ung quota nila para dw may peace of mind ako haha. inapply pass ko on the spot :) ayun basta, when u say u trust him dpat u mean it.

    Read Jeremiah 29:11-13
  • @Teddy Ang galing naman ng nangyari sayo. sana ganyan din mangyari sken.. so nasa sg kana ulit? Congrats pala ah.. o sige bsahin ko yan.. isearch ko online kasiwala ako dala na bible.
Sign In or Register to comment.